[x]

Claudine Barretto and husband Raymart Santiago are still advised not to grant interviews to the press. Nonetheless, their lawyers released a press statement debunking "the video circulating on the Internet" and saying that friends are offering “monetary incentive to anyone who can provide a video documenting the events leading up to the scuffle.”

Photo: Melo Balingit

Nagsumite ng petition for a writ of amparo ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago sa Quezon City Regional Trial Court, Branch 129, kaninang hapon, May 16.

Ang hakbang na ito ay ginawa ng mag-asawa bilang proteksiyon daw mula sa mga banta ng magkakapatid na Ben, Raffy, at Erwin Tulfo.

Matatandaan na noong Mayo 7, sa kanilang public service program na T3: Kapatid, Sagot Kita! sa TV5, ay naglabas ng saloobin ang magkakapatid tungkol sa sinapit ng kanilang panganay na kapatid na si Ramon "Mon" Tulfo.

(CLICK HERE for related article.) 

Ito ay matapos masangkot sa gulo sina Mon at Raymart—kasama ang asawa at mga kaibigan ng huli— sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo 6.

(CLICK HERE for related article.)

Kasunod naman ng pagbabanta ng Tulfo brothers ay ang pagkakasuspinde ng tatlo sa kanilang mga programa sa TV5.

Humingi rin ng tawad si Erwin sa mag-aasawa.

Kanina naganap ang unang pagdinig sa petisyon nina Raymart at Claudine na sinaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

THE PROCEEDING. Ayon sa sa sc.judiciary.gov.ph, ang petition for a writ of amparo ay isang: “remedy available to any person whose right to life, liberty and security is violated or threatened with violation by an unlawful act or omission of a public official or employee, or of a private individual or entity."

Dumating sa hearing kaninang hapon si Claudine, kasama ang kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto, ang legal counsel nila ni Raymart na si Atty. Alex Avisado, at tatlong support counsels na sina Atty. Joanna Marie Raguio, Atty. Ronald Ubaña, at Atty. Jennifer Jimeno-Atienza.

Bago pa man maisalang sa witness stand si Claudine upang pagtibayin ang kanilang petisyon ay tumutol na ang abugado ni Erwin Tulfo na si Atty. Nelson Borja.

Ayon kay Atty. Borja, hindi sila nakakuha ng kopya ng petition.

Hindi rin daw sila “aware” na may magaganap na hearing nang araw na iyon kaugnay ng naturang petisyon.

Gayunman, pinayagan pa rin ng presiding Judge Bayani V. Vargas na magpatuloy ang hearing, na nagsimula pasado 3:30 ng hapon.