"My role as Neneng B, it’s gonna be weird na kung ako yung magiging leading lady, kasi ako ang pini-pick-up-an ng lahat ng mga lalaki, ‘tapos mapupunta ako sa kanya?” says Sam Pinto about her role in Boy Pick-Up The Movie.

Photo: Melo Balingit

Nilinaw ni Sam Pinto sa presscon ng Boy Pick Up: The Movie kagabi, May 27, na wala silang gap ni Solenn Heussaff.

Si Solenn kasi ang leading lady ni Ogie Alcasid sa pelikulang ito ni Dominic Zapata para sa GMA Films/Regal Entertainment, Inc., na ipapalabas na sa mga sinehan sa June 6.

Sa Bubble Gang kasi, si Sam ang bidang babae sa naturang pick-up segment bilang si Neneng B.

“Wala, wala,” sinabi ni Sam referring sa isyung may awayan sila ni Solenn.

Wala rin si Sam sa trailer ng Boy Pick Up: The Movie na ipinalabas during the presscon; ang nandun lang ay sina Ogie, Solenn, at Dennis Trillo na siyang kontrabida sa pelikula.

Okay lang daw kay Sam iyon.

Saad niya, “Actually, from the very beginning naman, sinabi sa akin na yung buong movie, based on Boy Pick-Up’s life outside the pick- up world.

"And kaming mga Bubble Gang cast, nasa loob lang kami ng pick-up world niya.

“So, iyon, umiikot talaga siya sa outside world, so okay lang.”

Wala siyang kahit na kaunting tampo na si Solenn ang leading lady ni Ogie sa pelikula?

“Wala naman. At saka for me naman, my role as Neneng B, it’s gonna be weird na kung ako yung magiging leading lady, kasi ako ang pini-pick-up-an ng lahat ng mga lalaki, ‘tapos mapupunta ako sa kanya?”

Mas bida si Solenn kaysa sa kanya.

“Oo nga which is good ‘coz it’s a Regal Films so…”

Contract star ng Viva si Sam.

“Mabuti nga po pumayag sila na gawin ko ito kasi nga Regal ito.”