news

New video shows who struck the first blow at NAIA 3 brawl last May 6

by Jojo Gabinete posted on May 25, 2012  STATS: 121071 Views | 246 Comments

The video shown on TV5 supposedly reveals what transpired before the fistfight involving Mon Tulfo, couple Raymart Santiago and Claudine Barretto, plus, the latter's friend.

Photo By: Screen grab from Aksyon TV

Ipinakita ngayong gabi, Mayo 25, sa Aksyon TV ang video na posibleng makapagbibigay-linaw sa kaguluhang naganap sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo 6, 2012.


Sangkot sa gulo ang veteran broadcaster na si Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.


Hindi sinabi ng TV5 ang source ng video na nagpapakita sa isang lalake na nakasuot ng pink T-shirt at white shorts na kasama nina Raymart at Claudine.


Nakatalikod sa video ang babae na kulay pink din ang suot, na hinihinalang si Claudine base sa suot at itsura ng aktres nang maganap ang kaguluhan sa NAIA 3.


Sa naturang video,  nakikipag-usap si Tulfo sa grupo nina Claudine nang bigla siyang hampasin sa ulo ng lalake na nakasuot ng pink T-shirt. Nangyari ito sa harap ng isang security guard, ni Claudine at ng isang lalake na natatakpan ng katawan ng aktres.


Ang lalake na humampas sa ulo ni Tulfo ang  lalake rin na hindi nagpaawat, sumugod at sumuntok nang sunud-sunod kay Tulfo sa 59-second video na unang lumabas, ilang oras mangyari ang kaguluhan noong May 6.


Hindi nakunan ng mga CCTV camera sa NAIA 3 ang buong pangyayari kaya nanawagan noon sina Raymart at Claudine sa sinumang nakapag-video sa  insidente na ilabas ito para malaman ng lahat ang "katotohanan" na si Tulfo diumano ang unang nanakit kaya napilitang lumaban ang aktor.


Sa video na inilabas ng TV5, lumalabas na ang lalaking kasama nina Claudine at Raymart ang unang nanakit kay Tulfo.


Physical injuries, grave coercion, at grave oral defamation ang mga kaso na isinampa ni Tulfo laban sa Santiago couple. Kabilang sa mga sinampahan ng kaso si Eduardo "Doby " Atilano, ang kaibigan ng mag-asawa na nakasuot ng pink T-shirt.

Kinukuhaan na ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng pahayag ang mag-asawa tungkol sa paglabas ng pangalawang video.

Mananatiling bukas ang website na ito para sa opisyal na pahayag na manggagaling mula sa mga partidong sangkot sa usaping ito.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

246 Comments

  • 186  musheegal

    05/26/2012 | 10:56 PM
    Full video kasi ang ilabas hindi ganyang laging edited lang! Halatang may itinatago eh, di ba TULFO? Halata namang na kay Tulfo ang full video na. Bakit hindi nya maipakita ang sinasabi nyang pagmumura sa 2 ground personnel, kasi ang totoo walang nangyaring murahan naman talaga gaya ng sinasabi nya na dinenay naman ng 2 staff. At dapat ipakita ang unang pagsipa nya kay Claudine kaya sya nabugbog ng ganun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  lalang

    05/26/2012 | 10:53 PM
    if i was mon, i would fight them down to their last penny..ang kapal ng mga mukha ng mga sinungaling na yan.paiyak-iyak pa..she really likes to show her crocodile tears .ano pang career ang babalikan nyang babaeng yan.. out of topic pero yung sinabi nyang hiwalay na sila ni rico nung naging sila eh malamang na di rin totoo. it only shows na di mapagkakatiwalaan ang mga yan. dapat ang korte eh wag magpaloko sa mga alibi nitong dalawa na ito. ito ay maliwanag pa sa sikat na araw na ebidensya. bakit kelangan pa nila ng TRO eh sila nag-umpisa ng gulo at si raymart ang unang nagbanta..di pa ako tapos na narinig sa video. wala na ba talang hustisya sa bayan natin??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  bulagafan

    05/26/2012 | 10:48 PM
    179 yunikrose - para namang sinasabi mo na mukhang pera si tulfo. dapat katarungan ang matamo at hindi pera pera lang. kahit itanong mo pa kay dating customs commissioner alvarez.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  bulagafan

    05/26/2012 | 10:44 PM
    178 lalang - sa himig na salita mo parang kilala mo si tulfo na nagpapaareglo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  Kikina

    05/26/2012 | 10:09 PM
    huwag na kayong magmalinis claudine...alam na ng buong Filipino ang masamang asal nyo!!!!mag asawa na yan sinungaling!!! artista talaga!sirang sira na kau..kaya wag ng magpalusot pa...magpakumbaba nalang para makalabas na sa gulong ginawa nio..binibilog nio ang ulo ng mga tao..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 181  liwayway

    05/26/2012 | 10:05 PM
    claudine and raymart, nasaan ang reward money for the uploader? yung galing sa friends ninyo kuno. napakamalas ninyo at inakala ninyong karaniwang mamamayan ang binugbog ninyo. at na-video pa! kung minsan people do get what they deserve. justice for mon tulfo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 180  kate_blanche

    05/26/2012 | 10:00 PM
    boycott yung show ni raymart sa gma7, d magandang ehemplo sa mga taong nanunuod, d kapanipaniwala ang gagampanan niyang roles unless kung basagulero yung role niya ok pa, at kay claudine din na puro P.I. ang nasa bibig. BOYCOTT...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 179  minute860

    05/26/2012 | 09:53 PM
    ano vah yan!kAkahiya.malamang bukas wala ng muka ang magasawang yan sa tv
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 178  kate_blanche

