news

Theater actor Nicco Manalo on parents Jose and Annalyn's troubles: "I'm just taking it one day at a time."

by William R. Reyes posted on May 27, 2012  STATS: 37388 Views | 9 Comments
How did actor Nicco Manalo (right) make the shift from theatre to indie to mainstream TV? "They asked my dad [Jose Manalo, left]. Actually, napanood nila ako sa Zombadings, 'tapos sabi nila, nagustuhan nila ako do'n..." he narrates.
 
Photo By: William R. Reyes

Nakausap kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang stage at indie movie actor na si Nicco Manalo.

Si Nicco ay anak ng popular na komedyanteng si Jose Manalo.

Marami nang nagsanga-sangang issue tungkol sa nagkahiwalay na mag-asawang Jose at Anna Lyn.

Naghabla si Anna Lyn sa TV-movie comedian at Eat Bulaga! co-host sa kasong violation of RA 92621 (Anti-Violence Against Women and Children Act), bago na-contact at sumagot sa interview request ng PEP si Nicco.

Pero matagal-tagal na ring nakilala ng PEP ang 26-year-old young actor—na ang tunay na pangalan ay Sherwin Nicco Manalo.

Sa larangan ng teatro ay higit na popular  si Nicco dahil sa mga natampukan niyang dula, sa Tanghalang Pilipino (TP-Actor's Company) at Dulaang UP (DUP), simula 2006 hanggang sa kasalukuyan tulad ng Baquereta, Huling Habilin Ng Sirena, American Hwangap, Hermano Puli, at Titus Andronicus/Tinarantadong Asintado

Nakapasok na rin siya sa mainstream television at may partisipasyon sa teleseryeng, Valiente, ng TV5.  

Kilala rin si Nicco sa mga indie films, na ang pinakahuli ay ang Zombadings at San Lazaro, na parehong naitanghal sa 2011 Cinemalaya Filmfest.

Bilang kilalang personalidad sa mga  larangan ng dula at indie cinema,  nananatili namang low profile, mailap, at hindi bukas si Nicco pagdating sa mga bagay na personal—‘tulad ng kanyang family o home life.

"I would really rather not say anything about my family's issues right now," simula ni Nicco nang banggitin namin ang isa sa mga paksa na nais naming bigyan niya ng pahayag.

"If you would still be interested in interviewing me, then let me know. I would love to tell you about my journey [as an actor] and my career," sabi pa niya.

Noong Miyerkules, May 23, nagpa-interview si Nicco sa PEP sa Baang Coffee Shop, sa may Tomas Morato Ave., Quezon City. 

Despite his parents’ much talked about controversies, Nicco projects a very calm stance.

Hindi man siya nagbigay-komento sa mga partikular na detalyeng napaulat, tungkol sa kaso ng magulang niya na kasalukuyang nasa korte, naging matapat ang aktor sa pagpapahayag ng kanyang mga  saloobin tungkol sa ilang bagay.

"You know, for me... parang... our life... yung buhay namin, or my life, is colorful as it is.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • kapuspalad1

    05/28/2012 | 01:03 PM
    makapanlait ang iba jan akala mo kagandahan at kagwapuha.. atleast may talent..walang inaapakang tao..di ko rin sya kilala..ngayon lang din nakita tong manalong eto, pero atleast kumikita..kayo po?sa mga bashers jan na sobrang ganda? wowww..!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pwearl104

    05/28/2012 | 11:07 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yan_27

    05/28/2012 | 09:48 AM
    mas guapo ang tatay nya..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    05/28/2012 | 08:23 AM
    masuwerte ka si jose ang tatay mo at nabigyan ka ng ispasyo sa pep...galingan mo ang pag arte para hindi nakadikit ang pangalan mo sa tatay mo at magkaroon ka ng sarili mong identity...mahal ng nakakaraming tao ang tatay mo kaya ingatan mo ang name nya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sanmiguel45

    05/28/2012 | 07:03 AM
    pag sabihan mo kasi nanay mo mukhang pera, ambisyosa walang pag mamahal kay jose manalo kundi pera lang . ganyan babae ay mga salbahe tulad ng asawa ni chiz escudero at coco pimentel. dapat binabato ang mga yan hangang sa mamatay tulad sa saudi. mga immoral
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Deane_2005

    05/28/2012 | 05:04 AM
    i think hindi sinusuportahan naman ni Jose yung mga anak nya kasi look at his son sa St/ Benilde pa nagtapos tapos yung tinitirhan nya sa family eh wala naman work asawa ni Jose di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MIKYA

    05/28/2012 | 05:01 AM
    2,sus may talent naman yung bata,deserving naman sya sa space jan sa taas..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • endot

    05/27/2012 | 10:09 PM
    at least nainterview ka dahil sa gulo ng nanay at tatay mo! blessing na iyan!!! pasalamat ka sa magulang mo!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/27/2012 | 10:01 PM
    oic ,anak pala sya ni Jose... hmmmm hoping na mas makilala ka pa sa larangang pinili mo. iwas droga at bisyo. GOODLUCK!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About