Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Empress noong Martes, May 22, sa story conference ng Guni-guni— ang bagong horror movie ng Regal Entertainment, Inc.— na ginanap sa Imperial Palace Suites sa Timog, Quezon City.
Ang Guni-guni ay ididirehe ni Tara Illenberger at gagamitan daw ng high-end digital camera ng Regal Films.
Ipinapaliwanag ang mga papel na gagampanan ng mga kasaling artista nang dumating ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa venue.
Ayon kay direk Tara, ang magiging ‘itsura o look ng nabanggit na pelikula ay katulad ng Asian horror movies mula sa Thailand, Japan, Malaysia, at iba pa.
Makakasama naman ni Empress si Lovi Poe na siyang makakadiskubre ng mga lihim ng kanilang tinitirhan boarding house.
Matapos ang story conference, agad nagpaunlak ng panayam si Empress at ipinaliwanag sa PEP ang kanyang karakter sa Guni-guni.
“Parang ako yung nakakakita ng mga multo,” simula niya. “Ako yung magso-solve kung ano yung problema.
“Bale best friend ko si Lovi Poe. Siyempre, may mga nakakakita ng mga multo… may nakakaramdam. Ako yun.
“‘Tapos no’ng mag-start na yung problema, ako yung magso-solve kung bakit may mga nagpaparamdam.
“Bakit may mga multo?
"So, siguro in the end, malulutas ko lahat kung sino yung mga involved na mga multo."
TV SERIES WITH ABS-CBN. Masaya ring ibinalita ni Empress na maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang afternoon soap na Mundo Man ay Magunaw.
Ayon sa young actress, hanggang July pa raw ang kanilang serye na dapat sana ay matatapos na sa darating na June.
Pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw, ano ang susunod niyang TV project?
“Sa ngayon po… soap, wala pa, pero may gagawin po akong movie, “ pagbabalita niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
3 182395
2 zhan2012
1 skittlesrainbow