Iza Calzado, after coping with the death of her father Lito Calzado and breakup with Atticus King, is back on her toes. She reveals she is dating now: "I’m still dating the same guy. Wala pa kasi kayong pinapa-date pa sa akin… yung iba naman, ayaw lumapit."

Photo: Noel Orsal

Matagal-tagal na rin mula nang pumirma ng kontrata si Iza Calzado sa ABS-CBN pagkatapos niyang lumipat mula sa GMA-7.

Bukod sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at sa regular stint niya sa ASAP, hindi pa napapanood ang aktres sa isang regular na teleserye.

Kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga ang naghihintay ng pagbabalik-serye niya.

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entetainment Portal) at Cinema News si Iza sa press launch ng clothing line ng Uniqlo sa Manila Intercontinental Hotel last May 16.

Dito ay nilinaw ni Iza kung bakit medyo nawala siya sa sirkulasyon.

Aniya, “I mean, there was just a lot of time for few months that I wasn’t really doing a lot of things, but honestly masaya ako dun.

“I was really grateful because prior to that, I can’t take vacation ‘coz my father [the late Lito Calzado] was sick. 

"Actually, I really think everything that happened is just a gift.

“Feeling ko, He gave me, ‘Anak, magbakasyon ka. Okay anak, wala pa. Sige, mag-relax...'

"Pero ngayon, 'Okay anak, oras na para magtrabaho, tigilan mo na ‘yan, back to work na.’”

NEW TELESERYE. Itinuloy ni Iza ang kuwento na nagsisimula na sila ng kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Kahit Puso’y Masugatan.


Kasama niya rito sina Gabby Concepcion, Andi Eigenman, at Jake Cuenca; mula sa direksiyon ni Wenn Deramas.

   

“Bukas, mayroon na kaming photo shoot, storycon... mag-i-start na ang lahat. 

“Kumbaga, the wheel will start its turn, the ball is rolling, so malapit na malapit na ang Kahit Puso’y Masugatan.

“Hindi pa kami nagwo-work, nag-workshop pa lang kami.

"Okay naman, masaya... marami akong natutunan sa proseso. 

“Si Tito Pen [Medina] ang nag-conduct ng workshop, maraming naidulot na maganda.