news

Mark Anthony Fernandez on mom Alma Moreno's Senate bid: “Alam ko doon siya magaling, doon siya kumportable, kaya pabor po ako sa kanya."

by Rose Garcia posted on June 1, 2012  STATS: 40918 Views | 21 Comments

Mark Anthony Fernandez plays ala-western kontrabida role against Richard Gutierrez in GMA-7's new teleserye Makapiling Kang Muli. He describes his role in the soap: “Kontrabida ako rito. Pero okay siya, challenging at saka ma-action ng konti. Cowboy-cowboy kami  rito."

Photo By: Noel Orsal

Mula sa pagiging sobrang bait niya sa Munting Heredera, ngayon ay kontrabida naman siya sa bagong primetime series ng Kapuso network, ang Makapiling Kang Muli.

         

Ikinuwento ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bagong role niya sa press conference ng Makapiling Kang Muli noong Martes ng gabi, May 29.

“Kontrabida ako rito. Pero okay siya, challenging at saka ma-action ng konti. Cowboy-cowboy kami rito.

         

“Sa Munting Heredera, mabait naman. So, para maiba naman. At saka masaya.

“Masayang gumawa ng action at saka masaya rin naman na para maiba naman kung ano ang gagawin.”

         

Hindi naman siya yung actor na madalas ay kontrabida ang ginagawa.

         

“Hindi naman. Bale pangatlo ko ‘to.

"Una yung You and Me Against the World, Kamandag, at saka ito pa lang naman.”

         

RICHARD & SARAH. Ito naman ang pangalawang pagsasama nila ni Richard Gutierrez. Una silang nagkasama sa Kamandag.

         

“Actually, parang wala namang nabago. Noong nagkita kami, warm lang. 

“Yung mga nakatrabaho ko dati, noong nagkita kami, warm lang, very light ang trabaho.

“Sanay na rin kami kahit papaano sa isa’t isa,” sabi ng aktor.

         

Saan siya mas kumportable—bilang leading man o kontrabida?

         

“Kung ano ang ibigay na assignment sa akin, homework, doon ako.  Kahit ano, e.”

         

Ang first time daw sa kanya dito sa Makapiling Kang Muli ay ang kanyang leading lady—ang StarStruck winner na si Sarah Lahbati.

         

Sabi ni Mark, “Si Sarah, ano siya… hungry for talents. At saka nag-i-strive talaga siya.

“Mukhang magaling siya. Very professional siya as an artista.”

ALMA MORENO’S PLANS. Tinanong ng PEP si Mark sa saloobin nito sa napipintong pagtakbo bilang senador ng kanyang ina na si Alma Moreno. 

Sabi ni Mark, “Alam ko doon siya magaling, doon siya kumportable, kaya pabor po ako sa kanya. 

“Alam ko kasi na doon siya kumportable at doon ang talino niya.”

         

Sa pamamagitan ng text message lang daw niya nalaman ang planong yun ng mama niya.

         

“Sa text ko nalaman. Sabi ko nga, ‘A, talaga?’ 'Tapos yun, text-text na lang.”

         

Okay ba siya sa desisyon ng mama niya?

         

“Well, noong una, parang delikado. Parang ayoko yata, ganoon. Unang-una, may [Chief Justice] Corona issue pa. 

“Bising-busy pa sila do’n kumbaga. E, kanina lang, napanood ko, parang okay na pala ang Corona issue."

Ang tinutukoy ni Mark ay ang pagkaka-impeach ni Chief Justice Corona pagkatapos makakuha ng 20 Guilty votes mula sa mga senator-judges.

“So, sa loob-loob ko, hindi sila ganoon ka-hectic ngayon.

         

“So, baka sakali, makapuwesto sila.”

         

Paanong suporta ang ibibigay niya sa kanyang ina?

         

“Basta sinabing okay na mag-campaign, siyempre doon kami susuporta.”

         

Naniniwala ba naman siya sa kakayahan ng mama niya na maging senador?

         

“Of course, yes,” may diin niyang sabi.

         

Nakahanda na ba sila sa mga posibleng tira at panlalait na posibleng maibato sa ina niya kapag tumakbo na nga ito bilang senador? 

Ayon kay Mark, “Alam ko si Mama, handa na. Pero ako, sumusuporta lang naman ako.”

