“Siyempre, comedy icon. Kung isa kang baguhan, siyempre isang malaking pangyayari sa buhay mo yun na makasama mo ang mga comedy icon. Yung tinitingala talaga. Kaya una kong nabanggit, ‘Si Ms. AiAi  po,’” says Vice Ganda when asked who among the stars he'd like to do a movie with and why.

A GIFT. Katulad ni Vice, pareho lang din daw ng saloobin si Ai-Ai.

               

Nang makausap ng The Buzz ang comedienne, sinabi nito na: “Yun ang isang gift ko kay Tita Cory. Kasi yun ang hiniling niya sa akin. 

"Actually, wala naman kaming yung hidwaan na talagang malaki. 

“Siguro nagkataon lang na, alam mo na, kapag show business, di ba, hindi mo alam, may mga nasasabi minsan na hindi mo gusto. 

"May nasasabi rin ako na baka nakakarating sa kanya na hindi niya nagugustuhan. 

“So, nag-sorry siya, nag-sorry rin ako kung ano yung ano para okay na.”

               

‘Tulad ni Vice, sinabi rin ni Ai-Ai na mas magaan raw na nagkaayos na sila.

               

“Siyempre masarap yung wala kang kasamaan ng loob. Masarap yung lahat kayo happy.

“Kasi, maliit lang ang show business. Maliit lang ang mundo.

"So, lahat tayo magmahalan na lang.”

               

Pagdating sa pagsasama nila ngayon sa pelikula, ang tanging naisagot naman ni Ai-Ai: “Why not? Oo. Siguro next year.”