news

Person who allegedly swindled Walang Hanggan star Helen Gamboa, arrested after eight years

by Joyce Jimenez posted on May 24, 2012  STATS: 14482 Views | 7 Comments

Helen Gamboa filed a case violating the Batas Pambansa 22 or the Bouncing Checks Law against a couple who allegedly swindled from her P8 million worth of jewelry. This was after the couple issued her a bouncing check amounting to P4.5 million.

Photo By: Noel Orsal

Nahuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga umano’y nang-swindle sa Walang Hanggan star na si Helen Gamboa walong taon na ang nakararaan.

Si Anchit Lim Santiago, 40, ay nadakip kahapon, Mayo 23, sa tahanan ng kanyang ina sa 30-A Zobel Street, BF Homes, Parañaque City.

Ayon sa ulat ni Zhander Cayabyab ng dzMM ngayong araw, Mayo 24, hindi na naabutan ng NBI ang asawa ni Anchit na diumano'y kasabwat nito sa kanyang panloloko.

Ayon sa NBI, ang modus diumano ng mag-asawa ay kakaibiganin muna ang alam nilang nagmamay-ari ng mga mamahaling alahas, at saka magpapakita ng interes na bilhin ang mga iyon.

Matapos ang negosasyon ay mag-i-issue ang mga ito ng bouncing check, at saka magtatago.

Mga alahas na nagkakahalaga ng P8 milyon ang diumano'y na-swindle ni Santiago mula kay Helen.

Naging biktima rin diumano ng mag-asawa ang celebrity stylist na si Erick Pebenito na nakuhanan naman ng P7 milyon halaga ng mga alahas.

Sinampahan na ni Helen ng kasong paglabag sa Batas Pambansa 22 o Bouncing Checks Law ang mag-asawa sa Quezon City Metropolitan Trial Court.

Nananatili sa kustodiya ng NBI si Anchit para sa pagharap nito sa korte, habang pinaghahahanap pa rin ang kanyang kakuntsabang mister.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • iphonelover

    05/25/2012 | 11:51 AM
    It's okay Doņa Margaret mayaman ka naman! Parang wala lang siguro sayo ang P8M hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lolalu

    05/25/2012 | 10:01 AM
    8 years ago ang 8 million ay malaking pera. Ganoon na ba kayaman ang mga Gamboa-Sotto family noong panahon na yun? Kaya pala ang gaganda ng mga damit at accessories ni Ms. Helen. Naisip ko tuloy ang sabi ni Miriam Defensor Santiago na pag naging senador ang isang tao bigla itong yayaman dahil sa dami ng mga allowances at benefits na tinatanggap. Oh, well.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    05/25/2012 | 08:06 AM
    buti nga at nahuli!mga taong tamad kaya nagsu-swindle nalang.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sweetum

    05/25/2012 | 03:01 AM
    humandynamics dunno why u included China also in your comment sa article na to. But The whole world is now penetrated by china market, thats given kaya maraming intsik ang mayayaman na. They will be the strongest country in the next decade and all products that will be sold in the market has their mark. Dont u think, 666 will come from this country? Remember, China is a communist country. They dont believe in the most HIGH. Di natin namamamalayan napipinitrate na nila ang buong mundo kahit pa ang sinasabing kristyano incl Pinas dahil diba nga naniniwala tayo sa LUCK kung anik anik na panabit, fengshui, fortune tellers, horoscopes etc. Theyre diverting people's faith through pure luck. Its scary to think though. Pray nalang tayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • southerngirl1

    05/25/2012 | 01:54 AM
    Bakit naman isinama ang buong ka Intsikan sa kasalanan ng isang tao ?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    05/25/2012 | 12:58 AM
    kahit gano pa katagal magtago pag me ginawang masama kailangan talaga pagbayaran...kasama na dyan ang mga pumatay at nagnakaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    05/24/2012 | 08:42 PM
    nakupoww pangalan pa lang hindi na mapapagkatiwalaan. ANGHIT na LIM pa. i hate to stereo type pero alam naman nating lahat na napaka swapang ng mga yan. at dahil sa inis ko rin sa kanila sa scarborough shoal yung balak naming pag tour sa great wall of china hindi na tinuloy. huwag kayong bumili ng made in china, tutal bad quality din naman ang gawa nila kaya bumili na lang kayo ng made in pinas makakatulong pa sa ekonomiya ng pinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About