news

Ogie Alcasid feels pressure from playing title role in Boy Pick-Up The Movie

by Rommel R. Llanes posted on May 28, 2012  STATS: 4306 Views | 12 Comments

“Yes, I feel pressure. But, you know, I wouldn’t be put in this place by God if it wouldn’t succeed. So, I’m pretty sure that God put us here so that we can go all the way," says Ogie Alcasid on playing the title role of his movie.

Photo By: Melo Balingit

Sinigurado ni Ogie Alcasid sa lahat ng mga nagsidalong entertainment writers sa presscon ng Boy Pick-Up: The Movie na may istorya ang pelikula nila.

“Tinatanong ng iba, ‘no? Papa’no magkakaroon ng kuwento yung Boy Pick-Up: The Movie, e, napapanood n’yo sa Bubble Gang, yung pick-up lang,” simula ni Ogie sa presscon na ginanap sa Imperial Palace Suites kahapon, May 27.

“Dito, makikita n’yo yung back story ni Boy Pick-Up, sino ba siya, sa’n siya nakatira, sino ang mga kapitbahay niya, ano yung buhay niya, sino yung mahal niya, sino ang mga magulang niya…

“Doon lang talaga umiikot ang story.

“But of course, because ang core audience ng Boy Pick-Up ay lahat ng mga nanonood ng Bubble Gang, plus yung mga mahilig sa pikapistas [mga gumagamit ng pick-up lines], ginawa naming highlight yung mga pick-up-an.

“So ‘pag tinatanong n’yo sa ‘min, ‘May kuwento ba ‘yan?’ May kuwento po. There is a story.

“’Pag pinanood n’yo yung pelikula, masusundan n’yo yung kuwento. Sigurado po,” patuloy ni Ogie na siyang gumaganap bilang Boy Pick-Up.

“Ipinanganak” mula pa noong nakaraang taon, isa sa mga sumikat nang characters ni Ogie sa GMA-7 gag show na Bubble Gang si Boy Pick-Up.

“It [Boy Pick-Up, the character] came from the production team of Bubble Gang.

"They asked me what I thought of pick-up-an, as a contest.

"Sabi ko, ‘Okey ‘yan. Pero gawin natin, yung pinakadulo, yung mananalo, walang kuwenta yung mananalo. ‘Tapos tawagin natin siyang Boy Pick-Up,” kuwento ni Ogie kung paano nagsimula ang character niyang may pelikula na mula sa produksiyon ng GMA Films at Regal Entertanment, Inc.

FLIP TOP. Lumalaban at kasalukuyang hari sa “Pick-Up Battles” si Boy Pick-Up.

Inspirado ang Pick-Up Battle ng “Flip Top” at “Sunugan” rap battles na nagaganap sa local underground hip-hop and rap scene.

Katulad ng Freestyle rap battles na nagsimula sa hip-hop/rap communities sa U.S., labanan ng dalawang magaling mag-rap ang nangyayari sa Flip Top at Sunungan battles.

Pagalingan sa pang-iinsulto sa pamamagitan ng Tagalog freestyle rapping ang dalawang rappers.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  under_rated

    05/29/2012 | 03:26 PM
    4 Darlings, nasa Starcinema ang pinaka corny na movie... okies? bwahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pepato

    05/29/2012 | 12:53 PM
    Never akong natuwa o natawa sa Boy Pick-up. We find it super corny and nonsense. Mas entertaining pa si Chehe Bureche, Muchos Grasas at Yaya and Angelina pero hindi yung movie ha yung sa TV lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  yuri_alex

    05/29/2012 | 11:00 AM
    Gusto ko may movie rin sina CHECHE BURECHE ng Bubble Gang. =
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bagtit12

    05/29/2012 | 09:32 AM
    Isang malaking pak..hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sasha19

    05/29/2012 | 04:59 AM
    Magaling si Ogie..sabagay, nagtratrabaho lang sia like a normal human being. Pero utang na loob..wala na bang ibang mas de kalidad na pelikulang alam gawin ang mga producer at artista. sia sige, nag aaliw lang ang masa dahil sa kahirapan o problema..kaya lang parang mas masarap atang paglabas mo ng sine e, may natutunan ka lang kahit konti.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gayfairy

    05/29/2012 | 02:19 AM
    dpt lang ibenta ni atty gozon ang GMA dhil s mga super flops movies and teleserye!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wrong

    05/29/2012 | 12:58 AM
    flop.... NKKLK
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kardashians

    05/29/2012 | 12:19 AM
    sa totoo lang, super duper annoying. grabe grrrr.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Darlings

    05/29/2012 | 12:16 AM
    Sinong manonood nito??? This is probably one of the corniest movie ever made in the history of Philippine movies. Itong si Ogie, lalong naging corny at OA at hindi naman nakakatawa itong Boy Pickup!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • markisrael21

    05/28/2012 | 11:31 PM
    In my honest opinion dapat hindi na ginagawang movie ang kagaya nito kasi mas OK na sa TV lang... Pag nagiging movie kasi parang sobra na or nagiging corny... parang yung yaya at angelina...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tatoyadik

    05/28/2012 | 09:40 PM
    relax muna nood na lang muna ng bpu...kaysa asikasuhin ang issue nina tulfox...LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/28/2012 | 09:02 PM
    hi ogie kumusta na si regine the jessica sanchez of the phil
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About