[x]

“Yes, I feel pressure. But, you know, I wouldn’t be put in this place by God if it wouldn’t succeed. So, I’m pretty sure that God put us here so that we can go all the way," says Ogie Alcasid on playing the title role of his movie.

Photo: Melo Balingit

Sinigurado ni Ogie Alcasid sa lahat ng mga nagsidalong entertainment writers sa presscon ng Boy Pick-Up: The Movie na may istorya ang pelikula nila.

“Tinatanong ng iba, ‘no? Papa’no magkakaroon ng kuwento yung Boy Pick-Up: The Movie, e, napapanood n’yo sa Bubble Gang, yung pick-up lang,” simula ni Ogie sa presscon na ginanap sa Imperial Palace Suites kahapon, May 27.

“Dito, makikita n’yo yung back story ni Boy Pick-Up, sino ba siya, sa’n siya nakatira, sino ang mga kapitbahay niya, ano yung buhay niya, sino yung mahal niya, sino ang mga magulang niya…

“Doon lang talaga umiikot ang story.

“But of course, because ang core audience ng Boy Pick-Up ay lahat ng mga nanonood ng Bubble Gang, plus yung mga mahilig sa pikapistas [mga gumagamit ng pick-up lines], ginawa naming highlight yung mga pick-up-an.

“So ‘pag tinatanong n’yo sa ‘min, ‘May kuwento ba ‘yan?’ May kuwento po. There is a story.

“’Pag pinanood n’yo yung pelikula, masusundan n’yo yung kuwento. Sigurado po,” patuloy ni Ogie na siyang gumaganap bilang Boy Pick-Up.

“Ipinanganak” mula pa noong nakaraang taon, isa sa mga sumikat nang characters ni Ogie sa GMA-7 gag show na Bubble Gang si Boy Pick-Up.

“It [Boy Pick-Up, the character] came from the production team of Bubble Gang.

"They asked me what I thought of pick-up-an, as a contest.

"Sabi ko, ‘Okey ‘yan. Pero gawin natin, yung pinakadulo, yung mananalo, walang kuwenta yung mananalo. ‘Tapos tawagin natin siyang Boy Pick-Up,” kuwento ni Ogie kung paano nagsimula ang character niyang may pelikula na mula sa produksiyon ng GMA Films at Regal Entertanment, Inc.

FLIP TOP. Lumalaban at kasalukuyang hari sa “Pick-Up Battles” si Boy Pick-Up.

Inspirado ang Pick-Up Battle ng “Flip Top” at “Sunugan” rap battles na nagaganap sa local underground hip-hop and rap scene.

Katulad ng Freestyle rap battles na nagsimula sa hip-hop/rap communities sa U.S., labanan ng dalawang magaling mag-rap ang nangyayari sa Flip Top at Sunungan battles.

Pagalingan sa pang-iinsulto sa pamamagitan ng Tagalog freestyle rapping ang dalawang rappers.