news

Katrina Halili plans to file charges against her alleged Twitter basher: "Gusto ko siya matuto, kasi kung tatanggapin ko ang sorry niya, mangyayari sa ibang tao."

by Gorgy Rula posted on May 19, 2012  STATS: 25859 Views | 67 Comments

Katrina Halili's alleged Twitter basher is under investigation by the National Bureau of Investigation. If proven that the suspect is the one sending the threatening tweets, the actress says she's filing charges. "Para matuto ang mga tao na ganyan di ba? Hindi naman porke't ganun e, magsasalita ka ng mga masasama. Okay lang na magsabi ka na malandi ako, o kahit ano ako, wala akong pakialam. Pero huwag naman masyadong below the belt na nagti-threat pa," she says.

Photo By: Gorgy Rula
Hindi nakaligtas si Katrina Halili sa mga basher sa Twitter, pero hindi ito nakipag-away. Sa halip, ipinarating niya ito sa NBI (National Bureau of Investigation) at nagsampa ng reklamo na biktima siya ng Cyber Bullying.
 
 
Kuwento ni Katrina, nagsimula raw ang pagti-tweet sa kanya ng mga panlalait at pananakot nung mga bandang second week of April nuong panahon na nagkaroon ito ng isyu kay Marian Rivera sa My Beloved.
 
 
"May mga sinasabi siyang masama na sobra na talaga. Sa akin naman kahit anong sabihin niya sa akin, okay lang naman. hindi ko naman papatulan.
 
 
 
"Pero minsan sobrang below the belt na yung mga sinabi, so hindi maganda. Mag-ingat lang sana siya," pahayag ng aktres.
 
 
Sabi pa ni Katrina, "May mga tweet siya sa akin na pupuntahan daw ako sa taping. Basta nagti-threat siya, kaya lumapit ako sa NBI."
 
 
Pati ang sanggol na ipinagbubuntis ng aktres ay idinadamay daw sa mga pananakot, kaya nagsadya na ito sa NBI para pormal na magsampa ng reklamo.
 
 
"Apektado ako kasi hindi natin alam baka gagawin niya yung mga sinasabi niya di ba? Yung mga threat niya," pakli ni Katrina.
 
 
Hindi nagtagal natunton daw ng NBI kung sino itong basher na nagbabanta at naninira sa kanya. 
 
 
Inimbita daw ito ng NBI at nagkaharap na sila ni Katrina.
Isang babae raw ito, na hindi naman daw gaanong katandaan. Napagdudahan pa itong fan ni Marian, ang lead actress ng My Beloved, pero tumanggi raw itong babae.
 
 
Hindi na nagkomento si Katrina tungkol dito. "Hindi ko po alam e," ang safe na sagot nito.
 
 
Hindi pa puwedeng ikuwento ni Katrina ang buong detalye dahil iniimbestigahan pa raw ito sa ngayon.
 
 
Kung ano man daw ang resulta ng imbestigasyon, idedemanda raw ito ni Katrina at hindi raw siya papaareglo.
 
 
"Para matuto ang mga tao na ganyan di ba? Hindi naman porke't ganun e, magsasalita ka ng mga masasama. 
 
 
"Okay lang na magsabi ka na malandi ako, o kahit ano ako, wala akong pakialam. Pero huwag naman masyadong below the belt na nagti-threat pa," pahayag pa ng aktres.
 
 
Naniniwala si Katrina na itong babaeng ito ay nanlalait din sa ibang mga kilalang artista.
 
 
Kaya gusto raw niyang matapos na agad ang imbestigasyon para mademanda na raw niya ito.
 
 
"Siguro madala-dala siya, kasi kung mapatunayang siya nga iyun, gusto ko talaga siyang makulong. Hindi ako padadaan sa sorry," mariing pahayag ni Katrina.
 
 
"Gusto ko siya matuto, kasi kung tatanggapin ko ang sorry niya, mangyayari sa ibang tao, e di sabihin nila 'Sige mang-gago uli tayo ng ibang tao. Pag mang-gago tayo ng ibang tao, mag-sorry lang naman tayo e, okay na.'
 
 
"Huwag naman," himutok ni Katrina.
 
