Eksaktong alas-sais kagabi, May 23, nang itigil ang programa tampok ang mga Kapatid star dito sa covered court ng Samal, Bataan para bigyang-daan ang public viewing ng American Idol Season 11 finale kung saan kasali ang Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez. Ang kanyang ina na si Editha Sanchez ay nagmula sa bayang nabanggit.

 

Mula pa kaninang hapon kung saan inumpisahan ng isang programa ay parami nang parami ang mga taong dumalo para tunghayan nang sabay-sabay ang performance ni Jessica.

 

Nanguna ang kanilang mayor na si Generosa “Gene” M. dela Fuentes sa mga nanood at nagbunyi para sa pambato ng Pilipinas laban kay Philip Philips.

 

Ayon sa mayora, “I am certain na sa galing ni Jessica she will be on top. Win or lose she’s still a winner kasi napakalaki ang nagawa niya para sa ating mga Filipino.”

 

 

Pahayag naman ng Bataan Provincial Board Member na si Dexter Domiguez na mas kilala sa pangalang Teri Onor sa showbiz, “Para sa amin dito sa Bataan, napakalaking kaligayahan ang nakamit ni Jessica Sanchez.

 

"Right from the very start… napanood ko kasi yung audition, lahat. Grabe, grabe si Jessica Sanchez. Grabe yung talent niya.”

 

Pahayag naman ni Arnel Ignacio na isa sa mga Kapatid stars na nagtanghal, “Siya na yun!” patungkol niya na si Jessica ang mananalo bukas.

 

Patuloy ni Arnel, “Parang wala namang kakuwenta-kuwenta kung hindi si Jessica Sanchez ang mananalo.”

 

Sa tanong namin kay Arnel kung handa ba ang America na ang tanghaling Idol winner ay hindi Amerikano…

 

“Not only America, the world is ready for Jessica Sanchez,” bulalas ng singer-comedian.

 

Nakapanayam din ng PEP ang isang kaanak ng 16-year-old singer na si Armida Bugay Demetion na first cousin ng lolo ni Jessica na si Eddie Bugay at aniya, “Very sweet siyang kumanta ‘pag love song, feel na feel niya. Proud na proud kami sa kanya. Kadugo namin yun, e."

 

Sa kabuuan ay umapaw ang suporta ng mga taga-Samal Bataan kanina at bukas ay inaasahang mas lalo pang marami ang darating sa parehong lugar para naman sabay-sabay na tunghayan ang proklamasyon ng mananalo.

 

Dasal at hangad ng mga ng mga kababayan  ni Jessica ang taghumpay ng kanil;ang pambato.

Photo: Internet / Monching Jaramillo (inset)

Eksaktong alas-sais kagabi, May 23, nang itigil ang programa tampok ang mga Kapatid stars sa covered court ng Samal, Bataan.

Binigyang-daan kasi ang public viewing ng American Idol Season 11 finale, kung saan kasali ang Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez.

Ang ina ni Jessica na si Editha Bugay Sanchez ay mula sa bayan ng Samal.

Mula pa kaninang hapon ay inumpisahan na ang isang programa na dinaluhan ng mga taga-Samal at karatig-bayan.

Dito nagtipun-tipon ang mga taga-Bataan para tunghayan nang sabay-sabay ang performance ni Jessica at ng katunggali niya sa finale na si Phillip Phillips.

Nanguna sa mga nagpugay at nanood kay Jessica ay ang mayor ng Samal na si Generosa “Gene” M. dela Fuentes.

Sa pahayag ng mayora sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naniniwala siyang malulusutan ni Jessica ang American Idol.

Sabi niya, “I am certain na sa galing ni Jessica she will be on top.

“Win or lose she’s still a winner, kasi napakalaki ang nagawa niya para sa ating mga Filipino.”

Kasama rin sa nakipagpugay ay ang provincial board member ng Bataan na si Dexter Domiguez—na mas kilala kilala sa pangalang Teri Onor sa showbiz.

Pahayag ng board member, “Para sa amin dito sa Bataan, napakalaking kaligayahan ang nakamit ni Jessica Sanchez.

“Right from the very start… napanood ko kasi yung audition, lahat.

“Grabe, grabe si Jessica Sanchez! Grabe yung talent niya."

Isa sa mga Kapatid stars na nagtanghal sa mga taga Samal ay si Arnell Ignacio.

“Siya na yun!” patungkol niya kay Jessica.