“To become a YouTube sensation wasn’t part of my plan. I really wanted to be an actress so ito na nga maybe ang stepping stone. So, I’m really trying to be a better host. Then, acting ako later,” says Ashley Rivera, a.k.a. Petra Mahalimuyak, about her new hosting stint for Kanta Pilipinas’s webisodes on YouTube.

Photo: Melo Balingit

Mula sa pagpapatawa sa kanyang mga video sa YouTube, handa na si Ashley Rivera—o mas kilala bilang Petra Mahalimuyak—na pasukin ang local show business.

Sisimulan ito ng YouTube star sa pamamagitan ng paghu-host ng mga webisodes na gagawin ng upcoming singing reality search ng TV5, ang Kanta Pilipinas.

Ang mga short videos na ito ay magpapakita ng behind-the-scenes sa mga araw ng audition at sa mismong contest. Ito ay maia-upload sa YouTube channel mismo ng Kanta Pilipinas.

Bagamat opisyal na ang kanyang pagpasok sa showbiz, siniguro naman ni Petra na hindi magbabago ang istilo niya sa mga gagawing webisodes ng Kanta Pilipinas.

“Serious ‘yong sa TV, pero pagdating sa online, it’s gonna be a little more fun,” sabi ni Petra nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng “KPniPetra” kagabi, Mayo 16, sa Roboto San Japanese Grill, Bonifacio Global City, Taguig.

At para sa mga subscribers niya sa kanyang personal account, sabi ni Petra, “I’m still gonna be uploading videos on my channel.

“But ‘yong mga webisodes naman for Kanta Pilipinas, we’ll be uploading it channel nila mismo.

“Gagawin ko ‘yon Mondays, Wednesdays, and Fridays.

“‘Yong videos ko naman will still go. I’m gonna keep it doon sa channel ko.”

(CLICK HERE to read related article.)

SLOWLY BUT SURELY. Inamin ni Petra sa PEP na talagang gusto niyang maging parte ng Philippine showbiz bago pa man siya nagtungo sa Las Vegas, kung saan niya ginawa ang mga sumikat niyang YouTube videos.

“Honestly, I’ve always wanted to be in show business talaga.

“To become a YouTube sensation wasn’t part of my plan.

“I really wanted to be an actress so ito na nga maybe ang stepping stone.

“So, I’m really trying to be a better host. Then, acting ako later.”