Gelli de Belen's new show Game 'N Go is set to compete with the other networks' Sunday shows ASAP and Party Pilipinas. Hopefully, she says: “Yun na nga ang sinasabi namin na parang tama ang naisip ng TV5 na ibahin yung Sunday noontime habit ng mga Pinoy."

Photo: Noel Orsal

Biyernes, May 25 ang aktuwal na kaarawan ni Gelli de Belen.

Pero Huwebes pa lang, May 24, sa press conference ng Game‘N Go, binati na si Gelli ng mga kasamahan niya sa bagong Sunday noontime show ng TV5.

         

Makakasama ni Gelli sa Game‘N Go sina Joey de Leon, Edu Manzano, Arnell Ignacio, at Shalani Soledad. 

Kaya nang tinanong si Gelli kung ano ang birthday wish nito, ito ang kanyang sagot:

"Ang birthday wish ko, sana ang Game‘N Go will do very, very well.

         

“Masaya 'ko dahil finally, matutuloy na ang Game‘N Go and this time, kasama pa namin si Tito Joey.

"So, it should be lots of fun. Abangan n’yo, mag-iiba ang Sunday noontime habit ninyo.”

         

NEW SUNDAY SHOW. Yun nga lang, natagalan bago maiere ang Game 'N Go mula nang ilunsad ito ng network early this year. 

Sabi ni Gelli, “Oo nga, ang tagal bago kami nag-start. 

"I guess, mabuti na rin yun. It was a blessing also kasi naayos ang mga dapat ayusin. 

“Na-prepare ang mga dapat i-prepare. Mas naging shiny ang dapat shiny na dapat.

         

“It was supposed to be daily, pero okay na rin na naging Sunday siya sa laki ng show.   

“Very ambitious siya, e, noong sinabing daily. Ang dami naming games. 

“'Tapos, very metikuloso yung mga games namin, so mahirap talagang gawin.

"Naging espesyal siya dahil Sunday siya.”

         

Kung daily sana ito, ang sinasabing tatapatan nila ay ang Eat Bulaga! ng TAPE Inc. at GMA-7. Isa sa mga host nito ay si Joey de Leon.

Kaya marami ang nag-isip na dahil sa pagpasok ni Joey kaya ginawa na lang tuwing Linggo ang Game‘N Go

         

Sabi ni Gelli tungkol dito, “Even before pumasok si Tito Joey, they really thought of making it every Sunday na. 

“Siguro naisip din nila, yung daily, hindi siya angkop. Medyo big ‘to, e. 

“And then, na-enhance na lang kasi siyempre si Tito Joey is a big, big addition sa show.”         

         

CHANGE VIEWING HABIT. Ano naman ang masasabi ni Gelli na ang makakabangga naman nila ngayon ay yung mga nakasanayan na ring panooring musical-variety shows 'tulad ng ASAP ng ABS-CBN at Party Pilipinas ng GMA-7?

         

“Yun na nga ang sinasabi namin, na parang tama ang naisip ng TV5 na ibahin yung Sunday noontime habit ng mga Pinoy. 

“For the past 25 years... gaano na ba katagal? GMA Supershow pa, di ba? Para maiba naman.