news

New video shows who struck the first blow at NAIA 3 brawl last May 6

by Jojo Gabinete posted on May 25, 2012  STATS: 121158 Views | 246 Comments

The video shown on TV5 supposedly reveals what transpired before the fistfight involving Mon Tulfo, couple Raymart Santiago and Claudine Barretto, plus, the latter's friend.

Photo By: Screen grab from Aksyon TV

Ipinakita ngayong gabi, Mayo 25, sa Aksyon TV ang video na posibleng makapagbibigay-linaw sa kaguluhang naganap sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo 6, 2012.


Sangkot sa gulo ang veteran broadcaster na si Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.


Hindi sinabi ng TV5 ang source ng video na nagpapakita sa isang lalake na nakasuot ng pink T-shirt at white shorts na kasama nina Raymart at Claudine.


Nakatalikod sa video ang babae na kulay pink din ang suot, na hinihinalang si Claudine base sa suot at itsura ng aktres nang maganap ang kaguluhan sa NAIA 3.


Sa naturang video,  nakikipag-usap si Tulfo sa grupo nina Claudine nang bigla siyang hampasin sa ulo ng lalake na nakasuot ng pink T-shirt. Nangyari ito sa harap ng isang security guard, ni Claudine at ng isang lalake na natatakpan ng katawan ng aktres.


Ang lalake na humampas sa ulo ni Tulfo ang  lalake rin na hindi nagpaawat, sumugod at sumuntok nang sunud-sunod kay Tulfo sa 59-second video na unang lumabas, ilang oras mangyari ang kaguluhan noong May 6.


Hindi nakunan ng mga CCTV camera sa NAIA 3 ang buong pangyayari kaya nanawagan noon sina Raymart at Claudine sa sinumang nakapag-video sa  insidente na ilabas ito para malaman ng lahat ang "katotohanan" na si Tulfo diumano ang unang nanakit kaya napilitang lumaban ang aktor.


Sa video na inilabas ng TV5, lumalabas na ang lalaking kasama nina Claudine at Raymart ang unang nanakit kay Tulfo.


Physical injuries, grave coercion, at grave oral defamation ang mga kaso na isinampa ni Tulfo laban sa Santiago couple. Kabilang sa mga sinampahan ng kaso si Eduardo "Doby " Atilano, ang kaibigan ng mag-asawa na nakasuot ng pink T-shirt.

Kinukuhaan na ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng pahayag ang mag-asawa tungkol sa paglabas ng pangalawang video.

Mananatiling bukas ang website na ito para sa opisyal na pahayag na manggagaling mula sa mga partidong sangkot sa usaping ito.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

246 Comments

  • 46  claudineugalingdugong

    05/26/2012 | 03:41 AM
    Ung mga ngcocomment d2 na pro raymart at claudine malamang sila laos na claudine at actor-actorang raymart un....wala ng magawa sa buhay kc wala ng career kya nagbabantay na lng comment sa pep. Sarili nyo lng ang maloloko nyo kya ang mabuti pa ibigay nyo na ang reward nyo sa naglabas ng video na to!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 45  chowee143

    05/26/2012 | 03:33 AM
    may vid nb sa youtube?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 44  pepreaderako1234

    05/26/2012 | 03:32 AM
    hindi pa ba tapos ito? kakasawa na. ikulong na kasi ang salarin, ahem claudine baretto, para tapos na. salitan lang naman sila ni sharon cuneta sa pagpapansin by creating drama and intriga!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 43  sweetum

    05/26/2012 | 03:28 AM
    kaya nanawagan si Claudine kasi confident sya na walang lalabas ng ganitong video at wala namang CCTV at di rin video at puro pictures lang ang nakuha ni Tulfo habang minumura nya yong ground steward. Dapat sa mag asawa humingi na lang ng sorry kay Tulfo, kung hindi nila kayang galangin si Tulfo bilang mamahayag,May career pa kaya ang mga ito? It must be Claudine's total downfall.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 42  strawberryjam88

    05/26/2012 | 03:20 AM
    Claudine and Raymart, what now? I hope Claudine reads people's comments here. Kawawang Raymart, nadadamay palagi sa mga gulo na pinasok mo; una, iyong kay Derek/Castro, at itong kay Tulfo. Ang galing mo talaga,Te. You did it, too to Gretchen and Angelica. Kitang-kita sa mas naunang video kung papano mo sinaktan si Tulfo na kung sakali man nasipa ka, aba'y natural lang kasi marami kayo, isa lang siya. At si Tulfo pa ang nag commit ng child abuse, eh ikaw nga nakalimutan mo na sa ginawa mo mas natakot iyong anak mo kasi ikaw ang kilala nila at hindi iyong tao na lugmok sa sahig? Nakakarindi ka na!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 41  snowhitetx

    05/26/2012 | 03:15 AM
    Doon sa video na napanood ko sa AKSYON May 25, 2012. Binatukan nong lalakeng naka pink si MT. Nakangiti pa nga itong si MT habang nakikipag usap nong binatukan siya sa ulo. Panoorin ninyo ang video at kayo mismo ang makakapagsabi, anong klaseng tao ang mga ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 40  kikoko

    05/26/2012 | 03:15 AM
    hay sirang sila na sila.. ang yayabang kasi e. kala mo kung mga sinong mayayaman, lumaking mga spoiled brat bigay luho lahat ni hindi man nakapag aral puro lang pasosyal! ngayon ano kayang depensa nila sa lumabas video. Sakit na cguro ulo nila sa kakaisip kung anong acting ang gagawin. Etong si Pink Man super aggresive! magtago kana! baka rumesbak ulit ang mga Tulfo!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 39  pep88

