news

Claudine and Raymart’s lawyers on new video showing who started fight with Tulfo: “We cannot form conclusions based only on mere seconds of footage.”

by Mark Angelo Ching posted on May 26, 2012  STATS: 28774 Views | 78 Comments

 

Raymart and Claudine's legal counsel, Gana Atienza Avisado Law Office, on the video shown May 25 on Aksyon TV, TV5's primetime news program: "It is important to bear in mind how simple editing in sequencing can easily mislead us."

Photo By: Screen grab from Aksyon TV

Ngayong araw, May 26, ay nagpadala na ng statement sa PEP ang legal counsel ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago, kaugnay sa bagong video na lumabas kahapon na nagpapakita umanong ang mag-asawa ang nagsimula ng away nila sa kolumnistang si Mon Tulfo.

Sa statement na ipinadala ng Gana Atienza Avisado Law Offices sa pamamagitan ng text message ay nakasaad na hindi dapat kumuha ng konklusyon mula lamang sa ilang segundong video.

Ang video ay ipinakita kahapon, May 25, sa Aksyon TV, ang primetime news program ng TV5.

Sa video ay ipinakitang nagpapalitan ng salita ang kampo nina Claudine at si Mon Tulfo. Maya-maya, makikitang binatukan ng isang lalaking naka-pink, na kasamahan nina Raymart, si Mon.

BACKGROUND. Importante ang maikling video na ito dahil ito ang maaaring magbigay-linaw kung sino nga ba ang unang nagbuhat ng kamay para magsimula ang gulo na naganap sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong May 6.

Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa rin malinaw ang buong kuwento sa gulong iyon. Magkakasalungat ang mga pahayag na binitawan ng dalawang panig, at wala ring nakuhang CCTV footage ng insidente.

Ang malinaw lamang ay parehong lumapag sa airport ang kampo nina Raymart at si Mon. Galing sa Boracay sina Raymart, at galing naman sa Davao ang kolumnista.

Pagdating nina Raymart sa NAIA ay nalaman umano nilang iniwan ng Cebu Pacific ang kanilang mga bagahe sa Boracay, kaya naman nagreklamo sila sa counter ng nasabing airline.

Pagdaan naman ni Mon ay nakita niya umano ang isang babaeng sinisigawan ang staff ng Cebu Pacific, kaya naman kinunan niya ito ng litrato. Si Claudine ang babaeng ito, na hindi raw nakilala ni Mon.

Nang makita nina Raymart na kumukuha ng litrato ang isang lalaki, na hindi rin daw nila kilala, ay nilapitan nila ito para hingin ang cellphone nito.

Dito na nagkasalungat ang pahayag ng dalawang panig.

Ayon kina Raymart, malumanay nilang hinihingi ang cellphone ng lalaki, ngunit agad daw siyang sinapak nito. Tinulak din daw ng lalaki si Claudine, at pinagsisipa.

Ayon naman kay Mon, unang nanakit ang kampo nina Raymart. Inilagan niya ito, at pilit siyang lumayo, ngunit sinusundan daw umano siya ng grupo, kaya nagsimula ang gulo.

Humantong ang gulo sa pagkakabugbog sa kolumnista, na siya namang nakita sa isang video na nauna nang kumalat. Sa videong ito ay pinakitang pinagtutulungan ng kampo nina Raymart na bugbugin si Mon.

At sa video naman na ipinalabas ng Aksyon TV kahapon, ipinakita nga na ang kampo nina Raymart ang unang nagbuhat ng kamay.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

78 Comments

  • 78  gayfairy

    05/31/2012 | 06:12 PM
    5mins or 5 hours, the video clearly speaks for itself.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 77  musheegal

    05/29/2012 | 10:08 AM
    The court is not that stupid para sa iilang segundong videos na ebidensya. Susuriing mabuti yan, from the start.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 76  musheegal

    05/29/2012 | 10:05 AM
    sinungaling your face! Hindi pa nga umuusad ang kaso hinusgahan mo na agad si Claudine. nagpalinlang ka sa 5secs na video. My golly, the height of stupidity!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 75  elaienai

    05/29/2012 | 09:18 AM
    CLAUDINE, AIKO, ANNABEL....mga sinungaling!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 74  prettyhermione

    05/29/2012 | 06:59 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 73  prettyhermione

    05/29/2012 | 06:53 AM
    Hirap talaga kapag likas kang sinungaling at magaling magpaikot! Diba de-mon tulfo? INCONSISTENT much ang drama. panay pa ang interview sa dos, sinasamantala naman nila kasi dating talent nila na nilayasan sila ang involved! pero pag hindi na ito pag uusapan, tapos na rin 5 minute of fame mo de-mon tulfo hahahah! ginagamit ka lang ng dos! enjoy and see u in court hihihi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    PrettierThanU
    06/18/2012 | 09:49 PM
    See u in court talaga kc ikaw ung babalinang asawa ni ATILANO,THE PINK GAY.wala ng ganda tong mag asawa na to,Chaka pa ugali,trully like the laosyanang couple.well,goodluck girl.
  • 72  prettyhermione

    05/29/2012 | 06:50 AM
    bakit kelangang magpapresscon sa kakarampot na vid? eh kakarampot din utak niyo. kaya nga may mga lawyers. makapang asar lang e no? tama, huwag magpalinlang sa ilang segundong chinop chop ng kampo ni INCONSISTENT De-Mon hahaha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 71  ClawClown

