news

Julie Anne San Jose on her first movie kiss: “Kahit anong bagay pa yun, basta first time mo, kakabahan ka.”

by Ruben Marasigan posted on May 19, 2012  STATS: 4256 Views | 17 Comments

Julie Anne San Jose, unlike most debutants, prefers to celebrate her "introduction to society" the quiet way–with family, relatives and close friends. Instead of a lavish party, Julie Anne staged a concert for her fans on May 16 with Jay-R, Kris Lawrence and, of course, Elmo Magalona.

Photo By: Noel Orsal

Naging successful ang birthday concert ni Julie Anne San Jose sa Hard Rock Café noong Miyerkules, May 16, isang araw bago ang mismong 18th birthday niya nitong Huwebes, May 17.

     

Special guest niya rito sina Jay-R at Kris Lawrence.

At kahit medyo inaasahan, naging surprise guest ni Julie Anne ang ka-love team niyang si Elmo Magalona.

     

Masiglang nagpahayag ng birthday message si Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertrainment Portal) at ng iba pang miyembro ng media.

“Unang-una po sa lahat nagpapasalamat po ako kay Lord sa lahat ng blessings na ibinigay niya sa akin.  

“At saka sa family ko po, sa mga friends ko, sa mga supporters ko.”

     

“Ang wish ko lang po, good health. At sana po, mas marami pang opportunities na dumating. 

“Mga projects at shows. Mas maging successful pa sana ako sa career ko.”

      

Unlike other debutant parties, walang cotillion dance o 18 roses na naganap. 

Mas ginusto ni Julie Anne ang isang simpleng dinner lang ang kanyang selebrasyon na kasama ang kanyang pamilya, mga kaanak, at malalapit na mga kaibigan.

      

“Yun po ang napagdesisyunan namin. Feeling ko rin po kasi, parang wala nang masyadong gumagawa no’ng may cotillion at 18 roses ngayon e.

      

“And ako, ang gusto ko lang talaga sa birthday ko, makasama ko yung family ko, relatives ko, and mga friends ko–gano’n.

       

“Okey na po sa akin kahit hindi engrandeng selebrasyon. Basta ang importante ay makapag-celebrate ako ng birthday ko.”

      

INDEPENDENCE. Yung iba, sa edad na 18, gusto nang magsarili o mamuhay independently, how about her?

      

“Kasi iba pa rin po talaga ‘pag nagsarili ka kesa kasama mo ang family mo. Ako, mas gusto ko po talaga with my family.

       

“Kung talagang panahon na para magsarili ako, ili-lead naman po ako ni Lord do’n.  

“Hindi naman po porke 18 ka na e, kailangan hihiwalay ka na at mamumuhay [nang] mag-isa. 

“Pero ako po talaga, mas gusto ko pa rin with my family.”

        

CAREER FIRST. Pero pagdating kaya sa pagtanggap ng suitors, okey na ba dahil 18 na nga siya?

        

“Hindi pa rin po, e,” natawang sabi ni Julie Ann. 

“Siyempre, may usapan po kami ng parents ko na uunahin ko muna ang mga pangarap ko. 

“Sa career muna po ako magpo-focus. And iyon naman ang dapat talagang gawin ko.

       

“Nag-start ako bilang contestant sa singing contest. Tapos hindi ko naman po akalain na maaabot ko yung kinatatayuan ko ngayon.

       

“Kung hindi po ako nag-audition noon sa Popstar Kids, wala po ako ngayon dito. 

“And actually, wala rin nga po sana sa plano na mag-audition ako.

       

“Parang napadaan lang kami. Nagmo-mall lang kami ni Mama.

       

“Tapos, ayon… parang nag-try lang po ako. Hindi ko naman po ini-expect. Until nandito na ako ngayon.

       

“Kumbaga nga, sabi ko, ‘Will talaga siguro ni God. Ang bait talaga Niya. God is good all the time.’”

       

KISSING SCENE. Marami na ang excited habang inaabangan na maipalabas na ang launching movie nila ni Elmo na Just One Summer under GMA Films.   

Pinag-uusapan na rin ang nakakakilig nilang kissing scene na inabot daw ng take 7 [pag-ulit ng shoot].

      

 “Nakatulong yung mga workshop namin para maging komportable na kami no’ng kunan na iyon. 

“Doon namin na-apply sa scene na iyon yung mga napag-aralan namin.

      

“Sa workshop po kasi namin, parang as much as possible, we try to be open to each other talaga.”

       

Pero kinabahan pa rin daw siya bago kunan ang kissing scene nilang iyon.

       

“Kung first time mo talaga, kakabahan ka. 

“Kahit anong bagay pa yun, basta first time mo, kakabahan ka. 