    05/26/2012 | 03:13 AM
    Good luck sa inyo Claudine at Raymart. You have a lot of explaining to do. Call your scriptwriter. You need to revise your script. Please, dont ever mention you are a Christian. You dont sound like one, you dont act like one.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 38  snowhitetx

    05/26/2012 | 03:12 AM
    Base on the interview made by Mon Tulfo. Sinabi niya doon sa interview sa airport doon sa interogation na nasipa niya si CB na nagagaralgal ang kanyag boses. Doon sa interview naman niya kina Mel Tiangco, tinanong siya kung sinapa niya si CB ang sagot ni MT ay I VEHEMENTLY DENIED NA SINIPA OR TINADYAKAN KO siya. Para sa akin ay sinagot lang ni MT ang katanungan pero kung ang tinanong siguro ay NATADYAKAN O NASIPA MO BA SI CB? Malamang ang isasagot niya ay NATADYAKAN KO OR NASIPA KO. Dahil kapag ako ang tinong din, sagutin ko lang din sila according sa tanong. Ang laki kasi ang pagkakaiba ng NASIPA O NATADYAKAN KO SA TINADYAN KO OR SINIPA KO. Nasipa o natadyakan ay hindi sinasadya samantala ang tinadyakan or sipina ay intention niyang gawin. Opinyon lamang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 37  lumo12

    05/26/2012 | 02:48 AM
    wrong. korek! at diba kamo nagambag-ambag mga KAIBIGAN nila claudine ng pera pabuya sa taong maglalabas ng video? baka sa mga nag-ambag-ambag, kasali doon yung naka-pink guy. nakakapagtaka talaga kung baket mga kaibigan nila claudine ang magbibigay yun naman pala itong naka-pink guy ang unang salarin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 36  Daina66

    05/26/2012 | 02:46 AM
    Agree ako sa mga nagsasabing nasa kamay na ng mga Tulfo ang video na ito kaya sa TV5 lumabas. It's possible that there are more video footage of the incident at unti-unti nilang ilalabas, my guess is to provoke Claudine and Raymart first and watch them make a fool of themselves in public and then, BAM! More video evidence to come. Natatawa na lang siguro si Tulfo every time may palabas na drama ang mag-asawang ito..kunwari victims sila...LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 35  Prd2bpnay8

    05/26/2012 | 02:43 AM
    Hayan ang napapala ng masiyadong madaldal, sinungaling, at pakuha-kuha pa kuno ng protection order kasi natatakot daw sila na baka saktan sila ng mga Tulfo. E dapat pala ang mga Tulfo ang kumuha ng protection order against sa inyong mag-asawa at sa kaibigan niyo na napakayabang at abusado. Hayan na ang ebidensiya kitang-kita na na si Tulfo ang unang nasaktan. Nandiyan pa nga ang security ay nakuha pang maknakit imbes na mag-usap na lang. Kung ikaw ba naman ang batukan ng ganiyan hindi ka lalaban? Kahit babae ako ay tatadyakan ko sila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 34  tammy123

    05/26/2012 | 02:29 AM
    glen, mas malakas pa rin yung ebidensya ng video na NAIA. Hindi pwedeng gatungan o bawasan kasi nakita yung actual na pagsugod at pagsuntok ni Claudine kay Tulfo kahit malinaw na inaawat na siya ng security at kasamahan nya....and she did this in front of her children.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 33  jeanine89

    05/26/2012 | 02:24 AM
    For sure napanood na ng kampo nila Claudine itong video na ito ang kasalukuyang nabubulabog sila at hindi na makakatulog...hahaha! Nandoon na sigurado yung abogado nila sa bahay nila, shaking his head! YOOHOO...Claudine...time to take your meds...hahaha! At doon sa lalaki na tumapik doon sa ulo ni Tulfo, be ready and prepared to spend time in prison!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 32  itsmedanda

    05/26/2012 | 02:21 AM
    Lagot si raymart at laos queen claudine. Kayo ang sinungaling mg asawa. Humanda kyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 31  glen

    05/26/2012 | 02:19 AM
    Tammy 123 hearsay? straight from the horse's mouth na may sipang naganap actually ang pagkasabi pa nga ni Mon ay nasipa nya si CB hindi sinipa then sa second interview nag deny sya na nasipa o sinipa si claudine kung nasusundan mo ang news na ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 30  tammy123

    05/26/2012 | 02:15 AM
    3 shidax kung iyang lalaking naka pink ang humampas kay tulfo bakit si claudine ang sinipa nya? HEARSAY lang yung balitang sinipa ni Tulfo si Claudine. Walang clear evidence na talagang sinipa niya on purpose si Laos Queen.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  DamonSalvatore143

    05/26/2012 | 02:13 AM
    The Tulfo brothers have learned their lesson not to threaten someone on TV, kaya humanda ka Dolby dahil wala ng warning-warning to, dudukutin ka nalang ng mga Tulfo anytime. Hahahaha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  tammy123

    05/26/2012 | 02:07 AM
    ngyahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  BelleGrey

    05/26/2012 | 01:49 AM
    aaliyah2a 20 Read the article again. Pinangalanan ang sumuntok. His name is Eduardo Doby Atilano
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About