news

Richard Gutierrez on mom Annabelle Rama's plan to run for Congress: “Kung nasa puso naman niya, hindi naman namin siya puwedeng pigilan."

by Rey Pumaloy posted on May 31, 2012  STATS: 5423 Views | 28 Comments

“Iniisip kasi namin na yung politics na, siyempre, you have to consider the good side, pero yung negative side of it rin. Kaming nagmamahal sa mom namin, pinapaalam lang namin sa kanya on both sides—positive or negative. Pero at the end of the day, siya rin ang magde-decide, e," says Richard Gutierrez about his mom Annabelle Rama's decision to run as representative of Cebu in 2013 elections.

Photo By: Noel Orsal

Handa na si Richard Gutierrez na sumabak muli sa drama sa pamamagitan ng bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Makapiling Kang Muli, na idinidirek ni Ricky Davao.

Leading lady ni Richard dito si Carla Abellana. Ang iba pa nilang kasama sa cast ay sina Mark Anthony Fernandez, Sarah Lahbati, TJ Trinidad, John Lapus, Phillip Salvador, Robert Arevalo, Rio Locsin, Mark Gil, Jennica Garcia, Janine Gutierrez, Paolo Paraiso, Dominic Rocc, Rocky Gutierrez, at si Ms. Gloria Romero.

“Madami na kaming nakunang eksena, mostly na kaeksena ko si Carla,” simula ni Richard sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Makapiling Kang Muli noong Martes, May 29, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Patuloy niya, “At marami na rin kaming mga drama scenes ni Carla at ni Sarah rin. 

“Inaabangan ko rin kasi yung mga eksena na kasama si Tita Gloria Romero at si Mr. Phillip Salvador, na first time kong makasama sa isang teleserye, na napakahusay na mga artista.

“May mga eksena rin ako with Ms. Rio Locsin na drama rin. So, abangan nila yun.” 

VETERAN ACTORS. Inaasahan daw ni Richard na may matututunan siya mula sa kahusayan ng mga beteranong artista na kasama niya sa teleserye.

“I’m very blessed to be surrounded with great actors, mga veteran actors na mahuhusay. Kasi natututo kami sa kanila, e. 

“Actually, hindi na nila kailangang sabihan na tuturuan. Basta ‘pag nag-obserba lang kami sa kanila, marami kaming natututunan.

“And we’re thankful dahil gina-guide rin kami, gina-guide kami ng aming director na si Mr. Ricky Davao.

“And, of course, yung ibang artista. So we’re in good hands.”

Katulad ni Carla, napi-pressure din daw si Richard sa tuwing makakaeksena niya ang mga veteran actors.

“Of course, napi-pressure rin. But more than that, it’s the excitement. 

“I’m very excited to have a scene with Tita Gloria Romero… to have a scene with Mr. Phillip Salvador dahil mga haligi sila ng industrya natin. 

“Ang sarap lang ng feeling na makakaeksena ko sila. I’m looking forward to it,” saad niya.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

28 Comments

  • 28  shellphone

    06/01/2012 | 08:24 AM
    oh please pag nanalo ang mother mas lalong lalaki ang ulo nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  myca_bag

    06/01/2012 | 08:13 AM
    dapat dito kay anabel tumakbo sa palengke hindi sa congress.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  jimmycrackcorn

    06/01/2012 | 06:16 AM
    Sige takbo Annabelle hindi ka rin naman mananalo diba sinubukan na rin ng asawa mo pumasok sa politics noong early 90's hindi rin nakalusot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  myrth

    06/01/2012 | 01:55 AM
    hoy tsu tsu ni richard,tabi tabi ka dyan pag nalaos na yan madaganan ka ng kabayo.pisak mukha mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  alexitorin

    06/01/2012 | 12:53 AM
    Napanood ko sa TV Patrol ang pagngangawa ni Annabelle na nasa kalsada pa naman at galit na galit na hinahamon si Nadia ng sapakan. Ito ba ang iboboto ninyong congresista ng bayan ninyo ?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  thor23

    06/01/2012 | 12:47 AM
    Jun lalin Panay comment natin ah. Hehhehe. Sige takbo Lang Annabelle di ka naman mananalo eh. Sa sobrang sama ba naman ng ugali mo eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  apayagamin

    05/31/2012 | 11:50 PM
    ngek inappropriate ba ung sinabi kong the philippines will be better without his family in the show-business?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  apayagamin

    05/31/2012 | 09:58 PM
    kaya naman lalong naghihirap ang bansa natin dahil kung sino sino na lang ang pwedeng maging pulitiko.. sht kayong pamilya kayo... get l ost all of you.. the PHilippines will be better without your family in the show businezz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  hototguy

    05/31/2012 | 09:06 PM
    Palaos? hehehe ung iba natuto lang magtype pero di nakakaintindi ng tinatype nila. Alam mo ba ang ibig sabihin ng LAOS, ito ung dating sikat na hindi na tinangkilik pa. e si Richard naman ay palaging toprater ang mga shows nya. One of the MOST Bankable star ng GMA7. nganga na lang kayo at baka masipa kayo ng kabayo ni Chard!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  hototguy

    05/31/2012 | 09:03 PM
    gwapo talaga c chard, kabado na naman ang kachuuu at may bago na naman putahe ang KAPUSO network. GOODLUCK CHARD!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  myrth

    05/31/2012 | 08:32 PM
    PALAOS NA RIN ITO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  myrth

    05/31/2012 | 08:32 PM
    BAKIT? KUNG PIPIGILAN MO BA NANAY MO, MAKAKAYA MO PIGILAN? HINDI UY! LAHAT KAYO UNDER NYA.KAYA YES LANG NG YES KAYO SA PAMILYA NYO. LAKAS NG LOOB NAMAN NG NANAY MO.WAWA NAMAN BANSA NATIN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  puckerlips143

    05/31/2012 | 07:48 PM
    paktay na ang pinas me fluent na englisera sa senado si mirriam pag nagkataon me daldakinang bisaya sa kongreso bwahahaha magiging circus ang kongreso lol. Ay annabelle bahala ka pag nanalo ka meaning ibinoto ka sa distrito nyo ayyyy goodluck.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  pinas48

    05/31/2012 | 03:21 PM
    Dominic Rocc ba yan pep o Roco?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  lostris

    05/31/2012 | 03:18 PM
    matatalino naman siguro mga taga cebu....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  flourpower

    05/31/2012 | 02:36 PM
    pag mga ganyang tao ang nananalo, masasabi mo talaga na ang pinoy eh kulang sa edukasyon...at wala ng pag-asa pang umunlad. hay, kaka-frustrate naman talaga ang pinas. sana magbago na ang taumbayan dahil hindi naman mananalo ang ganyang klase ng kandidato kung hindi iluluklok ng tao eh. tignan mo si manny, imbes naglilingkod sa gensan, ayun, nag-eensayo para sa boxing. hindi naman pinoy ang makikinabang sa makukuha nyang pera sa boxing eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  TVviewer

    05/31/2012 | 02:01 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  jojomlndz

    05/31/2012 | 01:37 PM
    Am sure nasapuso ng Madam ang pasilibihan ang sarili nyang interest. Pwede ba, sobra na talaga pamilya nyo, kailan ba kayo titigil sa mga pinaggagawa nyo... huwag nyo ng idamay ang mga taga cebu sa mga gawain nyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  lolay

    05/31/2012 | 01:29 PM
    No qualifications required to run for office sa Phils? No wonder bagsak ang sting bansa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • soy_tu_duena

    05/31/2012 | 01:16 PM
    i love u chard..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About