news

Janine Gutierrez on possible reconciliation of parents Lotlot de Leon and Ramon Christopher: “I wish. Pero tanggap na rin po namin na malabo pong mangyari.”

by Rose Garcia posted on June 1, 2012  STATS: 21065 Views | 18 Comments

Janine Gutierrez carries with her lessons learned from being related to celebrities as she joins the intriguing world of show business. She tries to take everything in stride: “Marami po kasing feeling na yung pag-aartista, puro glamor lang. Yung puro pagpapaganda, pero mahirap din po siyang trabaho."

Photo By: Noel Orsal

Sa bagong primetime series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli, gumaganap na kapatid si Janine Gutierrez ng kanyang real-life uncle na si Richard Gutierrez.

Ang Makapiling Kang Muli din ang maglulunsad kay Janine sa kauna-unahan niyang soap opera simula nang pumirma siya bilang isang Kapuso star.

         

Masaya si Janine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Makapiling Kang Muli noong Martes ng gabi, May 29, sa GMA-7.

Aniya, “Nakakatuwa nga po kasi I’ve been looking forward to it. Nakakatuwa po at more pa, kasi kasama ko si Richard. 

“'Tapos, si Direk Ricky Davao. Si Papa [Ramon Christopher], nandiyan din po.

         

“So, it’s very saya po sa taping. Kumportable. Natuwa po ako na sinama nila ako dito.

         

“It was easy to adjust in taping 'tapos alaga po nila ako. Yun po.”

         

NEW LOVETEAM. Pero noong pumirma siya ng kontrata sa GMA-7, may naging expectation ba na lead role siya unang ilulunsad?

         

“Siguro po, kahit sino naman pong bagong artista, magiging suwerte kung pagsabak agad, bida agad. 

“Pero I’m thankful naman po sa mga ibinibigay ng network sa akin,” sabi ni Janine.

         

Si Benedict Campos daw ang naririnig niyang tila ipapareha sa kanya dito sa Makapiling Kang Muli.

         

Personally, gusto ba niyang makilala rin na may ka-loveteam?

         

“Hmmm, dito po or in general? Hindi ko pa rin po alam kasi hindi ko pa po nae-experience so I don’t know which is better.  

“Pero I guess, bahala na po.”

         

Sa mga nakikita niyang mga loveteams, nae-excite ba siya?

         

“Nakaka-excite din po kasi never pa akong nagkaka-loveteam.”

         

May naging realization ba sa kanya na ganito pala ang showbiz?

         

“Marami po kasing feeling na yung pag-aartista, puro glamor lang. Yung puro pagpapaganda, pero mahirap din po siyang trabaho. 

“I knew that naman kasi sila Mama [Lotlot de Leon] at sila Papa [Monching], nakita ko rin naman na nagpupuyat yun when I was growing up.

         

“At saka yung schedule po, di ba, kakaiba? Hindi siya regular. 

“Parang ngayong nandito po ako, mas lalo kong na-realize na it’s hard work. 

“Kailangan pagbutihin mo pong talaga ang mga opportunities na ibinibigay sa ‘yo kasi doon ka po mapapansin at saka doon ka rin gagaling.”

         

SHOWBIZ INTRIGUES. Sa mga mararanasan niyang intriga, ano ang mga payong ibinibigay ng mga magulang niya?

         

“Naku, sana hindi po!” natatawa niyang sabi.

         

“Pero noong bago pa lang po akong mag-umpisa, yun na rin po ang warning sa akin. 

“At saka na-experience ko rin naman po noong maghiwalay sila kasi dati, bigla na lang may darating sa bahay. 

“Talagang na-experience ko na maraming nag-aakala. Kung makapagtanong akala mo alam na nila ang sagot.

         

“Siguro okay na rin po na na-experience ko yun dati. At least ngayon po, I know what to expect. 

“Basta they always remind lang na kailangan mag-isip nang mabuti bago sumagot.  

