news

Eula Caballero on crush Ivan Dorschner. “Oo naman, sakto lang. Siyempre nakakakilig kapag may nakikita kang guwapo.”

by Rey Pumaloy posted on May 30, 2012  STATS: 6557 Views | 3 Comments

Eula Caballero says she is willing to extend support to friends who need her, more so to Ivan Dorschner: “Hay naku, si Ivan naman sinusuportahan ko siya. Bilang magkaibigan kami sa lahat ng aspect ng buhay niya, sa lovelife, sa career."

Photo By: Sany Chua

Noong May 23 pa nag-birthday ng TV5 Princess na si Eula Caballero, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ng young actress sa nangyari noong araw na iyon.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-organize ng birthday party yung mga kaibigan ko, friends from showbiz, mga ka-batch ko sa Star Factor nung gabi. 

“Pero noong umaga, I just went out with my mom. 

“Pero pumunta muna siya ng simbahan. Sinundo ko siya, pumunta kami sa mga tita ko.

“And then, noong gabi na talaga, ayun… kasi alam ko, ako yung magti-treat sa kanila. Pero sila pala yung nag-treat sa akin. 

"Kakuntsaba na nila yung mama ko, planado na pala nilang lahat. 

“Sa may Victoria Peak sa may Timog ginawa, sa Songbook. Nag-arkila sila ng isang space doon.”

Nakausap ng PEP si Eula last Saturday, May 26, sa Broadway studio ng TV5, matapos ang live guesting niya sa Paparazzi.

Patuloy niya, “Hindi ko na nga nabilang kung ilan yung bisita, kasi may aalis 'tapos may dadating.  

“Hindi naman ganun kadami, pero I’m happy dahil nandun yung lahat ng pinaka-close ko sa industriya na nakatrabaho ko. 

“Hindi naman lahat, pero halos lahat nandun. Saka yung mga bago ko lang nakatrabaho. 

“Mga friends ko... sina Kiray, nandun rin. So, I’m happy. 

"Kasi pinaunlakan nila kahit paano ang birthday ko.”

JUST FRIENDS. Wala raw sa party niya ang nali-link sa kanyang si Ivan Dorschner. 

Si Ivan ang dating Pinoy Big Brother Teen housemate naghubad sa stage noong mag-concert ang international recording artist na si Katy Perry.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • madam01

    07/30/2012 | 09:28 PM
    Eh kamukha sya ni valerie concepcion. Iha ikaw ay star - starless este starlet hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • korikz14

    05/30/2012 | 10:53 AM
    MAs lalo naman sa mga inday ng GMEW...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MarieJuanaofMissosology

    05/30/2012 | 10:11 AM
    Mas may star quality pa ito kesa sa mga istariray ng JEBS-CBN hahahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About