[x]

Angeline Quinto on starring in her own movie: “Bata pa lamang po ako, pangarap ko na talagang maging singer. Yung pagiging aktres, siyempre, pangalawa po sa pagiging singer na pangarap ko. Kaya noong nabigyan nga po ako ng chance na makagawa ng movie, agad-agad nga po, ay hindi muna naging teleserye muna. ’Tapos, ayun po, sobra-sobra nga po ang blessing."

Photo: Noel Orsal

Finally, ipalalabas na ang pelikulang Born To Love You ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Coco Martin at Angeline Quinto.

Ang pelikulang ito ang maglulunsad sa acting career ni Angeline.

Ayon kay Angeline, “Bata pa lamang po ako, pangarap ko na talagang maging singer.

“Yung pagiging aktres, siyempre, pangalawa po sa pagiging singer na pangarap ko.

“Kaya noong nabigyan nga po ako ng chance na makagawa ng movie, agad-agad nga po, ay hindi muna naging teleserye muna.

“’Tapos, ayun po, sobra-sobra nga po ang blessing.

“Bukod po sa pagkapanalo ng Star Power, sumunod na ang movie.

“’Tapos ang mga kasama ko pang artista ay mga hinahangaan ko. Bigatin po.

“Lalo na si Coco. Sir Albert [Martinez], Tita Malou [de Guzman]. Kaya yun po... sana po ay manood kayo.”

Nagakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Angeline sa presscon ng Born To Love You kahapon, May 16, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Pangarap din ba niyang makagawa ng teleserye?

“Opo naman,” sagot ni Angeline.

“Kaya lang nga po minsan, mahirap daw po. Halos araw-araw raw po ang taping doon.

“E, kapag hindi po kayanin kapag may mga raket naman... raket?” natawa niyang sabi.

“Naku, nabuking tuloy ako!