news

Jessica Sanchez and Phillip Phillips face off on American Idol finale

by Erwin Santiago posted on May 23, 2012  STATS: 41573 Views | 66 Comments

Phillip Phillips and Jessica Sanchez faced off during the finale of American Idol Season 11 held earlier today, May 23, at the Nokia Theatre in Los Angeles, California.

Photo By: File photo

Isang standing ovation naman ang iginawad ng tatlong judges kay Phillip pagkatapos ng kanyang huling performance.

Bagamat nagbigay ng kanilang mga komento ang judges tungkol sa performances nina Jessica at Phillip, ang desisyon kung sino ang mananalo sa kanila ay nakasalalay pa rin sa viewers.

Ang boto mula sa publiko ang magdedetermina kung sino kina Jessica at Phillip ang tatanghaling American Idol.

Kung purong boses ang pag-uusapan, walang duda na nakalalamang sa departamentong ito si Jessica.

Pero base sa obserbasyon ng experts, tila nasa pabor ni Phillip ang odds at ang kanyang pagiging WGWG—white guy with guitar.

Sa huling apat na seasons ng American Idol ay puro white guy na marunong maggitara ang nanalo—David Cook (Season 7), Kris Allen (Season 8), Lee DeWyze (Season 9), at Scotty McCreery (Season 10).

Bukod dito, ayon sa demographics, malakas ang hatak ni Phillip sa mga teenagers at kababaihan na malaking bulto ng American Idol viewers.

Kung magpapatuloy ang ganitong trend, si Phillip ang magiging ika-limang WGWG na mananalo ng American Idol.

Ang huling babaeng contestant na nanalo sa American Idol ay si Jordin Sparks noong Season 6.

Kung may isa namang kalamangan si Jessica kay Phillip, bukod sa boses, ay ang suportang nakukuha niya mula sa mga kapwa niya Pinoy—hindi lamang sa Amerika kundi maging dito sa Pilipinas.

Tiyak na magiging malaking tulong ang mga botong magmumula sa Pilipinas, lalo na’t marami ang nangangampanya upang tanghalin si Jessica bilang kauna-unahang half-Pinay na American Idol.

« Prev  1  2  

more on this story

Show/Hide Comments

66 Comments

  • MissHugoBacungan

    05/23/2012 | 09:59 AM
    CONGRATS TO PHILLIP PHILLIPS AS THE NEWLY CROWNED AMERICAL IDOL! Well done Jessica, you did a good fight.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • JokoNazMan

    05/23/2012 | 09:51 AM
    MissHugoBacungan-gawin mo yang sinasabi mo at wag puro dakdak ka jan. Wala ka namang naitutulong sa charitable institutions e. Dahil gaya namin na tumutulong sa NGO, tahimik lang kami at di pinagyayabang. May time at oras din kami para maging proud ang Pinoy. Ang mayabang na tulad mo ay tyak wala namang naitutulong... Dun ka sa Afganistan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bryzanX

    05/23/2012 | 09:32 AM
    hinihintay ko to sa star world. tas lagi kong nakikita commercial ng encantadia. wow nakakamiss.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bagtit12

    05/23/2012 | 09:31 AM
    Hahaha kakatuwa si bakukang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    05/23/2012 | 09:27 AM
    Please ABS-CBN ibalik ang CHAMPIONS sa ASAP!!!!!! Yeng, Angeline, and Jessica.. Sayang wala na si Sarah sa ASAP. At so Rachelle naman, nagpakalaos na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    05/23/2012 | 09:26 AM
    SPEND WISELY. Kung ang mga Pinoy ay nag iisip kung magbo vote kay Jessica para sa kapakanan ng Pinoy, THINK AGAIN. Mas makakatulong ang perang gagastusin sa pagboto kung ibibigay na DONATION sa mga charity organizations sa Pinas para makatulong sa MAS naghihirap nating mga kababayang Pinoy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About