Kararating lang ni Alden Richards mula sa naging successful red-carpet premiere ng pelikula nilang The Road sa Hollywood noong May 9.
Anim na araw lang daw siyang nakapag-stay sa Amerika.
Hindi naman itinatanggi ni Alden ang naging excitement niya sa naging biyahe niya sa U.S., lalo pa’t ito kauna-unahan niyang out-of-the-country trip.
Masaya at may pagmamalaking kuwento ni Alden nang makasalubong siya ng PEP.ph (Philippine Enrtertainment Portal) sa lobby ng GMA Network kahapon, May 17, “Kararating ko lang po noong Tuesday [May 15].
“Six days and five nights din po ako pero nauna po sila [other cast members].
“Ang nakasama ko po sa flight, yung dalawang AVP po na sina Ms. Redgie Magno at Ms. Marivin Arayata.
“Yung flight, first class po, ibang klase, parang hotel ang feeling!
“First out of the country ko po. ‘Tapos, nag-premiere pa ang The Road, Hollywood pa po.
“Saan ka pa po?”
Ano ang pakiramdam ng una niyang biyahe sa labas ng bansa?
Ani Alden, “Siyempre po noong una, hindi ako mapagkatulog sa sobrang excitement ko.
“Hindi ko alam kung ano ang una kong pupuntahan sa sobrang dami ng itinerary namin noon nandoon kami.
“Pero nasulit ang six days. Biro n’yo, nakatatlong theme park ako—Disneyland, Magic Mountain, at saka Universal Studios.
“Yun nga lang, nagkaroon ako ng jet lag doon from the Philippines.
“Yung jet lag ko from the Philippines, hindi ko masyadong na-cope doon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
31 insyang
30 tulips522
29 Max_08
28 Max_08
27 meganontalaga
26 yuri_alex
25 daveraf787
24 kaepalmilya
23 kaepalmilya
22 meganontalaga
21 cinelamour
20 keen
19 kapusohater
18 kapusohater
17 merlion_25
16 Einstein_1
15 Lieutenantcaine
14 kapamskoo
13 MadamClaudia
12 MadamClaudia
more comments