news

Rochelle Pangilinan says no grand wedding plans yet with boyfriend Arthur Solinap

by Ruben Marasigan posted on May 21, 2012  STATS: 15190 Views | 7 Comments

Rochelle Pangilinan has asked her boyfriend Arthur Solinap for two more years before they settle down. It has been a year ago so they have one more year to prepare. “Hindi ako pabor sa magara o mabongga na wedding. So, mas ako do’n sa future kasi, e," says Rochelle.

Photo By: Erwin Santiago

Sa Miyerkules, May 23, ang 30th birthday ni Rochelle Pangilinan. Pero wala raw siyang malaking selebrasyon.

Kahit gustuhin ni Rochelle, hindi rin puwedeng maiwan ang kanyang commitments.

“May 22 hanggang 24 may taping ang Broken Vow. So trabaho pa rin,” paliwanag niya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, May 20.

Ano ang kanyang birthday wish?

“Birthday wish? Siyempre yung family ko, ako, lahat ng mahal ko sa buhay, sana huwag magkasakit.

"At siyempre sa career, more trabaho to come," sagot ng dating Sex Bomb girl.

       

Ano ang birthday gift niya sa kanyang sarili this time?

       

“Wala, e... sa totoo lang, ngayon lang ako nawalan ng gift sa sarili ko. 

"Sobrang dire-diretso ang trabaho, hindi ko na naisip," sabi niya.

       

Ang boyfriend niyang si Arthur Solinap, for sure, merong gift sa kanya.

       

“Sabi niya meron daw siyang surprise. E, surprise nga kaya hindi ko pa alam kung ano,” nangiti si Rochelle.

       

“Actually, no’ng isang araw, pinapili niya ako. Tinanong niya kung ano ang gusto kong gift.

"Sabi ko, ‘Bakasyon, kahit three days lang.’

       

“Ano ang pinili ko? Ay, secret! Ha-ha-ha!”

       

Out of the country?

“It’s more fun in the Philippines. Ha-ha-ha! So… dito lang.

      

“Iba kasi yung bakasyon. Kinikilig ako! Ha-ha-ha!

"Secret na lang kung saan.”

      

MARRIAGE PROPOSAL. Hindi kaya sa bakasyon nilang iyon, may proposal na rin from Arthur?

      

“Huwag ka nga!” lalong kinilig si Rochelle.

“Hindi ko nga iyon iniisip, e! Ha-ha-ha!”

      

Ready na siya sakaling mag-propose na ng kasal si Arthur? Meron na rin bang naiipon?

      

“Alam niya ‘yan. Lagi akong ready.

      

“Actually, hindi pinag-iipunan. Hindi kasi ako pabor na gastusan nang husto kung may wedding nga.

       

“Hindi ako pabor sa magara o mabongga na wedding. So, mas ako do’n sa future kasi, e.

       

“Mas gusto kong gastusan yung sa panganganak ko. 'Yong mga gano’n.

       

“Pagdating sa wedding, mas gusto ko talaga yung simple lang. At kahit saang venue, okey lang sa akin.  

“Kung anuman yung ibibigay niya sa akin.

       

“Basta ang importantre, kasal kami sa mata ng Diyos.

"Kahit saan niya ako dalhin... kahit diyan lang sa tabi-tabi.

       

“Kahit pa nga ang reception ay isa isang burger outlet, carry na ako!" tawa niya.

       

“O kaya pag-propose niya, may pari nang bitbit, carry na ako! Di ba? 

"Kahit saan. Kasi mahirap sa panahon ngayon.

       

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Bigyan mo ako ng hanggang after two years.’ So, isang taon na lang.

       

“May mga binabayaran pa kasi ako. Siyempre kailangan ko munang i-settle iyon lahat. Kailangang planado.”

        

PLANNING STAGE. So, talagang pinag-uusapan na nila ang paglagay sa tahimik?

       

“Oo. Kasi mahirap naman kung bibiglain mo ako na… surprise na surprise na aalis lang tayo. Ha-ha-ha! Di ba?

       

“Ibang klaseng ano iyon, e… ibang klaseng hakbang sa buhay. Iba yun.

      

“At saka sinasabi ko naman sa kanya, 'Matatanda na tayo. Hindi na tayo mga bata.'

“Hindi naman siguro kami pagbabawalan ng nanay ko, di ba?

       

“Nasa tamang edad na ako so puwede na!”

       

LAM-ANG. Maganda ang takbo ng career ngayon ni Rochelle. Bukod sa taping ng Broken Vow, tuluy-tuloy rin ang shooting niya para sa Ilocano epic film na Lam-ang kung saan kasama niya si Rocco Nacino.

        

Aniya, “Proud na proud ako sa Lam-ang

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • MissSummer

    05/22/2012 | 04:20 AM
    So practical. Wise with money
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    05/21/2012 | 10:18 PM
    Korek hindi kailangan ng magarbong kasalan kung saan mostly na mga ikinasal ng bongga ay naghihiwalay din...mas maganda yung simple lang pero puno naman ng excitement ang relasyon. Yung mga SWAKLING diyan katulad ni KAEPAL hanggang pangarap ka na lang na ikaw ay makasal!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fatedtoloveyou25

    05/21/2012 | 08:44 PM
    atlist praktikal cya...hnd nman kelangan ng magarbong kasalan ang mahalaga eh maikasal...go go rochelle....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    05/21/2012 | 08:35 PM
    congrats to you rochelle.... you're such a good person that's why blessings are coming your way...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    05/21/2012 | 07:34 PM
    ang swerte talaga ni Rochelle kay Arthur, gwapo, makisig, mukha naman mabait, matipuno.....kakainggit. ang haba ng hair ni Rochelle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/21/2012 | 05:51 PM
    sa panahon nga naman ngayon, mahirap lalo na't di lahat ng artista ay may project. keep up the good work rochelle, swerte ni arthur solinap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/21/2012 | 05:50 PM
    ang galing naman ni rochelle, sana lahat ng babaeng gustong magpakasal ay kagaya mo. future ang iniisip at kasagraduhan ng kasal. wish u more project rochelle, ang galing mo talaga!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About