news

Jillian Ward on being made up as dark-skinned Luna in Luna Blanca: “Nahihirapan po kasi mainit, pero okay lang po, trabaho po iyon, e."

by Rommel Gonzales posted on May 17, 2012  STATS: 4635 Views | 15 Comments

Jillian Ward's adult-like advice to children aspiring to be in show business: “At huwag po silang tumigil mangarap kasi po ‘pag nawalan po tayo ng pag-asa, lalo pong hindi matutupad ang wish natin.”

Photo By: Melo Balingit

Magkakasama sa Luna Blanca ang dalawa sa pinakasikat na child actresses ng Kapuso network na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.

Si Jillian ay sumikat sa Trudis Liit at Daldalita, samantalang si Mona Louise naman ay nakilala sa Munting Heredera.

Ipapalabas ang Luna Blanca simula May 21 sa GMA Primetime block.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jillian sa presscon ng Luna Blanca noong Martes, May 15, kinumusta ang child wonder kung ano ang kanyang masasabi na magkasama sila ni Mona Louise sa Luna Blanca?

TWO CHILD STARS. First time ba ito na nagsama sila sa isang project?

“Okay naman po, masaya po ako,” umpisang pahayag ni Jillian.

“Nagkasama po kami una noon sa show ko po na Jillian: Namamasko Po!. Isa po siya sa Santa [Claus's] helper.”

Nag-bonding na raw sila ng kanyang kapwa child star.

“Minsan po ‘pag break time sa taping, nagpe-play po kami ng iPad ko,” banggit ni Jillian.

Sa Luna Blanca, directed by Dominic Zapata, unang henerasyon sina Jillian at Mona Louise.

Sumunod sa kanila ay sina Barbie Forteza at Bea Binene. Ang mga bida sa pangatlong henerasyon sa kuwento ay sina Heart Evangelista at Bianca King.


BACK TO WORK. Ikinatuwa naman ni Jillian na may show na siya ulit dahil halos apat na buwan siyang walang regular show at puro guestings lamang sa mga Kapuso shows.

Hindi ba siya nainip na medyo matagal siyang walang regular show?

“Masayang-masaya po ako kasi four months po akong walang show, ‘tapos ngayon po meron na ulit.

“Pero sa four months na yun, nag-enjoy naman din po ako kasi lagi po akong pinapasyal ni Mama, ‘tapos nagpupunta po ako palagi sa school at nagtu-tutor," sabi niya.

Sa pasukan, kahit may show siya ay mag-aaral pa rin si Jillian, na isang incoming Grade 1 student.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  under_rated

    05/28/2012 | 04:55 PM
    5 iam_brainful, anong same plot? baka sa ABS-CBN ang tinutukoy mo? bwahahaha... Go Jillian Mona Louise...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  dyoy19

    05/18/2012 | 06:21 PM
    yehey! go gillian and louise! cheers to GMA for bringing them together in one show. pero pwedeng wala si heart? please. palitan!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  artwork

    05/18/2012 | 01:22 AM
    Cute ng batang ito
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  coolitz4coolitz

    05/17/2012 | 10:18 PM
    07 kaepal - May Attitude? Itanong mo yan kay Momay mo? Hayun, hindi na halos makakain ang yaya sa sobrang utos, kinukunsinti pa ng magulang dahil sya daw nag-aakyat ng pera...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  kapamskoo

    05/17/2012 | 09:55 PM
    paborito ko si Jillian at napanood ko yung luna mystika ni heart na super hit kaya papanoorin ko ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  tennisgirl123

    05/17/2012 | 06:42 PM
    Jillian Ward- sa yr 2023 ikaw naman ang liligawan ni vic sotto,nyahahahha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sk8r_boi

    05/17/2012 | 06:11 PM
    sobrang biba ni jillian, sobrang cute pa. dami na nya awards. walang binatbat ang mga childstarlets ng doslaos.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Honey_1046

    05/17/2012 | 05:13 PM
    hay tao nga naman, pati sa bata bitter tsk tsk..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ka_epal

    05/17/2012 | 04:58 PM
    batang may attitude. wlang wala compared sa mga child stars ng ABS!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Honey_1046

    05/17/2012 | 04:57 PM
    mas ok na ung boring kaysa maging isang BRAINDED:-
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    05/17/2012 | 04:53 PM
    Same boring actors. Same boring plot. gme, WAKE UP!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pilyangmaganda

    05/17/2012 | 04:53 PM
    sorry pero hindi siya cute..........nakaka-irita siya unlike Momay! peace!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • thelostreasure

    05/17/2012 | 04:35 PM
    CUTEEEEEE NI JILLIAN!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    05/17/2012 | 04:34 PM
    Gustong gusto ko itong mga batang ito!I love Mona Louise kase napakanatural umarte at si Jillian naman sa pagka sobrang Bibo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/17/2012 | 03:28 PM
    Listong bata, nakakaaliw at magaling sumagot. miss u daldalita!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About