news

Dominic Zapata on working with Ogie Alcasid: “Very, very hands-on si Ogie, iisipin mo nga he’s the producer.”

by Rommel Gonzales posted on May 26, 2012  STATS: 3055 Views | 2 Comments

Direk Dominic Zapata explains the difference between Boy Pick-up The Movie and Boy Pick-up the segment on Bubble Gang: "Kuwento na ng buhay ni Boy Pick-Up [ito], may back story, may love angle..."

Photo By: Noel Orsal

Bago ang Boy Pick-Up The Movie, ang huling pelikula ni Direk Dominic Zapata ay isang comedy, ang My Valentine Girls.

At ang pagkakaiba ng dalawang comedy flicks…

“Mas comedy ito kasi ang My Valentine Girls medyo may konting comedy, ito [Boy Pick-up] talagang all-out comedy. Tsaka, trilogy yung [una], tapos medyo may konting mumu factor pa yun, e.

“Tapos mas kilig yung hinahabol mo doon, ito talaga all-out comedy,” kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Poral) ni Direk Dominic sa shooting ng Boy Pick-Up The Movie kahapon sa Tomas Morato, Quezon City.

Paanong atake ang ginawa niya sa very first solo-starrer ni Ogie Alcasid?

“Una, kinailangan kong i-immerse yung sarili ko doon sa Boy Pick-Up na concept kasi mundo niya iyon, e.”

Noong una raw niyang panoorin ang clips ng naturang character ni Ogie sa Bubble Gang ay hindi niya ito na-“gets” agad o naintindihan.

“Hindi ko na-gets! Hindi sa corny, parang ‘Ano ito?’

“Oo, nonsense! Tapos biglang, 'Ahhh, okay gets ko na.'

“Tapos… may ganun e, meron siyang, ano ba tawag dito, hindi mo siya basta-basta maaano kapag unang pasok mo.

“Kaya kinailangan ko ngang ano e, masakyan yung buong konsepto.

“Although it works for me na wala akong pinanggagalingan, so it would be a fresh take on my part para gawin siya at hindi ako yung gumawa nung original nun.”

GOOD FRIENDS. Paano siya na-convince na i-direk ang movie samantalang hindi nga niya gets noong simula?

“Kaibigan ko [si Ogie], at tinawagan ako. At tsaka na-gets ko muna, nung na-gets ko na parang… sabi niya ‘Panoorin mo ito, panoorin mo yung ginagawa namin sa Bubble Gang.’”

Sa TV, as is na, isang segment lang, ang movie nila, kuwento na ng buhay ni Boy Pick-Up, may back story, may love angle…

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2 Comments

  • ClawClown

    05/28/2012 | 08:30 AM
    Malaki naman siguro ang talent fee ng director na ito kaya may pambayad sa dentista. Ipaayos nyo po ang mga ngipin nyo, discolored lahat. Habang di pa naayos, wag muna ngingiti ng todo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SimonLaplace2

    05/26/2012 | 04:36 PM
    PEP can you post a better picture of this man?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About