news

Manny Pacquiao denies quoting a Bible verse: "Kasinungalingan iyan." 

by Nerisa Almo posted on May 17, 2012  STATS: 26775 Views | 60 Comments

Manny Pacquiao clarifies that he did not say any Bible verse during his interview with US-based Filipino writer Granville Ampong for the Examiner. In an interview with sports reporter Dyan Castillejo, he said, “Hindi ko alam iyang verse ng Leviticus kasi hindi pa ako nakabasa ng Leviticus.”

Photo By: Noel Orsal

Matapos umani ng batikos, nilinaw ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao ang nauna niyang mga pahayag tungkol sa same-sex marriage.

Sa panayam ng US-based writer na si Granville Ampong para sa National Conservative Examiner, inilahad ni Saranggani Representative Manny ang kanyang matinding pagtutol sa pagpabor ni U.S. President Barack Obama sa isyu ng same-sex marriage.

Ayon kay Manny, “God only expects man and woman to be together and to be legally married, only if they so are in love with each other.”

(CLICK HERE to read related article.)

Sa hiwalay na panayam sa kanya ni ABS-CBN Sports reporter Dyan Castillejo, idiniin ng boxer-policitian na, “Sinabi ko lang ang opinion ko na against the law of God ang same-sex marriage.”

Ipinaliwanag din niya na hindi siya tutol sa mga homosexuals dahil mayroon ding siyang mga kamag-anak na tulad nila.

Aniya, “Hindi ako tutol sa gays… may kamag-anak akong bakla.

"Wala tayong magagawa kung ipinanganak silang bakla. Ang ayaw ko lang paglabag mo sa utos ng Panginoon.”

NO QUOTES FROM THE BIBLE. Ang mariing itinatanggi ni Manny ngayon ay pagsasabi umano niya ng isang Bible verse na naging sanhi ng mga matinding komento laban sa kanya.

Ang Bible verse na napabalitang sinabi ni Manny ay mula sa Leviticus 20:13:

“If a man lies with a man as one lies with a woman, both of them have done what is detestable. They must be put to death; their blood will be on their own heads.”

“Hindi ako nagsabi niyan, kasinungaligan iyan.

 

“Hindi ko alam iyang verse ng Leviticus kasi hindi pa ako nakabasa ng Leviticus," mariing sabi ni Manny.

WRITER APOLOGIZES. Samantala, agad namang inako ng manunulat na si Ampong ang kalituhang idinulot ng kanyang artikulo na lumabas sa examiner.com noong Mayo 12.

Sa panibagong artikulong isinulat niya sa parehong website, sinabi ni Ampong na ang Bible verse na nakasama sa kanyang naunang artikulo ay hindi galing kay Manny.

“As we see, nowhere in my supposition and integration of my interview with Pacquiao did I mention that Pacquiao recited this Leviticus 20:13 nor did I imply that Pacquiao had quoted such. 

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

60 Comments

  • 20  mrsenchong

    05/17/2012 | 10:26 AM
    Hahahahaha...some comments here are hilarious. Paano mo nakukuhang sabihin na maghinay-hinay ang Bibliya sa sinasabi Nito? Diyos ka ba? kaloka ka. There's a very thin line between your so-called intelligence and stupidity.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  mrsenchong

    05/17/2012 | 10:23 AM
    Pacquiao didn't write nor pronounce Leviticus 20:13. Sino ba si Pacquaio? Eh tao din lang naman sya katulad natin. Ang author ng Leviticus 20:13 ay walang iba kundi ang Diyos. Dahil lahat ng nilalaman ng Bibliya ay nanggaling sa Diyos at lahat ng di sang ayon dito ay hindi si Pacquiao ang kinukwestiyon kundi ang Diyos. Napakalinaw kung papaanong hindi kinukunsinti ng Diyos ang pagiging LBGT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  humandynamics

    05/17/2012 | 10:17 AM
    maski naman ang bibliya nakakalito rin, katulad ng Leviticus 20.13 they must be put to death, tapos meron namang Thou shalt not kill.. sabi nga nila religion has caused more deaths from war than anything else, kaya maski bibliya dapat dahan dahan din sa sinasabi.. hindi lahat ng bagay tatapatan mo lang ng bibliya o kaya Quran tapos na.. at kapag kinwestiyon mo ang sinabi hindi ka maka diyos at automatically masamang tao ka na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Tweetumzz123

    05/17/2012 | 09:59 AM
    nakakainis na itong bukang bibig ng mga gay, lesbian, transgender etc na karapatang pangtao nila,wala namang nag aalis sa karapatan nila,minsan nga sobra na nilang inaabuso yung karapatan na iyun to the point na malaswa na masyado..hindi naman porket nagbitiw na ng verse from bible about sa pagiging gay or lesbian e pinipersonal na sila,nagsi- share lang na baka makatulong sa kanila pero walang personalan..masyadong komplikado yung isyu pero hindi dapat tinotolerate ang marriage between same sex at baka mas marami pang mahikayat, pero nabindisyunan na sila ni obama so party party na sila as in wala ng buhay na dapat paghandaan after ng kamatayan.....anyway nakadepende talaga sa relegion natin ang magiging pananaw natin sa mga same sex marriage...manny may bibliya kang pinaniniwalaan so hayaan mo na sila  na batikusin ka,importante nagawa mo yung obligasyon mo sa KANYA SA ITAAS na ishare yung mga salita ni GOD,kesehodang mabawasan endorsement mo basta PARA SA ITAAS  mapaligaya mo si GOD sarap sa pakiramdam nun
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  Xray

