news

John Prats reminds current batch of PBB Teen housemates: “Hinay-hinay lang sana.”

by Nerisa Almo posted on May 30, 2012  STATS: 30942 Views | 19 Comments

“Kapag bata ka, feeling mo kapag na-in love ka… Nagdaan din naman ako diyan, akala mo ‘yon na, pero hindi talaga ‘yon,” says John Prats about the current batch of Pinoy Big Brother Teen Edition housmates.

Photo By: Noel Orsal

Katulad ng ibang manonood ng Pinoy Big Brother Teen Edition, nagugulat din ang isa sa mga host nito na si John Prats sa mga ipinapakita ng kasalukuyang batch ng housemates.

“Well, nakaka-culture shock naman talaga,” sabi ni John nang tanungin siya ng media tungkol sa mga nagiging gawi ng ilang teen housemates sa loob ng bahay ni Kuya.

Ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ay naganap pagkatapos ng story conference ng Angelito: Ang Bagong Yugto kahapon, Mayo 29.

Kapansin-pansin kasi na ang ilan sa PBB teen housemates ay parang nagmamadali pagdating sa kanilang mga nararamdaman, lalo na sa pag-ibig.

Katulad na lang nang pag-amin ni Yves Flores ng kanyang paghanga kay Myrtle Sarrosa. Nagselos naman ang kapwa housemate nilang si Claire Bercero sa pagiging malapit ng dalawa dahil hinahangaan din nito si Yves.

Kamakailan naman, umamin sina Ryan Boyce at Karen Mae Reyes tungkol sa tunay na relasyon nilang dalawa.

Dahil sa mga ganitong pangyayari, may mga pagkakataon daw na hindi mapigilan ni John at iba pang hosts na magbigay ng komento tungkol sa kanilang mga nakikita.

Ani John, “As a host, minsan hindi rin ako nakakapagpigil na magbigay ng mga komento on air, especially we’re live.

“Minsan ‘yong ibang fans ng ibang housemate, nagagalit sa amin.

“But, you know, the brighter side of it, nagiging instrumento [din kami] na magturo sa mga kabataan na huwag maging mapusok.”

Dagdag pang payo niya, “Kasi kapag bata ka, feeling mo kapag na-in love ka…

"Nagdaan din naman ako diyan, akala mo ‘yon na, pero hindi talaga ‘yon.”

Bilang dating celebrity housemate, naiintindihan daw niya kahit papaano ang mga kasalukuyang housemates ng PBB.

Saad ni John, "Ang sa akin, kapag nasa loob po kasi kayo talaga ng Bahay [ni Kuya], wala po talaga kayong… as a former housemate, wala ka talagang control.

"Kasi pagkagising mo sa umaga, tayo-tayo lang magkakasama. So, ‘yong emosyon mo, minsan nababaling lang natin sa isa.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  pepato

    05/31/2012 | 07:41 PM
    Nung umpisa nanunuod kami pero ngayon wala ng saysay. Mas okay yung kina Slater dati. Pwede ba mag-finale na sila bukas?! Sayang sa oras e. Tsk tsk tsk . . . Yung Karen kahawig na nga nung bold star dati si Maureen Mauricio tapos kita pa ang kalandian nya . . . ano ba yun!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  apayagamin

    05/31/2012 | 10:38 AM
    as if naman ang iba.. nagtatanong daw kung bakit ganito ang mga kabataan ngayon??? like duh???? mas masahol pa nga ang ibang kabataan.. dahil lang sa nagpapakita ng kanilang totoong emosyon ang mga batang eto e masama na sila?? masama na ang show?? come one... grow up.. kung sino pa ang mga nakakatanda sila pa ang walang pinagkatandaan.. as if di sila dumating sa point na ganyan.. baka nga mas mala landi pa kayo sa kanila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  gorgeous_aleck

    05/30/2012 | 10:47 PM
    totoo ba na break na kayo ni bianca? jelly ky bessie mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  merlion_25

    05/30/2012 | 09:55 PM
    uso pa ba ang PaBaBagsak show na 'to??? tapos PaN-D-a-k pa ang host. e-w-w-w-w-w!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  palachika08

