All-boy group Down To Mars said they were contacted by the Department of Tourism to go to South Korea to perform on its National Day on July.

Photo: Down To Mars Facebook page

Masayang-masaya ang grupong Down To Mars kahapon, May 22, dahil natupad na ang kanilang pangarap—ang magkaroon ng album.

Kahapon nga ay pormal na ini-launch ang kanilang kauna-unahang album sa Dolce Bar, Quezon City na dinaluhan kanilang mga tagasuporta, fans at mga miyembro ng media.

Self-titled at naglalaman ng anim na kantang pawang orihinal ang album na ini-record ng tinaguriang “Interpop Group” sa PolyEast Records.  

 “My Everything,” “O, Oh Here We Are,” “Fly,” “ Fool’s Paradise,” “Nandito Lang Ako,” at “My Everything (Remix)” ang bumubuo sa songlist ng album.

Puro mga half-Pinoy at may lahing Korean, Chinese, at Japanese ang pitong miyembro ng Down To Mars na sina Kenji Chua, Jang Seung Ri, Jeongwon Song, Sky Young, Daisuke Hagihara, Yheen Valero, at Kiro Rivera.  

Pero lahat sila, sa Pilipinas halos ipinanganak at lumaki, kaya sa puso at pagkatao nila, masasabing mga Pinoy raw sila.

HOW THEY STARTED. Paano nga ba nabuo ang Down To Mars at paano nila naisip ang pangalan ng grupo nila?

“Yung Down To Mars, kinuha po namin sa ‘down-to-Earth.’  Kasi, naniniwala po kami na yung success, humility rin po,” paliwanag ni Jeongwon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na naroon.

“Tinapatan yung word na ‘Earth’ sa Mars. Kasi po, ‘Men came from Mars and Women came from Venus.’ Kaya naman po yun ang naisip naming,” dugtong naman ni Jang na may reference pa sa 1992 American best-selling book on relationships na Men Are From Mars, Women Are From Venus na isinulat ng American author na si John Gray.

Mismong ang veteran dance choreographer at talent manager na si Geleen Eugenio ang unang naka-diskubre sa grupo nang makita niya ang ilan sa mga ito sa Party Pilipinas.

Matagal na raw silang magkakasama, at sa kanilang grupo at music lang daw sila naka-focus.

Sabi nga ni Daisuke, “Wala pa po kami sa showbiz, magkakaibigan na po kami.

“Nakatira po kami sa isang bahay. Wala po sa isip namin ang hiwa-hiwalay kasi, ngayon pa lang po, ito na ang na-achieve ng aming grupo.

“Solid po kami.  So, bakit po namin iisiping maghihiwa-hiwalay agad?

“Marami pa po kaming gustong ma-achieve.”

               

WORKING WITH MARIAN. Marami naman ang naiintriga kung paano raw napapayag ng DTM (initials ng Down To Mars) ang Primetime Queen ng Kapuso network na si Marian Rivera na maging bahagi ng kanilang unang MTV para sa kanilang carrier single na “My Everything.”