Judy Ann Santos wants to have it all: A successful TV soap, a blockbuster movie, an indie film, and be home early enough to tuck the kids into bed.

Photo: Noel Orsal

Noong May 11 ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Judy Ann Santos. Ayon sa aktres, nasa Singapore daw silang magpamilya.

“Nag-Singapore kami ni Ryan [Agoncillo]. With the two kids, parents ni Ryan, at kasama rin namin si Mommy [Carol Santos]."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa "Build a 100% Panatag World" campaign ng Lactum, na ini-endorse ng aktres, kahapon, May 19, sa Atrium ng SM Megamall.

Kaugnay nito, mag-iikot si Judy Ann Santos sa iba’t ibang malls sa bansa, partikular na sa ilang groceries kunsaan makikita ang ine-endorso niyang gatas.

Kuwento niya, "Ito pong linggong ito, magpupunta po kami sa Bataan. Para sa outreach program, para sa mga taong inaalagaan ko na mga Aetas. For the renovation of the school grounds, doon po ako naka-focus sa kanila.”

RYAN'S GIFT. Sabay na pinagdiwang ang kaarawan ni Juday at Mother’s Day sa naging Singapore trip nila.

Regalo raw lahat yun ng kanyang mister, kasama na ang isang pares ng magandang sapatos. Pero ayaw na nitong sabihin kung anong klaseng sapatos ang iniregalo sa kanya ni Ryan.

Ang ina ni Juday ay si Mommy Carol at ang mga magulang ni Ryan ay sina Mommy Rowena at Daddy Chito Agoncillo.

Malaking bagay din na kasama nila ang mga anak nila na sina Yohan at Lucho, kaya’t Singapore ang pinili nilang puntahan.  Si Yohan daw ay nakaka-appreciate na ngayon ng mga theme parks.

“Palagi ko kasi siyang [Ryan] niyayayang pumunta ng Singapore. Kasi, si Yohan, gustong mag-Universal [Studios] at saka yung Sounds of the Sea.

"Bata pa lang si Yohan, memorize na niya yun and ngayon kasi, nakaka-appreciate na siya ng theme park. Tapos, malapit lang naman.

“Yun ang ni-request ko sa kanyang trip namin.  At saka, ang sarap kasing kumain sa Singapore. Kaya kumain ako nang kumain.”

Dugtong pa ni Juday, “Alam kasi ni Ryan na kapag out-of-the country, masarap din  na kasama mo ang mga magulang mo, di ba?

"At tamang-tama rin, Mother’s Day, magandang kasa-kasama namin ang mga mommies namin at that time.”

Six days and five nights daw sila sa Singapore.


BACK TO SOAP WORLD. Balita naman na magsisimula na siyang muli na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN.  Mabuti at napapayag na siyang mag-soap ulit.