    05/30/2012 | 08:01 PM
    once lang ako nakapanuod nito... these questions struck me...bakit ganito ang mga kabataan ngayon?...paano ba sila pinalaki ng mga magulang nila?...wala na ba sila iintintidihin kundi ang mag bf/gf?...dun na lang ba mag eevolve ang buhay nila?...hay!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  wa2

    05/30/2012 | 07:58 PM
    akoy nananood ng pbb halos lahat ng season,itong season na to ang hindi ko gusto...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  wa2

    05/30/2012 | 07:56 PM
    yung na out na claire makiri din,yung claudete 13 years old naka 4 na bf nagulantang nga si vice ganda don,tapos yung kit ang sayang pogi sana sya the next gerald anderson kaya lang napaka yabang ang taas ng ere sa ulo hayon na out tuloy siya,si karen makiri din sobran,ito lang total mga babae sa pbb makikire at hindi artistahin ang itsura,mga boys marami mayabang at mapusok din..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  wa2

    05/30/2012 | 07:50 PM
    mapupusok silang lahat di dapat panoorin ng kabataan,lalo na yung karen,si myrtle naman nasa loob kulo,yung kambal naman ang hindi sila kagandahan,TFC ako pero bakit ganon ang pinili nilang maging housemate,mga hindi artistahen
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  icoi

    05/30/2012 | 07:36 PM
    They seems to represent most of the teens nowadays....parang kahalayan na lang ang alam. In a way what they behave inside the house reflects the kind of upbringing they have. Iba ang grupong to sa mga naunang mga PBB Teens...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pinas48

    05/30/2012 | 05:59 PM
    Ano yun pep, Kaulad? First word pa lang,waley na. Katulad siguro,ano ba yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kokuryu

    05/30/2012 | 05:14 PM
    pero aminin, affected tayo sa mga nagaganap sa bahay....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    05/30/2012 | 05:03 PM
    helllJohn! kayo rin ni Bianca hinay-hinay ha!hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Imnaldrix

    05/30/2012 | 04:23 PM
    Bottom line sa pinapakita nang mga teen housemates ngayon puro kalandian... Gusto may ganap na may partner sa buhay hindi lang naman gumawa nang ganap na may mapupulot na matutunan sa buhay at maging proud ang magulang nila sa labas. Sa bagay makabago na naman ngayon makabago na rin ang ugali nang kabataang pinoy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SuPeRdAnY

    05/30/2012 | 03:11 PM
    in fairness, sila Karen at Claire lang naman ang may pagka malandi sa pbb teens ngayon..out na si Claire kaya si Karen na lang ang medyo kailangang bantayan talaga kasi ang bilis niyang mag fall sa lalaki at mahilig siyang magpayakap...kahit na nahahawakan na yung kung ano anong parte ng katawan niya eh bale wala lang at parang gustung gusto pa nga niya....yung kambal, at si Myrtle eh ginagamit ang isip nila at di masyado nagpapadala sa emotions nila...si Mariz naman eh wala kasing nagkakagusto sa kanya inside the house pero kung nagkataon na meron, parang madali rin siyang bumigay....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Chuserangfrog73

    05/30/2012 | 02:28 PM
    nagkataon lang na mostly malalandi ang napili sa batch ng pbb teens this year.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kokuryu

    05/30/2012 | 02:03 PM
    nakakaloka talaga. coz iba na talaga ang mga teens ngayon at di na kasalanan ni kuya yon coz ganun na siguro ngayon ang mga kabataan. ang laaaaaaayo na kesa sa time namin noon. kaya guilty pleasure ang pbb teens now.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • paminchever4u

    05/30/2012 | 01:34 PM
    iba na tlaga ang panahon ngayon... wag i-compare ang 2012 sa 80's kaloka... un na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tinky

    05/30/2012 | 01:26 PM
    iba na talaga mga kabataan ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/30/2012 | 01:21 PM
    unsolicited advice pwwwwwwwwweeeeeeeeeeeehhhh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About