Heart Evangelista on reason of her breakup with Daniel Matsunaga: “You know, we’re very different and someone once told me, in the olden times daw, 'pag pini-pair up ang dalawang tao, tinitingnan nila yung compatibility—meaning upbringing, culture... And I think it’s true. At the end of the day, it’s still different when you both come from different worlds and the cultural differences come in and you fight about little things and it’s just accumulation of little things and we’re different. But it doesn’t mean that the other was horrible or masama ang ugali, no nothing like that."

Photo: Melo Balingit

Live na nag guest si Heart Evangelista sa Startalk TX noong Sabado, May 20.

Una muna ay ang tungkol sa career ang pinag-usapan nina Heart at ng host na si Butch Francsico, ‘tulad ng primetime series niya sa GMA-7 ngayon na Legacy at ang upcoming na Luna Blanca.

Naging lifetime friends na raw ni Heart at naging parang mga kapatid na ang Legacy co-stars niyang sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.

Last taping day nila for Legacy noong Biyernes, May 18, at pinilit daw nilang huwag umiyak.

SID LUCERO. Pagkatapos pag-usapan ang women of Legacy, tinanong naman si Heart kung kumusta ang men of Legacy na sina Gabby Eigenmann at Sid Lucero.

“We’re all very close. Actually the whole set, lahat kami close kami.

“This is the first show na naging kaibigan talaga namin ang lahat.

“Walang negative, we all hang out, ‘pag walang trabaho magkakasama din kami," sabi niya.

Kaya ba sila nali-link ni Sid ay dahil very close sila?

“That is true,” sagot ni Heart.

Ano ang real score sa kanila ni Sid?

“It’s funny kasi… nakakatuwa. Madaming mga fans yung Iñigo [Sid’s character] at Diana [Heart].

“At least we know we’re doing a good job at napu-portray namin nang maigi kasi kinikilig talaga sila na in real life, feeling nila na kami na, in short.

“But no, we’re really, really good friends.

“We’re very, very close, we also go out—all of us.