news

Andrea del Rosario's daughter celebrates second birthday with gift-giving in Calatagan, Batangas

by Ruel J. Mendoza posted on May 29, 2012  STATS: 15991 Views | 6 Comments

“I am so happy because my baby girl turned two years old. Malaking bagay iyon para sa akin kasi muntikan na siyang mawala sa akin. Through prayers, unti-unti kong nakikita ang improvements sa health niya," says actress Andrea del Rosario about her baby Beatrice Anne, who celebrated her second birthday last May 28.

Photo By: Ruel J. Mendoza

“Parang thanksgiving na rin namin ito dahil sa magandang kalagayan ng anak ko.

“Mga bata rin ang gusto naming tulungan. Kaya every year on Bea’s birthday, ganito ang gagawin namin.

“Tuwang-tuwa nga ang anak ko kasi yung ibang mga bata doon, kalaro niya kapag nasa Calatagan kami during weekends.

“Mahilig sa beach ang anak ko kaya parating nasa tabing-dagat ‘yan kasama ang mga bata doon.”

FIRST BIRTHDAY. Hindi makalimutan ni Andrea ang naging first birthday ni Bea. May nakakabit pa noong G-tube kay Bea dahil katatapos lang nitong maoperahan.

Ayaw nga raw isipin ng aktres na hindi magsu-survive ang anak niya.

“Yung mga doctors doon, hindi na nila ako binibigyan ng false hopes.

“Direkta na nilang sinasabi sa akin that it’s a 50-50 chance na maka-survive ang anak ko.

“Kakapanganak ko pa lang, inoperahan na siya and she had four other operations after that.

“Hindi pumasok sa isipan ko na hindi aabot sa first birthday niya ang anak ko.

“Lumaban din kasi ang baby ko kaya heto siya ngayon. Parang walang nangyaring masama sa kanya.

“Kaya nitong nagdaang birthday niya, wala nang tube na nakakabit sa kanya at nakakakain na siya nang maayos.

“Halos lahat gusto niyang kainin na, pero inuunti-unti kong ibigay sa kanya para hindi mabigla ang bituka niya.”

UPCOMING PROJECTS. Pagdating naman sa showbiz career ni Andrea, may gagawin siyang TV series sa TV5; kasama rin siya sa pelikula na pagbibidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsay, at KC Concepcion sa Viva Films.

Ayon kay Andrea, “Sinabi na sa akin yung tungkol sa series sa TV5. Mga bata raw ang mga bida.

« Prev  1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • humandynamics

    05/30/2012 | 07:04 AM
    Good on you Andrea, its really time to grow up and focus on what's more important. priority ang anak at business, panghuli na lang ang bubuka ang bulaklak, sasara ang bulaklak, papasok ang reyna boom tiyaya boom.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • southerngirl1

    05/29/2012 | 08:54 PM
    Instead na magarbong birthday party, nagbigay na lang ng gifts sa mga underprivelege children. Ang ganda ng puso niya. Sana tularan ng mga kapwa celebrities. God bless you and your baby.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/29/2012 | 05:14 PM
    Nice deed, happy 2nd birthday Beatris.... More birthday to comeeeeee!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    05/29/2012 | 03:17 PM
    Good luck and God bless to both of you.... sana tuluyan na ngang gumaling si bea...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    05/29/2012 | 01:04 PM
    Andrea del Rosario goodluck n god bless...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Dennisse_01

    05/29/2012 | 01:01 PM
    happy birthday baby bea, nakikita sa bata yung kasayahan talaga. Isang makabuluhang birtday celebration, nakatulong ka pa. Ganyan sana lahat ng may pera. Buti pa si Andrea, talagang ina talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About