Heart Evangelista says she and Sid Lucero are just good friends. “It’s so funny kasi when you’re doing a soap and you’re with this person, right away, you’re romantically [linked]… But it’s nice kasi, at least, naniniwala sila sa acting," says Heart with a smile.

Photo: Noel Orsal

Itinanggi ni Heart Evangelista na may anumang namamagitan sa kanila ni Sid Lucero.

Magkasama sina Heart at Sid sa primetime series ng GMA-7 na Legacy. Dito sinasabing nagsimula ang magandang pagtititnginan ng dalawa.

May balita pa ngang inimbita raw ni Sid si Heart sa isang “family dinner” ng mga Eigenmann, kung saan ang iniimbita lamang ay ang bahagi ng kanilang pamilya o ang pinakamalalapit nilang kaibigan.

Pero mariin itong itinanggi ni Heart nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa “Save the Earth, Share Happy” event ng SM Supermarket at Unilever kaninang hapon, May 18, sa SM Megamall.

Aniya, “No, I but bumped into his family Mother’s Day when I was in Rockwell…yun lang yung [naiisip] ko…”

Matagal na rin daw niyang kakilala ang pamilya ni Sid.

“Actually, I’ve known his family for a while. And I’ve met Max [Maxine Eigenmann, Sid's sister] a long time ago and…

“Sid and I are very good friends and we hang out a lot. So, uhm, nakilala ko na sila dati pa.

“But we’re really good friends. And it’s so funny kasi when you’re doing a soap and you’re with this person, right away, you’re romantically [linked]..."

Idinaan na nga lamang daw ni Heart sa biro ang isyu.

“But it’s nice kasi at least naniniwala sila sa acting,” sabi niya.

Sa kabila ng kanyang sagot, nilinaw pa rin ng press kay Heart kung lumalabas ba sila ni Sid.

“Oh, I go out with Sid all the time—not just with Sid alone but with groups. Uhm, we’re very close.

“Actually, the whole Legacy cast, we’re very, very close. So, yeah, we all go out," paliwanag niya.

Nang diretsang tanungin kung may namamagitan ba sa kanila ni Sid, paulit-ulit na “no, no, no…” ang nakangiti nitong sagot.

 

GETTING TO KNOW NEW PEOPLE. Kamakailan ay nakumpirma ang pakikipaghiwalay ni Heart sa Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga matapos ang mahigit isang taong relasyon.