    05/17/2012 | 09:54 AM
    Ang dapat i-ban diyan ay yung writer na Pinoy pa man din. Ano ba yan! Parang pinabili lang ng suka tapos naging journalist parang mga press din lang sa Pinas
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  humandynamics

    05/17/2012 | 09:45 AM
    Thats why media should be careful, damaged has been done, and sad to say hindi lahat ng nakabasa sa article niya ay makakabasa ulit ng apology niya. so yung stigma na gay hater si manny ay mananatili sa isip nila.. marami rin newspapers ang nag react sa sinulat ni Ampong, sila nga na mga journalist nalito at naniwala, e di lalo naman ang mga regular na mambabasa.. kaya malaki talaga ang responsibilidad ng mga writers dahil they can spread hate na mas mabilis pa sa wildfire.. kaya rin siguro yung iba nagbabayad ng suhol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  jowee28

    05/17/2012 | 09:35 AM
    Whatever he says would be pointless I'm afraid, because the damage has been done. He needs to be careful with what he says. He's got a lot to lose.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  eve21

    05/17/2012 | 09:32 AM
    manny was only giving his honest opinion. shouldnt we all have our own?. hes not even trying to win any votes. now floyd and obama are using the Lesbian and gay community for their own political benefits
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  humandynamics

    05/17/2012 | 09:19 AM
    examiner, usa today, are reputable magazines/newspapers so you cannot blame people for reacting accordingly. BUT this time they screwed up BIG TIME! they all should apologize to manny publicly.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  shidax

    05/17/2012 | 09:16 AM
    iyan kasing si ampong hindi kasi klaro ang pagkasulat nya kung si manny ba ang nagquote ng verses from leviticus kaya ayan mahina ang reading compehension ng USA media kaya na mis interpret..............kung basahin naman talaga ang column ni ampong at mahina ang reading comprehension mo malilito ka talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  lolalu

    05/17/2012 | 09:14 AM
    Hooray to you Manny. I'm also against same sex marriage. Paano magaganap ang procreation kung lalaki sa lalaki at babae sa babae. Dito sa US suportado ng mga Hollywood stars like George Clooney and Brad Pitt ang mga gays. Obama changed his view on same sex marriage for political reasons. I don't care kung ano ginagawa ng mga gays and lesbian in private. Okay lang ang civil union but not marriage. What do you call yourselves when you get married? Bride and bride, groom and groom, Mr. Mr., Mrs. Mrs? You will change everything that we have known since time immemorial.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grazildachuvastra

    05/17/2012 | 09:12 AM
    Kakatawa naman kc ang LEVITICUS imagine garcia pati hipon abomination kainin daw! Pati nga pagregla kasalanan daw! read it kung na shock sin kayo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pretty

    05/17/2012 | 09:00 AM
    Maraming kasalanan na nagagawa ang tao. Ang tanong is kasalanan ba ang same sex marriage ayon sa bible? Kung ang lahat ng kasalanan ay ginagawang hindi kasalanan mawawala ang human race.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    05/17/2012 | 08:39 AM
    6iam_brainless, ikaw na ang pinaka plastic sa nga pepster..ang hilig mong mag quote sa bible na wag mag judge pero ikaw ang unang manlalait ke marian...nakakahiya ka day!...balikan mo uli ang nga post mo baka mahiya ka sa sarili mo..LOLZ
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    05/17/2012 | 08:26 AM
    Mag-ingat din kase sa pagbitiw ng mga salita kase un ibang tao grabe kung makapag-react agad kaya ako, super maingat ako pag nagshishare ako ng Bible verse,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    05/17/2012 | 08:19 AM
    kaya uli uli manny make sure na pag ininterview ka lalo na sa america make sure na mag-ingat ka dahil bababa ang popularity mo rito once na nagkamali ka. seguraduhin mo lang na bago ka lumaban ay di ka muna magpa interview dahil baka makapagbitaw ka nang verse sa bible.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    05/17/2012 | 08:16 AM
    di pa kayo nasanay sa media kung yung ngang 911 call ineedit ng mga yan to have sensationalized news eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zereena

    05/17/2012 | 08:03 AM
    hahaha,,di daw nya nabasa ang Leviticus....kasi nag-jump sya papuntang Romansromance...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/17/2012 | 07:44 AM
    KURYENTE PARANG INQUIRER. KURYENTE PARANG SI HARVEY KEY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kiwipinay

    05/17/2012 | 07:37 AM
    ayan, napaso ang mga nagbunganga sa twitter kahapon against manny! na twist naman pala ng media ang storya eh kalerqui kayo! sinumpa agad si manny me pa ban ban pang nalalaman chos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About