CLAUDINE BARRETTO INCIDENT. Natanong din si Mark kung ano ang masasabi niya tungkol sa airport incident na kinasangkutan ng dating girlfriend nitong si Claudine Barretto kamakailan lang.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  Sunflower

    06/04/2012 | 06:35 PM
    Mga shows mo lang Mark ang pinapanood namin sa Gma. Inaabangan na namin ang Makapiling Kang Muli.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  shiffu

    06/03/2012 | 12:40 PM
    favorite actor ko si mark anthony. more than his good looks napakagaling na actor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  Jabo_2006

    06/03/2012 | 10:22 AM
    Pag show mo sa Gma pinapanood namin kasi worth watching naman talaga. Magaling ka kahit ano role at guapo pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  classical

    06/02/2012 | 02:05 PM
    Will watch Makapiling Kang Muli kasi napanood ko ang trailer sa tv ang galing galing ng acting mo Mark.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Yaris08

    06/02/2012 | 08:30 AM
    Very talented and versatile actor, one of the best really. Mark you are good at what you do keep it up. We are looking forward to your new show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  brighton88

    06/02/2012 | 07:28 AM
    Definitely one of the freshest face in showbiz and a very, very good actor to boot. I'm glad mapapanuod na naman kita sa TV. More power to you Mark.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  muchos_grasas

    06/02/2012 | 04:39 AM
    Sabihin mo sa mama mo kung tatakbo sa Senate, maawa sya sa Pilipinas tama na 3 artista sa senate, ok lang tumakbo ka sino kayang partido kukuha sa yo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  Sirikit

    06/02/2012 | 02:10 AM
    Simply one of the most remarkable actors of his generation indeed. Nakita ko sa teaser ang galing talaga ni Mark umarte at ang pogi mo ngayon sobra.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  brainfultoo

    06/02/2012 | 01:38 AM
    kung ikaw ang kontrabida sa bago mong teleserye, ikaw na mark the best ka, ikaw na ang kontrabida ko araw araw! hanggang ngayon tinitilian pa rin kitaaaaaaaaaaaaaaaaa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Maynila

    06/01/2012 | 07:13 PM
    May aabangan nanaman kami sa iyo gabi gabi. Gusto kita Mark kasi magaling ka umarte at siempre gwapo. Napanood ko noon ang You and Me Against the World kasama mo sina Kris Aquino at Robin Padilla sa movie. Sana gumawa ka naman ng movie kasi maraming may gustong mapanood ka sa sinehan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  camelotte

    06/01/2012 | 06:44 PM
    one of the best actors we have and so handsome too.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  silverline

    06/01/2012 | 06:29 PM
    Ganda ng combination ng genes nina Rudy at Alma. Mark bakit parang di ka tumatanda? i saw you in person ang gwapo mo talaga and sobrang mabait. Walang ka ere ere very humble.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • newark

    06/01/2012 | 03:40 PM
    The total package - incredible talent, great personality, handsome good looks. All the best Mark!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pygmy

    06/01/2012 | 03:11 PM
    Si Mark parang mga hollywood actors kung kailan nagkaedad saka sumikat ng husto. Mas tinitilian pa nga siya ngayon kumpara noon sa gwapings. God bless you and your family always. Panonoorin namin ang bago mong show sa GMA 7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Stantiel

    06/01/2012 | 01:51 PM
    Apparently you'll support her no matter what 'coz she's your mom. But then, I still don't think people have confidence in her ability to be a Senator. Anyway, I'll really watch your show and I'm sure, you'll deliver an excellent acting as always. I have to agree that as you mature, you're becoming better than ever. ... and even looking kinder. For that, people are liking you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pygmy

    06/01/2012 | 01:43 PM
    one of the best actors of his generation. pwera sa magaling na artista habang tumatanda si mark anthony lalong gumagwapo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolmint

    06/01/2012 | 01:26 PM
    Gwapo at magaling umarte!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • oldtimer07

    06/01/2012 | 01:22 PM
    We will support your mom, Ms. Alma Moreno for Senator. As the incumbent President of the Philippine Councilors League, she is more than qualified to run for the office.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • StocksAndBonds

    06/01/2012 | 11:07 AM
    He's one of the very few who has the combo of looks and talent! Walang kupas sa itsura at galing! Yummy pa rin si Mark!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jamby03

    06/01/2012 | 10:47 AM
    one of the best actor of his generation..compare to his co Guwapings siya lng hindi tumatanda.Good Luck Mark!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About