news

Lian Paz on being a full-time mother with a full-time career: “Hindi katulad noong dati, sarili mo lang iniisip mo... ngayon, marami ka nang iniisip, pinaglalaanan.”

by Rose Garcia posted on May 26, 2012  STATS: 21170 Views | 6 Comments

Lian Paz wants to pursue a career and be a fulltime mom. She works in a public relations agency and appears on TV soaps. She's also a doting mom to kids Xonia at Xalene, and a loving wife to Paolo Contis.

Sa kabila ng pagiging hands-on mother ng dating EB Babes na si Lian Paz sa dalawang anak nila ng aktor na si Paolo Contis, naroroon pa rin ang kagustuhan niyang magamit at ma-practice ang pinag-aralan niya sa Miriam College.

Kaya’t nag-apply at natanggap siya sa advertising firm na Full Circle bilang media relations officer. 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lian kagabi, May 24, sa isang restaurant sa Shangri-La Mall. Kagagaling lang niya sa isang event ng kanyang opisina.

         

“Hindi talaga ko sanay na walang ginagawa,” salubong ni Lian.

“Ako naman, I studied Communication Arts, parang gusto ko talagang ma-try yung ang pinag-aralan ko. 

“Ever since na nag-aaral ako, gusto ko talaga na maging journalist, hindi matupad-tupad,” natatawa niyang kuwento.

         

“Excited ako noong nag-aaral ako na gusto kong mapunta sa ganito, ganyan.

“Hanggang sa wala—nagdire-diretso nga ang show business. ‘Tapos ‘eto, meron akong time.  

“Naisipan kong maghanap. Sa Internet ko ‘to hinanap, on my own.

         

“Nag-search ako sa Internet ng job and then, I tried public relations. Unang-unang lumabas yung Full Circle Communications.

“Nakita ko naman ang background ng company. Kaya sabi ko, ‘Parang okay rito, parang masaya.’ 

“Nag-send ako ng CV [curriculum vitae] ko, then, next day, may e-mail sila sa akin at interview na.”

         

JOB INTERVIEW. Noong ini-interview raw siya, natawa raw siya sa naging experience niya sa mismong boss nila.

         

“Sabi niya, ‘Sigurado ka ba, na nag-send ka ba talaga ng CV? Kasi, parang hindi ko alam kung iinterbyuhin ba kita o magpapa-picture ako sa ‘yo. 

“Tapos yun, sinabi ko na serious po ako talaga. Natanggap naman ako.”

         

Mag-iisang buwan pa lang si Lian sa trabaho niya pero nakapag-adjust naman siya agad.

         

“Malaking tulong na nasa showbiz rin tayo, nakakausap ko rin ang media. 

“And in fairness, ang saya. Gusto ko talaga, nag-e-enjoy ako. 

“Ibang-iba ang mundo ng showbiz at ibang-iba yung corporate, parang nasa behind [the scene] ka naman.

         

“Fun yung pakiramdam. Nakikita ko yung effort na ginagawa ng media before. Like kami, kapag kukuhanin kami sa show.”

Malaking bagay rin daw na supportive ang mister niyang si Paolo sa mga gusto pa niyang gawin.

“Very supportive naman si Pao. Natuwa naman siya dahil very professional naman at alam naman niyang yun ang pinag-aralan ko.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Sana huwag maging isyu. Siyempre, PR [public relations] din ito.’”

         

MORE TIME WITH FAMILY. Dalawa ang anak na babae nila ni Paolo, sina Xonia at Xalene, at hindi naman daw siya nawawalan ng oras para sa kanila. 

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • BeckyLeeKelly

    06/07/2012 | 07:20 PM
    Buti Pinakasalan ito ni Paolo Contis kahit may reputasyon ito na mahilig kumabit sa Dom... Naging gf ni Janno Gibbs at tinikman lang ni Mark Herras... Kunsabagay may mga lalaki na ang tipo talaga yung mga agresibo at wild... Ingat lang Paolo baka iputan ka nyan sa ulo!!! Hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tut99

    05/28/2012 | 07:44 AM
    Naku, darling, bata ka pa nga. Di mo pa nararanasan ang mid-life crisis ng mga kalalakihan. Maloloka kah! But, stay well and enjoy life with your man. Ride the wave when u get there.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • x_2_x000

    05/27/2012 | 10:44 PM
    where is your values people? no wonder why she's blessed. she's always thrown hard stones yet, she's humble and quiet. RESPECT GOD's authority why she is blessed... it is not because of anyone. it is because of GOD
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • x_2_x000

    05/27/2012 | 10:37 PM
    well, that's why she's blessed because of her haters. i learned today in church service, Honor the Office, if Not the person. meaning, if you cannot honor Ms. Lian with RESPECT, RESPECT GOD's authority and decision of giving her blessings to receive. i am pretty sure you do not want to get the comments you've written. Goodnight
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • myrth

    05/27/2012 | 01:43 AM
    AY WALA NANG MAISULAT ANG PEP. FORGOTTEN NA EB NA LANG. BUTI PA SI ZAIDA NA LANG.NANGANAK NA YATA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nenetski36

    05/26/2012 | 09:58 PM
    da who? she's not newsworthy. pep naman, piliin niyo naman kung sino ma feature dito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About