[x]

"I will stand with what I believe. And I will not retract my statement because it is the truth that comes from God,” says Miriam Quiambao when asked about her previous statements rejecting relationships beyond the norm of a man and woman.

Si Miriam Quiambo ang unang nalagay sa hot seat dahil sa mga binitawan niyang komento tungkol sa Lesbian Gay Bisexual Transexual (LGBT) community.

Una sa naging guest appearance niya sa Bandila noong April 28 at sa kanyang personal Twitter account. 

(CLICK HERE to read related story.)

Kung titingnan ang timeline ng kanyang Twitter account, napakarami talagang LGBT members ang talagang nagalit kay Miriam.

               

Sumunod kay Miriam ay si Manny Pacquiao. Kaugnay ito sa pagsang-ayon ni U.S. President Barrack Obama sa same-sex marriage na hindi naman pinaboran ni Manny at nag-quote pa diumano ng passage sa Bibliya ang boksingero.

               

Marami rin agad ang tumuligsa kay Manny.

               

Pero nang lumabas na ang hates messages at campaigns kay Manny, mabilis siyang nagpa-interview para bigyang-linaw na siya ay misquoted.

Itinanggi rin ng boksingero na umano ay binaggit niya ang Leviticus 20:13 na “If a man lies with a man as one lies with a woman, both of them have done what is detestable. They must be put to death; their blood will be on their own heads.”

(CLICK HERE to read related story.)

HER GOD! Sa unang pagkakataon nagpaunlak ng panayam si Miriam sa The Buzz nang makita ang former beauty queen sa isang event.

Ipinalabas ang kanyang interview sa episode ng showbiz talk show ng ABS-CBN kahapon, May 20.

               

Unang tinanong si Mirian tungkol sa pagtuligsa ngayon ng ilan sa Pambansang Kamao o kay Manny dahil sa kanyang pahayag tungkol sa same-sex marriage..

Sagot ng dating Miss Universe 1st runner-up, “Pareho kami ng Diyos na pinaniniwalaan ni Manny. 

“So, para sa kanya, focus on Jesus lang and huwag niya munang masyadong indahin yung mga negativity around him.”

               

GAY FRIENDS? Kumusta yung mga gay friends niya gayong very open siya sa kanyang paniniwala tungkol sa same-sex marriage?

               

Aniya, “Mahal ko pa rin sila. Mga kaibigan ko pa rin sila.

"In fact, mas marami pa akong nagiging ka-close ngayon.

           

“In fact, ako ay nag-e-express lang ng aking opinyon na pinaniniwalaan ko na galing nga sa Bibliia. 

“Pero hindi talaga ko galit sa mga bakla. Hindi ako galit sa mga LGBT, mahal ko sila—gaya ng naramdaman kong pagmamahal ng Diyos sa akin.

"Well, if there’s anybody that felt offended, I’m sorry that you felt offended. 

“Pero I will stand with what I believe. And I will not retract my statement because it is the truth that comes from God.”