Megan Young thinks she’s repeatedly linked to Mikael Daez because “we’re on the same barkada, and that’s why we’re seen together because we go out with our friends, we have dinner with our friends, and we’re both in showbiz.”

Photo: Noel Orsal

Binigyang-diin ni Megan Young na magkaibigan lamang sila ni Mikael Daez.

Ilang beses na kasing nali-link ang pangalan ng Kapamilya actress sa Kapuso actor.

“Hindi kasi, friend ko lang talaga ‘yon!” bulalas ni Megan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng Hiyas.

Ginanap ang presscon kaninang tanghali, May 22, sa 9501 restaurant ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.

Paliwanag pa ni Megan, bagamat madalas silang makita ng marami na magkasama, hindi sila lumalabas nag sila lang.

Nasa iisang barkada daw kasi sila, at maaaring iyon daw ang dahilan kung bakit sila laging nali-link ni Mikael

“Well, tingin ko lang kasi, we’re on the same barkada, and that’s why we’re seen together because we go out with our friends, we have dinner with our friends, and we’re both in showbiz.

“So, that’s probably the reason why people think like that. But there are other people in our group, other girls in our group.

“So, the only reason why I think nagpo-focus do’n is because pareho kaming nasa show business, ‘yon lang naman ‘yon, e.”

Hindi naman daw sa ayaw munang pumasok ni Megan muli sa isang relasyon, wala pa lang daw talagang dumadating na Mr. Right sa kanyang buhay.

“A, it hasn’t happened!” natatawang sagot ng Kapamilya actress nang tanungin kung personal choice niya bang maging single muna.

“So, you know, and if that doesn’t happen, okay lang.

“I really don’t want to rush anything, why would I rush?

“Bakit ko ipipilit ang sarili ko sa isang relationship?

“If ipipilit ko, what’s the sense na nag-relationship ka pa, parang trophy lang naman ‘yong naging dating, di ba?