    05/26/2012 | 09:50 PM
    SOBRANG HYPICRITA KANA CLAUDINE KUNG HINDI MO ITO AAMININ NA ITO NA ANG UNANG VID NA HINANAP NIYO? ANO NA? KAMUSTA NAMN KAYO NI RAYMART AT NG FRIEND NIYONG SI EDUARDO, DO HAVE ENUF SLEEP THINKING OF THIS?? ALAM KO KASI CLAUDINE ANG KARMA NANDIYAN LANG YAN EH, BAKA KASI DI MO KILALA SI KARMA NAGPAPARAMDAN NA SAYO UNTI UNTI.. NABABALUTAN KA NA NG SOBRANG KASINUNGALINGAN. KAWAWA SI XANTINO AND SABRINA AT IKAW ANG NAGING NANAY NILA ;p
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 177  yunikrose

    05/26/2012 | 09:29 PM
    Tulfo! ,maghigante ka sa mga unano na mga to!!don't forget!!ginulpi ka sa airport kumbaga hindi man lang inalintana na matanda ka na at solo marami sila kaya kung ako sau kumuha ka ng astig na abogado at ng makaganti ka!!!!isa pa mga laos na ang mga to so kumbaga tirahin mo sa bulsa!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 176  lalang

    05/26/2012 | 09:29 PM
    di nila talaga nakilala si mon tulfo at yan ang totoo..kala nila ordinaryong tao kaya inastahan nila ng todo.asan na ang tapang ng lalaking katerno ni claudine.. bahag na ba buntot nya? maliwanag na ebidensya yan at kung ako si mon walang areglo para mabigyan ng leksyon yang matatapang na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 175  lalang

    05/26/2012 | 09:23 PM
    you are a waste of tax money claudine and raymart!nagsorry sya dun sa babae para mabaliktad yung statement nya. sasabihin nung girl na maayos naman po nakikipag-usap si mam claw kaya lang biglang nanipa si mang mon ng bigla kaya nag-react si raymart para ipagtanggol yung pang-aapi sa misis nyang napakabait po..asus! ngayon asan na yung reward mo sa naglabas ng first part claudine barretto??magsorry din kayo dun sa taong binugbog nyo.please wag na kayong magsinungaling na di totoo ang video at kayo talaga yan diba?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 174  Kikina

    05/26/2012 | 09:09 PM
    Anu nanaman kayang palusot nila sa video na toh baka sabihin nila may masnauna pang-video dito.. Nakakamis Lang slang makita sa tv ang magasawa na yan..paawa pa Lang sila..kaya ayaw ko manood ng luna blanca dahil don si raymat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 173  chowee143

    05/26/2012 | 08:00 PM
    jst watched the vid. alanghya c pink man ah,kala mo kung cnu kung maka batok, i gez nde nila nkilala c tulfo, otherwise nde cla mag lalakas ng loob mam batok sa isang tulfo. ganun pa man, ginabaan yan cla kc kala nila ordinaryong tao lng un na kayang kaya nila batukbatukan e nagkataon tulfo pla bwahaha! wag tigilan yan mga tulfo bros n anaks, turuan ng leksyon at cguraduhin matuto magpaka tao sa mga taong nag bbgay ng kabuhayan sa knila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 172  IMaPeper2

    05/26/2012 | 07:26 PM
    Yan rin ba yung so-called kaibigan na nakapansin una na vini-video ni Tulfo yung incidente at sinumbong kay Raymart? Kasi I think lumabas sa video na yang naka pink ang parang instigator. Dahil sa ginawa niya pang pag-batok pa sa matanda na-provoke na lalo ang mga tao at nadala na ng ego at emotions...ayun nagkagulo-gulo na. I think it would be best to stay away from nonshowbiz people who are troublemakers lalo na kung artista ka dahil you have got your career to lose. Mali pa rin na pinagtulungang bugbugin si Tulfo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 171  Monicafer

    05/26/2012 | 06:26 PM
    Sa isang video na ipinakita yong asawa ni Atilano galit na galit at nanlilisik ang mata, mukhang palaban din. Magkaibigan nga sila ni Claudine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 170  karumaldumal_ako

    05/26/2012 | 06:25 PM
    kahit sino na lng binu-bully nitong si Claudine. Si angel locsin, si angelica panganiban, ngayon pati si tulfo... I'm so sad because Claudine is doing her best to fulfill her career suicide.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 169  abarron32

    05/26/2012 | 06:22 PM
    Kung sinipa o nasipa man ni Mon si Claw malamang self-defense reaction ito. Si matapang Claw mismo nagsabi na nilapitan si Mon para kumprontahin ito. Kung ikaw ba naman ay sinasaktan, o kaya'y sa tingin mo sasaktan at maramdamang manganganib ang buhay mo, di ba natural reaction nino man ay protektohan ang sarili for self-peservation, ni babae man o lalaki nasa harap mo. Yung asawa namang Raymart, kung tutoong protective sa asawa niya na kahit lamok kuno ayaw nyang madapuan nito ay bakit di man lang inawat ang asawa na lumapit sa kapamahakan... pero kung tutoong nasipa man si butangera, sana sa bibig na lang siya tinamaan kasi yun ang puno't dulo sa lahat ng gulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 168  humandynamics

    05/26/2012 | 06:06 PM
    dapat lang na sampahan ng kaso sila, hindi pwede yung basta basta na lang nananapak. turuan ng leksyon kung sino ang may sala.. sooo barbaric, uncivilzed people.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 167  greenbee_06

    05/26/2012 | 06:03 PM
    style ng mga nabubuking mapa pulitika man o shobiz pag buking na sila nagkakasakit na sila o may neck brace o papilay pilay or di kaya may hypoglycemia grrrrr....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About