Jolina Magdangal clarifies that she and husband Mark Escueta never thought of not having a baby yet: "Hinihingi ko nga, e. 'Tapos, io-on hold ko? Iniba ko na lang yung...iniba muna namin. Kasi, the more yata na hinihingi, the more na feeling mo... kapag gusto mo, then, wala, parang mas masakit."

Photo: Noel Orsal

May kalahating taon na rin magmula nang ikasal sina Jolina Magdangal at Mark Escueta.

Tila nagulat pa si Jolina dahil ang bilis daw kasi at naka-six months na pala sila bilang mag-asawa. 

Kung may mapapansin man kay Jolina, basta rin lang ang topic ay ang buhay may-asawa, larawan pa rin siya ng kasiyahan at kilig.

               

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actress sa set ng bago niyang programa na Personalan sa GMA News TV na ipinapalabas mula Lunes hanggang Biyernes.

               

HER KIND OF HOME. Naitanong namin kay Jolens, palayaw ni Jolina, ang tungkol sa paghahanap nila ng bahay ng kanyang mister.

Matatandaan kasing bago pa sila ikasal ay ito na ang kanilang prayoridad. Mansion ba ang kanilang hinahanap kaya sila natatagalan makakita?

               

“Hindi nga. Ang gusto nga namin yung tipong... grow with you. 

“Halimbawa, may bahay na. Yung simple muna. Pero same muna, hindi lipat-lipat.  

“Gusto ko nga yung kapag nadaragdagan ng family... basta ang pinakagusto ko lang, may backyard, may garden. 

“Kasi, ang talagang nai-imagine ko, nagpi-picnic din kami do’n. May mga lanterns. 

               

“Kapag napag-tripan namin, magka-camping kami do’n, magba-barbecue. 

"Swimming na inflatable [pool] lang kasi, hindi ako marunong mag-swimming," paglalarawan niya sa kanyang dream house.

               

Noon pa raw ay nai-imagine na ni Jolina ang ganoong klase ng senaryo kapag may sarili na siyang pamilya.

               

Aniya, “Talagang dati noon, kapag nakakapanood ako ng mga ganoon, masyado akong nako-cozy-han. 

“Hanggang sa tatanda na kami doon. Kaya yung chair na ginamit namin ng kasal, doon yun.”

              

HER PLACE OF CHOICE. Sa Quezon City area raw sila naghahanap ng magiging bahay nila. May mga nakikita na rin daw sila na nagugustuhan nila.

               

“May nakikita rin kami. Merong lupa lang. Merong may bahay na fully-furnished. 

“Maganda ang pagka-renovate na six years nang tinirhan, okay rin. 

“Meron namang yung presyo nito, ganito.

"Pero siyempre, kailangan muna naming isa-isahin.

               

“Ano ang magiging tapos ng taon. Ano ang tingin namin na magiging income both. 

“Kaya nga kapag may topic na live-in sa Personalan, ‘Hay naku, alam n'yo na ba?!’

So far, so good.” pagtukoy niya na hindi biro ang pag-aasawa.

               

"BABY PROJECT?" Posibleng ngayong taong ito, may sarili na silang bahay?

               

“Yun ang goal namin. Bago matapos ang taon.

"Na hindi matatapos ang taon na hindi natin natupad ang isa nating gusto.