news

Jackie Rice on having a sexy image: “Okay lang sa akin yun. Hindi naman ako gumagawa ng illegal."

by Rose Garcia posted on May 30, 2012  STATS: 10531 Views | 18 Comments

Compared to her serye Sisid before, Jackie Rice says her role in Kasalanan Bang Ibigin Ka? is more mature: “Sa Sisid, sexy ang role do’n; pero dito, mas matured."

Photo By: Noel Orsal

Iisa ang napansin ng halos lahat ng makakita kay Jackie Rice, ang bida ng bagong panghapong teleserye ng GMA-7 na Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

Kung payat siya noon sa huling labas niya sa Sisid, mas obvious ang kapayatan ni Jackie ngayon.

Talaga nga bang nagpapayat siya nang husto?

         

Paliwanag ni Jackie, “Nag-e-exercise na kasi ako ngayon. Boxing, nag-scuba rin ako, swimming...

“Sobrang nakakapayat siya. Maganda naman ang pagkapayat, di ba? 

“Tinatanong ko nga sila, ‘Pangit ba, bagsak ba ang pagkapayat?’ Hindi naman daw. 

“Kasi yung iba, parang haggard ang pagka-payat. Pero kapag sinabayan mo ng exercise, mas maganda—mas bongga ang effect.”

         

Pero hindi raw niya alam ang eksaktong timbang niya ngayon.

         

“Sabi nga nila, sabi nga ni Direk Mark Reyes, ‘Jackie, may 100 [lbs.] ka ba?’ Siguro po meron. 

“Sabi niya, ‘Parang wala kang 100. Sabi ko, ‘Siguro po 100 kasama ang damit.”

         

EIGHT MONTHS. Umabot din ng halos walong buwan na wala siyang teleserye pagkatapos niyang gawin ang afternoon soap na Sisid.

         

“Matagal… wala. Nag-boxing lang, nag-scuba.

"Nag-try ako ng firing, pero hindi ko kinaya. Puro sports lang,” sabi niya.

         

Hindi ba siya nagtanong kung bakit natagalan bago siya mabigyan ng kasunod na project noon?

         

“Kung magtatanong ako, parang unfair naman. Siyempre, sunud-sunod ako dati.

“Kasi, wala namang dahilan para hindi ako mabigyan ng show. 

“Sabi naman nila, maganda ang feedback ng Sisid, mataas ang rating, tumatak siya talaga sa tao. So, yun.”

         

Hindi ba siya nagtaka na sa kabila ng mataas na rating ng Sisid, hindi siya nagkaroon ng follow-up agad?

         

“Hindi, kasi tuluy-tuloy naman before that. Nag-Ilumina ‘ko, nag-Darna rin ako noon. 

“Pero hindi ko rin naman ine-expect na eight months. 

“Kaya lang, noong hindi ko ine-expect na eight months, sana nagpunta ‘ko ng States.

         

“Actually, may Bubble Gang naman po ako, so nothing to worry naman.

"Hindi naman po ako pinabayaan talaga ng GMA.”

         

ADULT THEME. Sa Kasalanan Bang Ibigin Ka, siya ang pag-aagawan ng mag-amang sina Michael de Mesa at Geoff Eigenmann sa istorya.    

Sabi ni Jackie, mas mature ang tema nito kumpara sa ginawa niya noon sa Sisid.

         

“Mas matured. Sa Sisid, sexy ang role do’n; pero dito, mas matured... hindi ko ma-explain. 

“Ginugulo ko ang buhay nilang mag-ama. Pero mabait ang role ko dito.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  gorgeous_aleck

    05/31/2012 | 07:32 PM
    kung ano anong excuses ng kafamily kesyo mga katulong ang natitira sa bahay kaya malakas ang pang hapon ng gma. loser talaga. aminin kasi na vulok ang kafamily gold niyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  smart_globe

    05/31/2012 | 05:20 PM
    GAYma SHOWS- lahat BASURA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  alexangel

    05/31/2012 | 05:01 PM
    what's the title of megan young's new soap again? hiyas! nakakaloka, title pa lang parang s0ftp0rn na! hahaha! at least sa dramarama maayos ang mga show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  Speed_OfLight

    05/31/2012 | 01:08 PM
    GAYma daw. walang originality. orig ang Gaybs-cbn. talagang mag-katunog, di pilit. Ha Ha Ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  smart_globe

    05/31/2012 | 11:52 AM
    im sure mataas ratings nito. daming katulong ang naiiwan sa bahay pag wala ang amo. mataas nga ratings. wla nmn commercial. hndi sikat ang bida. hanggang GAYma compound lang. sikat lng yan sa squatter,, eew
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  iam_brainful

    05/31/2012 | 06:57 AM
    hotoguy .. hinde mo ako naintindihan,.. hirap mo naman magcomprehend, tagalog na tagalog na nga commetn ko, wla naman kaong sinabing MARAMING kabataan sumusubaybay sa GMA, hinde ko rin sinabi na a buong bayan nanonood sa GMA. .. God.. use ur brains ok?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  BERNARD2010

    05/30/2012 | 10:46 PM
    Mas maganda sya ngayon.Na miss ko tong girl na to.Ang galing galing nya sa SISID.Sana isama sa cast si DOMINIC ROCO.Kinilig ako sa mga eksenang magkasama sila.Parang tutoo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  hototguy

    05/30/2012 | 10:13 PM
    Another top rating drama sa hapon after Good Daughter ni Ms Padilla.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  hototguy

    05/30/2012 | 10:10 PM
    welcome back Jackie, next time hwag ng aangal pag madaming project para tuloy-tuloy lang ang buhos. 8 months ka tuloy nawalan ng drama show. tignan mo si Iwa, nagluka lukahan sa lalaki, ayun di na mawari ang career.... padausDOS na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/30/2012 | 10:08 PM
    im am... aminado ka na ngayon na maraming sumusuporta sa mga shows ng KAPUSO NETWORK? kc base sa sinabi mo na maraming kabataan ang sumusuporta sa mga GMA shows, sa daming nakatutok sa GMA7, napapabayaan ang ekonomiya hahahaha!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    05/30/2012 | 09:53 PM
    congrats Jackie Rice. Aabangan namin 'to sa GMA Pinoy Tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    05/30/2012 | 08:05 PM
    buti naman at bumalik na c jackie. na miss ko siya. sinubaybayan ko talaga ang sisid online. good luck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams31

    05/30/2012 | 07:34 PM
    Wala ata c hugo? Ang tagapagtanggol ng mga talent ng GMA!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jeac3

    05/30/2012 | 06:54 PM
    Good Luck....Jackie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    05/30/2012 | 06:43 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    05/30/2012 | 06:42 PM
    jackie rice na, ulam pahhhh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purong_kapamilya

    05/30/2012 | 06:39 PM
    ang tanda na nyang tingnan ano ba yan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    05/30/2012 | 06:12 PM
    Yak another kalandian soap na naman on national tv, kaya bumabagsak ekonomiya naten kasi eto pinapanood ng kabataan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About