"Makulay na siya, para madagdagan pa," ang sabi niya.
Tinanong ng PEP kay Nicco kung pang-ilan siya sa magkakapatid; may napaulat na dalawa ang anak ni Jose from a previous marriage; at limang anak, sa asawang si Annalyn.
May inconsistency rin sa iba pang nailathala na ang sabi'y lima lang ang anak ni Jose; dalawa sa una, at tatlo kay Annalyn.
"Mahabang kuwento 'yan... [pero] ako ang panganay. First child [ako], yeah," banggit ni Nicco.
Nilinaw niyang mommy niya si Anna Lyn Manalo, ang nakahiwalayang asawa ni Jose Manalo.
"That's my mom.
"Mahabang kuwento 'yon, e! Basta, original ako! Yun na lang!" natatawang sambit nito.
A BIT MORE PERSONAL. Nagpasalamat ang PEP sa pagpayag ni Nicco na magpa-interview at magbahagi ng ilan pang bagay tungkol sa kanyang "more personal" concerns.
‘Tulad ng aniya'y pagiging independent na rin niya.
He now lives separately from his mom and siblings.
"I live alone," sabi pa ni Nicco.
Sa isang city resort daw siya namamalagi ngayon, matapos lumisan sa tahanang tinitirhan ng kanyang ina at mga kapatid.
Ayon kay Nicco, pag-aari ng pamilya nila ang exclusive village resort kung saan siya namamalagi.
Nung tinanong kung ano ang kanyang "immediate concerns," na siyang dahilan ng pakikipag-usap sa kanya ng PEP, simple lang ang tugon ng morenong young actor:
"Well... para malaman ng mga tao that I exist. I've been doing theater... magsi-six years na, e, after I graduated from college [St. Benilde]," ang sabi niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 kapuspalad1
8 pwearl104
7 yan_27
6 lefty
5 sanmiguel45
4 Deane_2005
3 MIKYA
2 endot
1 hototguy