news

Ai-Ai de las Alas on possible movie with Vice Ganda: "Siguro next year.”

by Rose Garcia posted on May 21, 2012  STATS: 7618 Views | 7 Comments

“Siyempre, comedy icon. Kung isa kang baguhan, siyempre isang malaking pangyayari sa buhay mo yun na makasama mo ang mga comedy icon. Yung tinitingala talaga. Kaya una kong nabanggit, ‘Si Ms. AiAi  po,’” says Vice Ganda when asked who among the stars he'd like to do a movie with and why.

Naging balita ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda noong nakaraang taon. 

Sa katunayan inamin ito ni Vice Ganda sa naging panayam sa kanya ng The Buzz na may insidente ngang nagkita sila ni Ai-Ai sa isang hotel nang hindi sinasadya, pero hindi raw talaga sila nagpansinan.

(CLICK HERE to read related story.)

               

Sa birthday party ng ABS-CBN Channel Head na si Cory Vidanes noong isang linggo naganap ang pagbabati at pag-uusap nina Vice at Ai-Ai.

(CLICK HERE to read related story.)

               

Sa taped interview ng The Buzz kina Vice at Ai-Ai ay ikinuwento nila ang nangyaring pagbabati nila.

               

Ayon sa kuwento ni Vice, “Birthday yun ni Tita Cory Vidanes. Nandoon ako at nandoon din si Ms. Ai-Ai. 

“'Tapos tinawag ako ni Tita Cory. Noong tinawag niya ako, hawak-hawak niya ang kamay ko, nandoon na pala si Ms. Ai-Ai sa tabi niya.

               

“'Tapos sabi, ‘Si Ai-Ai, nandirito.’ Sagot ni Vice, “’Ay, good evening po.’

“Instant… noong nagkatinginan kami ni Ms. Ai-Ai, nagkayakapan na kami.

"Noong nagyakapan na kami, ‘I love you.’ ‘Tapos noong nag-'I love you siya' sa akin.

"Sabi ko, ‘Sorry po. Kung anuman yun, I love you rin po, sincerely. I love you. Not only because it’s Tita Cory’s birthday,  pero sincerely,’ sabi kong ganoon. 

“'Tapos sabi niya, ‘Naku, dedma na yun. Basta love kita. Walang camera ‘to, walang camera.’

               

“'Tapos sabi ni Tita Cory, ‘Naku, wala. Walang camera ‘yan, para sa akin lang ‘yan.'”

               

Para kay Vice, nararamdaman naman daw niya na magkakaayos din sila ni Ai-Ai dahil wala naman daw silang seryosong pinag-awayan talaga.

              

Aniya, “Away? Ni hindi nga kami nagkatagpo na may commotion. Walang ganoon, e.

“Basta na lang lumaki rin, kasi nga, kung kani-kaninong bibig na lang din nanggaling yung istorya.”

               

MOVIE TOGETHER? Sabi rin ni Vice, mas magaan at mas maluwag raw ngayon na maayos na sila ni Ai-Ai.

               

“Palagi kong sinasabi yun, mas masarap na marami kang kaibigan kesa sa kaaway.  

“Kung magkasalubong kami sa ABS, mas maluwag, di ba? ‘Ms AiAi!’ Puwede akong sumigaw nang ganoon.

“Ganoon naman kami dati. Marami kaming common friends.”

               

Ngayong okay na sila ni Ai-Ai, posible na kayang magkasama sila sa pelikula?

               

Sagot ni Vice, “Ako naman, noong tinanong ako ng Star Cinema… noong gagawa ako ng pelikula sa Star Cinema, tinanong ako nila Tita Malou [Santos], ‘Kung meron ka bang request, sino ba ang gusto mong makasama?’

"Siya [Ai-Ai] ang una kong sinabi. Siyempre, comedy icon.

"Kung isa kang baguhan, siyempre isang malaking pangyayari sa buhay mo yun na makasama mo ang mga comedy icon. Yung tinitingala talaga.

"Kaya una kong nabanggit, ‘Si Ms. Ai-Ai  po.’”

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • cinelamour

    05/22/2012 | 03:52 PM
    totoo yan. hindi na boses ni aiai yung diosa marishka. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cinelamour

    05/22/2012 | 03:50 PM
    aiai - comedy icon - oxymoron! bolero ka talaga vice. mas nakakatawa ka pa nga kumpara kay aiai, no!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    05/22/2012 | 09:28 AM
    PASAWAY. On the so called Ai Ai and Vice team up in the movie, Ai ai is still NOT sure. Kahit nga dun sa TV PROGRAM niyang Wako WAKO, HINDI na nga SINISIPOT ni Ai Ai yung dubbing eh, IBANG BOSES na ang ginamit ng ABS CBN!!!! Talagang sa panloLOKO, numero UNO ang ABS CBN, imagine, ginawang bato si Ai Ai sa Wako Wako at yung boses niya, sa IBA na ipina dubbed! Shame shame shame on you ABS CBN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    05/21/2012 | 11:30 PM
    Kailangang batiin ni Aiai ang new peborit ng DOS kung hindi sa freezer ang bagsak niya. Inilagay na nga lang ang show niya sa panghapon eh...at saka ang magkakalahi hindi dapat nag aaway hihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • KDL

    05/21/2012 | 07:42 PM
    maganda yan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/21/2012 | 05:36 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • prettyme4sure

    05/21/2012 | 04:08 PM
    good to hear.. stay positive, kapamilya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About