news

Bela Padilla comments on gap between uncle Robin Padilla and "tita" BB Gandanghari; happy about current ranking on FHM 100 Sexiest Women

by Ruben Marasigan posted on May 29, 2012  STATS: 6489 Views | 13 Comments

“'Di ba, magkapatid pa rin naman sila? And siyempre, may emotions na napi-feel nilang dalawa na kailangan nilang i-respect," says Bela Padilla when asked about the conflict between her uncles Robin Padilla and BB Gandanghari.

Photo By: Sany Chua

Matapos maging cover girl ng FHM March issue ngayong taon si Bela Padilla, dumami ang mga kalalakihang nag-aabang kung kalian naman siya gaganap sa sexy roles. 

Kapansin-pansin din na mas gumanda pang lalo ang hubog ng katawan ngayon ng Kapuso actress.

         

“Talaga? Thank you for showing interest in me,” napabungisngis na reaksiyon ni Bela nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, May 27, sa backstage ng Party Pilipinas

          

“Uhm…ewan ko. Minsan naiilang kasi ako. Parang nahihiya ako.

"Hindi ko alam kung sexy nga ba ako!” sabay pakawala niya ng malutong na tawa.

         

“A, siguro kapag right script, right project, why not? Pero hindi ko nakikitang bagay sa TV na magpa-sexy.”

           

SHE'S ON THE TOP TEN LIST. Sa latest survey ng FHM’s 100 Sexiest Women, balitang No. 7 ang ranking ni Bela.

Ano ang reaksiyon niya rito?

         

“Siyempre super happy ako. From last year’s number 77, I jumped to number 7 this year. 

         

“At nakakatuwa na no’ng first tally pa lang, number 8 na ako.  Hindi malalaki ang itinatalon ko. So, okay. 

"Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga nag-text para mag-vote sa akin. 

"Thank you so much. I really appreciate it.

         

“Sana mag-text pa kayo Kasi hanggang June 5 pa naman [ang botohan].”

          

CONTROVERSIAL COVER. Nakatulong ba sa tingin niya ‘yong pagiging controversial ng cover niya sa FHM?

Matatandaang naging usapin ang naging konsepto ng una niyang cover kung saan ay nasa gitna siya ng mga kababaihang miaitim ang balat na parang nagpapahiwatig diumano ng racism.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Bela, “I think so. In showbiz kasi, parang feeling ko, it’s really like that. 

"Parang you have to accept the controversies kasi it’s really gonna help you.”

          

Handa na ba ang loob niya na rumampa sa susunod na FHM’s 100 Sexiest Women?

             

“My gosh!” napabungisngis ulit si Bela.

            

Pinaghahandaan na ba niya ito?

            

“Naku po! Uhm, wala pa akong ginagawang preparation kasi nagte-taping kami ng Hiram Na Puso kaya lagi akong puyat. 

“Kapag pa hindi ako kumain, baka mahimatay na ako,” patungkol sa pagdidiyeta niya sana.

 

ROBIN PADILLA AND BB GANDANGHARI. Balitang hindi pa rin nagkakasundo ang magkapatid na sina Robin Padilla at BB Gandanghari.

At bilang pamangkin ng dalawang nabanggit, hindi maiwasang matanong si Bela kung ano ang kanyang saloobin kaugnay nito.

          

Apektado ba ang kanilang pamilya dahil dito?

          

“Marami nang problema at controversies na dumaan sa clan namin. Pero at the end of the day, we’re still a family. 

“So I don’t think this will gonna last so long. Maaayos din iyon.

         

“'Di ba, magkapatid pa rin naman sila?

         

“And siyempre, may emotions na napi-feel nilang dalawa na kailangan nilang i-respect. 

“So, sigurado, as of now, masyado pa silang hurt. Or hindi pa nila alam kung paano iku-confront ‘yong emotions nila.

         

“So bigyan na lang natin sila ng time. 

"They love each other,” panghuling nasabi na lang ni Bela.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  twozerofive

    06/03/2012 | 12:22 PM
    Ha?! Ano ang kaiinsecure-an sa kanya? Eh sa hinaba-haba ng istasyong pinanggalingan nito, hanggang ngayon ginagamit si robin??? Duh?! Tsaka brain? Yan na ba ang matalino sa inyo???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  mskeane_11

    05/30/2012 | 10:27 AM
    Over rated!!! Oooooppppsss! Sorry... Super Over Rated!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  funrel

    05/30/2012 | 08:31 AM
    out of topic lang,yung bang flopqueen n cnsabi ng 2 kapepster dto eh c angel locsin ba yun?kasi binilang ko yung mga flop teleserye nya at flop movies nya eh lagpas ksi sa 10 dalire ko eh lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  humandynamics

    05/30/2012 | 07:14 AM
    she's a lot smarter than we know who.. But with robin and rustom naman, as long as robin is a muslim member i dont think he will ever accept rustom.. mas masahol ata ang muslim sa christian, hindi talaga nila accepted ang homosexuality.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    05/30/2012 | 02:50 AM
    Beauty and brain?? Eh bakit nakailang tv stations? Kung hindi pa ginamit yung nanay ni Robin as padrina sa GMA noon at pati last name ay inangkin hindi pa bibigyan ng chance ng GMA? At kung hindi pa sa mga kontobersyal na kinasasangkutan eh hindi pa pag uusapan itong babaeng ito. Katulad na lang ng last few articles nito, puro si BB at Robin ang peg ng panis na ito hihihihi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • cherchezlafemme

    05/30/2012 | 12:48 AM
    she's beautiful..i mean beauty and brains. unlike the flop queen who's only pretty but not beautiful. pretty face lang puhunan pero empty ang utak. lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • misswa

    05/29/2012 | 11:27 PM
    she's very pretty
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    05/29/2012 | 08:19 PM
    Ito yung BI ni Michael Lim na nagbigay ng motibo sa lahat ng brusko ng GMA na mga taken na pero hindi siya pinansin. Panis kasi ang beauty kaya sino ang ma iinsecure sa kanya...tapos yung article noong isang araw dedma daw siya sa mga nanliligaw?? Ang tanong, meron ba namang naliligaw???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • akoydreamer

    05/29/2012 | 07:31 PM
    As if naman may care si Bela sa magkapatid and vice versa. Style talaga ng mga reporter ang magtanong ng mga tipong ganyan para readable ang article nila.Babaw naman!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • cy2

    05/29/2012 | 05:34 PM
    e2 ung babaeng kina iinsecuran ni flop queen...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • yamnt2007

    05/29/2012 | 05:16 PM
    kilala ba sya ni Robin Padilla at BB Gandanghari? sana alam nila na kamag anak ka nila ha?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    05/29/2012 | 02:24 PM
    uulitinko....wala bang mapag-usapang serye o movies kaya dapat laging idikit ang name sa mga "TUNAY" na padilla??? gawa uli ng eksena like b4 gaya ng paghahabol mo sa manok but this time oink oink sa putikan naman para mas masaya...o di kaya...sumabit ka sa bus ng mnger mo tapos gawa uli ng kwento nilock ni MR ang tent para magkaroon ka uli ng 5 minsutes fame.....hehehe ...ya n mod ha ala na ung oink oink na word ko...baka ban na nanaman yan.naku ha!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    05/29/2012 | 02:20 PM
    MOD anong ban words sa comment ko..masama bang banggitin ang oink oink at manok dito...hello!!!ku ng ung mga uod sa banga na super llibelious na ang comment pinapayagan nyo...oink oink at manok lang ban words na...hay naku...alis na nga!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About