“Kung hindi mo alam ang sasabihin, huwag na lang magsabi ng kung anu-ano.

         

“It’s hard po, minsan natu-twist po ang words mo, di ba? So, kailangan po maingat.”

PART WAYS. Matagal na ring hiwalay ang mga magulang ni Janine. At bilang panganay, kumusta na sila?

         

“Ano pa lang po ako noon, 13, magha-high school pa lang po ako noon. Matagal na rin po, ‘no? 

“Minsan, hindi ko nga po naiisip na ganoon na katagal. Pero ayun, at first, it was very hard po. 

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  pinay_i2

    06/05/2012 | 06:26 AM
    I never liked Ate Guy, but I love Lotlot and Matet. Now I saw this beautiful girl, i think I'll be her avid follower. ONE THING i'VE NOTICED FROM HER, PARANG MAHIYAIN SIA. i HOPE THEY WILL DO A REMAKE OF PRINSESANG GUSGUSIN, HER ON THE TITLE ROLE...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  kazumi_yumi

    06/02/2012 | 12:45 AM
    She looks so much like the girl from pretty little liars, gandang bata, lotlot and monching made a beautiful offspring..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pearl102

    06/01/2012 | 11:50 PM
    Kudos to Lotlot and Monching sa magandang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak kahit pa hiwalay na sila. I think mahal pa rin ni Monching si Balot and vice versa kaya lang wala siyang magawa dahil wala naman siyang permanenteng trabaho kaya lagi na lang sumusunod sa saya ng kanyang mamita. Si Lotlot ay mabuting anak kay Nora, mabuting ina sa kanyang mga anak, masipag at matinong babae...wala kang maririnig na bad issues aside doon sa marriage nya. Goodluck sa yo Janine...love your mother the MOST
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  pearl102

    06/01/2012 | 11:48 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  Clara Pastor

    06/01/2012 | 03:40 PM
    soon she'll be a big star of gma,,,more workshop and appearance on the tv,makikilala sya ng husto,,basta she just stay humble and always stay foot on the ground..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Dennisse_01

    06/01/2012 | 02:51 PM
    wow, parepareho na ang comment ahhh, maganda talaga ang girl na ito...parang gusto ko ang show na ito...panoorin ko para sa iyo girl...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  empress_mortal

    06/01/2012 | 02:34 PM
    Ganda nya...good luck Janine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Stantiel

    06/01/2012 | 02:00 PM
    Very beautiful! Marian, Lovi, Sarah and Janine - wow sa ganda! San ka pa?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  alexangel

    06/01/2012 | 01:35 PM
    katuwa naman si janine 'it's very saya po sa taping'. hahaha! i like this girl. dapat role nya yung parang kikay na maarte pero mabait.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • swanlakegirl

    06/01/2012 | 01:00 PM
    Educated and pretty na bata good luck Janine
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissSummer

    06/01/2012 | 12:39 PM
    omg pretty
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • msshucoban

    06/01/2012 | 12:00 PM
    ganda
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    06/01/2012 | 11:51 AM
    gandang bata. Tisay. hawig nya si donna cruz. buti di kamukha nu pilita at nurah. He He He.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • StocksAndBonds

    06/01/2012 | 11:09 AM
    Doll in human form. So she's got the looks, the brains, the breeding, let's see if she's got the talent too! Good luck Janine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mccec65

    06/01/2012 | 09:43 AM
    maganda pag palaki sa magka kapatid na ito. good job!!!! if only the children of anabelle got even half of the good manners of lotlot_monching's children.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    06/01/2012 | 09:29 AM
    maganda at magalang..............sipagan mo lang iha para maging successful ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • elaienai

    06/01/2012 | 09:29 AM
    We like her....maganda and tulad ng mga magulang niya, with sound Filipino values! We pray that she will be successful in her chosen field of work, showbusiness!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kagandahantalaga

    06/01/2012 | 09:20 AM
    gandang bata nito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About