 
"Siguro konting ingat lang sa mga salita, kasi siyempre minsan nakakasakit din di ba?
 
 
"Hindi ka puwedeng magsabi ng kung anu-ano, na minsan magti-threat ka pa. Huwag ka namang magsalita ng ganun, kasi baka balikan ka.
 
 
"Lahat naman na ginagawa ng tao, binabalikan ka," ang gusto nitong iparating sa basher niya.
 
 
HEALTHY AND PREGNANT. Malaki na ang tiyan ni Katrina, pero mag-a-anim na buwan pa lamang ito.
 
 
Maayos  naman daw ang kalagayan niya ngayon.
 
 
Hindi na raw niya itutuloy ang pagbakasyon sa Palawan pagkatapos ng taping nito sa My Beloved dahil hindi na raw siya puwedeng magbiyahe.
 
 
"Sabi kasi nila, mga third week of June hindi na raw ako puwedeng bumiyahe, kaya dito na lang ako sa Manila," aniya.
 
 
Natutuwa si Katrina na ibinahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainmenmt Portal) na nagpa-4D ultrasound daw siya para makita nito ang mukha ng baby.
 
 
"Nakita ko na ang face. Parehas ng tenga ko, ng lips ko, ng chin at shape ng mukha.
 
 
"Pero hindi ko pa masyado makita ang iba e," excited na kuwento nito na ibig sabihin mas kamukha nito ang baby nila ni Kris Lawrence.
 
 
Pinag-iisipan pa raw nila kung Kristina o Katrence, bilang kumbinasyon ng pangalan nilang dalawa.
 
 
Napagkasunduan na rin daw nila ni Kris na pagkatapos daw niyang manganak ay magpapayat lang daw siya at babalik daw agad ito sa trabaho.
 
 

Wala pa raw sa plano nila ang magpakasal dahil gusto nilang mag-focus muna sa kanilang career.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

67 Comments

  • 67  ogagikaw

    05/26/2012 | 03:07 PM
    for kh ,sya ang gumawa ng sarili nyang multo..i felt sorry for her baby dahil she is innocent of what her mother's done in the past..how can she erase the video that still posted other indecent site.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 66  kalurkey

    05/23/2012 | 10:34 AM
    it is katrinas right to defend her unborn child and it is her right to ask help if she feels that shes in danger ang mga fanatic na tao ay nakakatakot u dont know them and u dont know what they can do to you so bago ka pa maghintay na may masamang mangyari sayo might as well let the authorities know for marian i dont think may nag threat sa kanya na papatayin sya or ang baby nya baket may baby ba sya but katrina is right below the belt na masyado ang tira sa kanya and that is to hurt her baby for sure kung di yan buntis at hinamun yan ng suntukan o sambunutan di yan papansin ni katrina
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 65  jakar

    05/22/2012 | 06:47 PM
    64...and it appliesalso to her!!!p real pearl...korek ka dyan.pam balanse nga naman ng buhay ni MR ang mga bitterherbs na pangs ng abaiscbn na yan...kaya mga naggagalaiti kay MR kc no pansin sila dito....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 64  spicy_tuyo

    05/22/2012 | 11:36 AM
    Its not okay to bash. But since they are celebrities - it seems okay. But, threats on twitter should not be taken lightly... korean celebrities even kill themselves because of cyberbullying. Teach these trolls, Katrina. They should feel that they are responsible for their tweets as well.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 63  pearl102

    05/22/2012 | 04:25 AM
    Pagtuusan mo ng lang ng husto iyang baby mo...you need more rest kaysa magbabad sa twitter. Huwag kang tumulad kay ruffling na hindi na yata natutulog sa katu twit.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 62  pearl102

    05/22/2012 | 04:21 AM
    Kung si Marian nga na walang twitter or FB kung salaulain ng mga haters na mga BALAHURA sagad sa buto pero hindi nya ito pinapansin..yung ilang tabloid reporters na mga halang ang kaluluwa kung magsulat itong mga ito ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya sa kanilang column inam katulad ni Carrasco at ni Peter Ledesma pero may ginawa ba si Marian sa kanila? Pero itong kay Katrina, pag iisipan nyo na mga fans niya or inutos nya? Mahiya naman kayo sa sarili nyo...matagal ng maraming nambabalasubas kay Marian pero bukod tanging si Katrina lang ang bubuweltahn ng fans? Sino naman siya sa akala nya? Delusional!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 61  kapalmilyaks

