Tulad ng maraming Pilipino, nakadama rin ng lungkot at panghihinayang ang baguhang singer-recording artist na si Garrie Concepcion sa hindi pagkapanalo ng Filipino-Mexican American Idol runner-up na si Jessica Sanchez.
"Nakakapanghinayang, pero she's already made," sabi ni Garrie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, May 25, sa Dome Restaurant/Coffee Shop at the EDSA Shangri-la Mall.
"Whether nanalo siya or hindi, for sure she's a star already!" sabi pa ng 23-year old looker.
Garrie admitted na kabilang siya ngayon sa mga milyong Pilipinong kumikilala sa tinaguriang “World Idol.”
Garrie, who is Gabrielle Julia Marie Ibuna Concepcion in real life, is the daughter of actor Gabby Concepcion with former San Juan councilor, Grace Ibuna.
Nagpa-interview sa PEP si Garrie sa pamamagitan ng kanyang talent manager/co-handler (with Boy Abunda's Backroom outfit) na si Vivian Recio, bilang patuloy na pagsusulong sa kanyang sinimulang singing career.
Nailunsad na last year ang self-titled debut album ni Garrie na ini-release ng Star Records.
Ayon kay Vivian, maganda naman ang turnout ng launch. Mabilis na pumi-pick up ang album (sales-wise) at nag-number 4 ito noong Disyembre sa Top Charts List ng Astrovision.
Kaya tuluy-tuloy lang ang magandang napasimulan ni Garrie.
Bukod sa pag-awit ay tine-train din siya sa iba pang aspeto ng show business, ‘tulad ng pag-arte at hosting.
In fact, nabanggit din ni Garrie sa PEP ang iba pa niyang mga kaabahalan sa kasalukuyan.
"Singing in corporate events... doing charity shows," sabi niya.
That afternoon, May 25, kagagaling lang daw nina Garrie at Vivian sa isang ospital. Kabilang si Garrie sa mga nagpasaya, through her songs, sa mga batang may masidhing karamdaman.
Ayon pa sa mestisahing dalaga nina Grace at Gabby, ang desisyon niyang pumasok sa showbiz at mag-record ng album ay nangyari noon pang 2010 matapos niyang maka-graduate sa college.
"We started the album, but since my stepfather died, medyo na-push back siya uli," sabi ni Garrie patungkol kay dating Congressman Iggy Arroyo, na namatay noong January 26, 2012 sa London.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
20 Hanana_tnt
19 T_Steigert
18 MissHugoBacungan
17 pinoycali_ako
16 Tofifiness
15 MissHugoBacungan
14 beyonce_gotye
13 septembersapphire
12 southerngirl1
11 p4n4lo
10 LosAngeles
9 lhettdelrosario
8 stefen
7 bagtit12
6 ClawClown
5 MissHugoBacungan
4 lhettdelrosario
3 nothing_personal
2 ClawClown
1 MissHugoBacungan