“Normal lang na gano’n,” sabi pa ni Julie Anne. 

1  

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  cinelamour

    05/20/2012 | 12:03 AM
    ang daming may bagong account a. nauubos na, kakaisip ng alternicks.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  tulips522

    05/19/2012 | 10:26 PM
    ganda ng ilong ni julie. walang wala ang sarat na ilong ni sarah g. only from doslaos, home of the ngetpa starlets! LOL!!! ----------------------------------ahmm. bat nyo po dinamay si Sarah G. dito? sa totoo lang, mas katanggap-tanggap naman sa paningin ang ilong ni Sarah kesa sa ilong nya. I am a Sarah G. fan kaya nagre-react ako kasi inuna nyong banggitin si Sarah. At pwede ba wag ipagmalaki ang mga million views sa Youtube baka naman kasi yung mga fans nya ay iniipon ang baon para makapag-internet. Saka na ipagmalaki kapag nagka-multi-platinum albums na at block buster movies. habang wala pa, pwede maging humble muna mga ulirang fans?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  sk8r_boi

    05/19/2012 | 08:49 PM
    ganda ng ilong ni julie. walang wala ang sarat na ilong ni sarah g. only from doslaos, home of the ngetpa starlets! LOL!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  sk8r_boi

    05/19/2012 | 08:45 PM
    bakit sa lahat ng article ng kapuso artists andun ung squatter na pwearl? at pare-pareho lang naman ng sinasabi. actually, obvious na pakawala ng CHEAP na dosloas ang taong pwearl na yan. parang c angelica p. lang eh, walang breeding. LOL!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  coolet_06

    05/19/2012 | 04:34 PM
    FIRST KISS? KALIBUGANN.. again what can we expect from the cheap network itself GME. its artist reflects the personality of the network. need i say more??? shame shame shame... --------------- KABOBOHAN at KATANGAHAN mo naman.......... you're stinky attitude reflects on your well praised network... so be careful.. you're such a shame shame shame shame....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  coolet_06

    05/19/2012 | 04:31 PM
    pwearl102 05/19/2012 | 12:56 PM ang gorgeous ng ilong. hahaha... anong title ng movie nya.. ilong ranger? wagas! hahaha ----------------- i am not seeing any problem on her nose compared to your STINKING attitude....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  coolet_06

    05/19/2012 | 04:29 PM
    pwearl102 05/19/2012 | 12:55 PM matumal ang PEP these days... walang kalatoy latoy na article... pati itong si JEBS ng party payatas pinapatulan.. hahahah.. ka cheapan ang article na itey... babu... ----------------- pero pinagtyagaan mong magcomment ng anim na beses ah???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  coolet_06

    05/19/2012 | 04:28 PM
    pwearl102 05/19/2012 | 12:54 PM another flopsina from gme. dba my kontrabida girlalu and the road? hahahah ------------- okay....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    05/19/2012 | 04:27 PM
    pwearl102 05/19/2012 | 12:53 PM da who? sino itetch? ------------------- reading comprehension please...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    05/19/2012 | 04:26 PM
    pwearl102 05/19/2012 | 12:52 PM kay gondoh bata. ang laki laki ng ilong... wagas na wagas. hahhaha... --------------------- insecure....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rodgie87

    05/19/2012 | 04:15 PM
    sana ung lumalait eh tumingin muna sa salamin. baka naman ang mukha eh parang lumaking tigyawat he he
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rodgie87

    05/19/2012 | 04:10 PM
    ang bastos ng bibig ni PWE este pwearl102, kumota agad sa article na to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    05/19/2012 | 02:54 PM
    Love you Julie Anne. JAPS forever!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rayver7

    05/19/2012 | 01:54 PM
    Maraming bitter. Go Julie Anne San Jose. Simple but beautiful and gorgeous. M a m a t a y na ang mga GMA 7 haters and bashers. Wala lang kayong katulad ni Julie Anne San Jose na youtube sensation. Ikaw ba naman maka 14 million hits sa youtube yung Superbass cover nya? Tapos yung Pricetag cover nya 5 million hits. Kabog. Nganga ang mga b a y a r a n g chupamilya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yuri_alex

    05/19/2012 | 12:40 PM
    I'M GONNA WATCH HER MOVIE AND BUY HER ALBUM. Walang ka-ere-ere sa katawan. HBD Julie Anne! :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • keen

    05/19/2012 | 12:37 PM
    wow julie anne! she's gorgeous, beautiful and multi-talented!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flipflops123456

    05/19/2012 | 10:37 AM
    LA NA BANG IBANG ARTIKOL NA MAS INTERESTING PEP????????????????????????????/
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About