    05/22/2012 | 02:03 AM
    iba talaga si marian sikat ka talaga marian , kahit itong skandalosa pa epik pa , hoy girl laos kana , lipat kana sa tv5
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 60  kapalmilyaks

    05/22/2012 | 01:54 AM
    avidreader53 , halatang ingit ka kay marian iha, mag alam ko isa kang kapalmilyaks, mag sama kayo ni angel na walang pakpak na laos, isa pa itong scandalosa nag buntis
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 59  avidreader53

    05/22/2012 | 01:37 AM
    Dapat talaga idemanda ang taong yan Katrina. lalabas na kung sino ang nagutos diyan, or baka mga kamaganak o kaibigan ng palengkerang inggit sa iyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 58  cinelamour

    05/21/2012 | 11:00 PM
    kaya pala nagdemanda e. may threat tweets e. dapat talaga idemanda ang mga yan!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 57  pearl102

    05/21/2012 | 10:09 PM
    Alam naman ng mga celebrities na iyan na maraming HALANG ang utak sa internet, hiding behind their monitors katulad ni IAMBRAINFUL na maraming UN na pati UN ko ginagawan ng parody kaya yung mga artista be aware din sa pagtu twitt...at may blocking feature ang mga social networking sites...they have to practice using it.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 56  angel25

    05/21/2012 | 08:19 PM
    some pinoys are some of the most rude, low class cyber users in the world, go to twitter, facebook, youtube.....ang mga comment ng ibang pinoy, walang ka breeding breeding......shows what kind of environment those people grew up in....nahuli, dapat nga turuan ng leksyon ang mga yan....walang sinuman ang may karapatan humamak sa pagkatao mo.....kaya dapat lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 55  lotuss

    05/21/2012 | 07:49 PM
    Hindi niya napakulong si Hayden kaya .. yung basher niya ang pagdidikistahan niya.. AT DOON NAMAN SA MGA ANTI MARIAN.. Wala namang sinabi na fan siya ni Marian .. nam bintang na kayo.. Yung mga ANTI ANGEL naman .. hayaan na ninyo di kayo kasali.. MAG PRO BELAT na lang kayo ! !ha ha ha LOL !!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 54  nettyboo

    05/21/2012 | 05:19 PM
    Mabuti nga to kasing mga fans ni Marian masyado salbahe eh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 53  catinthehat

    05/21/2012 | 03:06 PM
    Katrina bakit ka pa ba papatol sa ganyan dedmahin mo nalang. Marian herself ay marami ding bashers, nagpasalamat pa nga sya kasi naging balance ang buhay Nya. Hayaan mo sila and enjoy your life.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 52  amronayab_57

    05/21/2012 | 02:12 PM
    eto talagang mg fans ni marian, true naman talagang nanunugod pag nagseselos siya sa mga partner ni dingdong, pa baitbait epec lang, kaya tignan ninyo, ang baba ng rating ng may beloved, kasi nga nakakrma na kayo, kaya kayong mga fans niya basagulera din.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 51  pilyangmaganda

    05/21/2012 | 01:10 PM
    Tumigil na sana ang babaeng toh juice me asikasuhin mo ang baby mo...as if naman bongang bonga ang career ni madam!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 50  malimali

    05/21/2012 | 11:54 AM
    gaya s ginawa mo kay vicky ganun......wag muna patulan kasi ang bata sa tiyan mo kawawa naman..kasi gaganyan ganyan ka eh hindi pa nakakalimutan mga tao ang nangyari sa iyo tatawanan ka lang iha...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 49  gala

    05/21/2012 | 11:29 AM
    you reap what you sow. that's all there is to it. or perhaps karma is a major "beach".
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 48  paket

    05/21/2012 | 10:46 AM
    i enjoy mo pagbubuntis mo wag kang paapekto sa mga ganyan..kc bk ang baby mo ang maging kawwa in the end..god bless u..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About