    05/28/2012 | 08:28 AM
    Hello, jill-pep, the pepster. Nasaan ka na? Bakit pinagtago mo na ang asawa mong si Doby-doby-doo Atillano? Hahahaha! Anong sabi dati ni Bong Revilla noong lumayas din ng bansa si Ramona Revilla? Ang pag-alis daw ng bansa ay nangangahulugan ng guilt. Si Jackie Atillano, na-interview din sa Umagang Kay Ganda, ang sabi noon eh 'he got what he deserves' patungkol kay Mon Tulfo. Yan ang mga kaibigan nina Claosdin at G a y mart, mga arogante at warfreaks din. Tama talaga, birds of the same feather......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 70  grinandgiggles

    05/28/2012 | 05:45 AM
    Yung salbaheng mama daw na naka pink umalis na ng bansa...hay naku pagkatapos bugbugin at batukan ang matanda magtatago ka? paano kaya kung sa tatay o lolo mo gawin yan ng tao...ano kayang maramdaman mo? kahit di ko kaano ano si tulfo at sa totoo lang me kayabangan sya pero nakatatanda pa din sya at natatawa lang bat naman babatukan pa. Sabi ni tulfo sa interview si Clau daw walang katigil tigil sa pagmura sa kanya...ang magulang ni Clau supported pa talaga sya eh kung sila kaya ang me nagmumura matutuwa pa kaya sila? Di naturuan mabuti itong si Clau ng kagandahang asal kung sino man nagpalaki sa kanya. Sanay na sanay magmura...sana wag matutunan yan ng mga anak na gusto nyang protektahan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 69  opinionko2noh

    05/28/2012 | 04:11 AM
    Doon sa mga nagsasabing edited ito bakit hindi pinakita ang buong video, etc. Sana pinahiram nyo yung cellphone nyo dun sa kumuha ng video baka hitech ang sa inyo at may GigaBytes memory para wan to sawa ang video. Kakaloka ang mga nagcocoment na bakit hindi kumpleto, etc. Saka syempre, humarap na sa kumukuha ng video si Pink Yabang guy eh baka yung cellphone ng kumuha naman ang pagdiskitahan, syempre stop na nya kagad. At wag kayo pasiguro din na walang ibang pang video, masuprise na lang kayo sa hearing. Mga atty de kalampag of the santiagos, galingan nyo at dapat sa press release nyo laging may 'we stand by our clients testimony that they did not start the fight' para consistent then sa dulo, sampal sa face nyo ang resulta.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 68  gustokolang

    05/28/2012 | 02:18 AM
    bakit walang pa press-con?bakit nanahimik? nabuking sa kasinungalingan?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 67  StocksAndBonds

    05/28/2012 | 01:46 AM
    Ang daming palusot huh! "maikli, edited, hindi claro, don't form conclusions, last part, nasipa ang babae, etc." Pero hindi umuubra. Why? Because ONCE AGAIN, this vid proves that they are the ones in the WRONG. Kung sa kanila pabor ito, I'm sure interviews galore na sila ngayon with matching tears ang biblical verses.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 66  HornBlower

    05/28/2012 | 01:44 AM
    Ano ba yan, eh kahit anong video ang ipakita ninyo diyan kina Raymart at Claudine ay pasisinungalingan nilang lahat iyan. Aamin ba naman ang mga iyan? Sagad sa buto yata ang kasinungalingan ng dalawang iyan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 65  gopinoy

    05/27/2012 | 11:37 PM
    i had the same views as the lawyers. di talaga dapat mag form ng conclusions base lang sa kkarampot na video na ito. hay naku eh bat kase walang cctv eh. napakasimple.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 64  Prd2bpnay8

    05/27/2012 | 11:15 PM
    Nakakabingi ang KATAHIMIKAN ni cLOASdine at RayFART. Galing-galing nilang magpatawag ng press conference para magsinungaling at magpaawa lalo na ng malaman nilang walang CCTV. Pa-offer offer pa ng reward. O ngayon na nandiyan na ang simula ng video e bakit ngayon wala kayong comment at parang nagtatago yata kayo? Nanginginig na sa takot ang mag-aswang B A N O! Hirap talaga ng mga warfreak at mahilig magsinungaling-daling balikan ng KARMA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 63  ms_pasaway

    05/27/2012 | 10:13 PM
    wag daw tayo mag-conclude based sa mga videos na yan..mag-conclude lang tayo based sa mga kwento ni Claudine at Raymart..for sure panalo sila sa kaso non..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 62  lanalang08

    05/27/2012 | 04:18 PM
    pinagsisipa daw si claudine. eh kitang kita na isa si claudine sa umuupak kay mon tulfo. and besides kung ikaw ba naman ay matinong tao baket mo hihingin ang cell phone nang isang tao dahil kinunan ka nang picture. masaya ka raymart. kailangan iredeem ninyo ang mga sarili ninyo dahil masyado na kayong obvious.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 61  buretche

    05/27/2012 | 04:15 PM
    raymart claudine mag asawa bugok!!! christian daw sila,sus tigilan na pag ba bible study nakakahiya kayo! kamuka nyo pala wala modo mga friends nyo!!!!! masyado kyo mayabang! boycot mag asawa yan ng mabawas kayabangan nila!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 60  joie2dworld

    05/27/2012 | 03:59 PM
    this video will haunt you forever, claudine, raymart and company including the lawyer, masama ang ginawa ninyong pagtulungan na bugbugin ang senior citizen
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 59  edmund_galila

    05/27/2012 | 03:03 PM
    magsamasama kau nina tulfu n bastos at arogante mga nananakit ng baabe!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About