news

Bianca Manalo confirms breakup with John Prats

by Nerisa Almo posted on May 31, 2012  STATS: 102922 Views | 65 Comments

“Okay naman kasi mas nakakatuwa naman na iba naman yung trabaho niya, iba naman trabaho ko,” says John Prats about his relationship with girlfriend Bianca Manalo, hours before the latter admitted their breakup on Bandila last Wednesday, May 30.

Photo By: Noel Orsal

Dalawang linggo nang hiwalay ang magkasintahang Bianca Manalo at John Prats.

Ito ay kinumpirma mismo ng dating beauty queen at Aryana actress sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bandila kagabi, Mayo 30.

Hindi ibinigay ni Bianca ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni John.

Matatandaan na unang naugnay ang pangalan ni Bianca kay John noong Hunyo 2011, nang magkasama pa sila bilang mga hosts ng ABS-CBN noontime show na Happy Yipee Yehey!.

Si Bianca kasi ang itinuturong dahilan ng pakikipaghiwalay ng dancer-actor sa singer na si Rachelle Anne Go.

(CLICKE HERE to read related article)

Ilang buwan ang nakalipas, lumabas na rin sa publiko ang dalawa at inamin ang tunay na relasyong namamagitan sa kanila.

(CLICK HERE to read related article.)

CLEARING SUNSHINE’S NAME. Matapos ang halos pitong buwan na pagiging magkasintahan, lumabas naman ang bali-balitang pinagseselosan ni Bianca ang pagiging malapit ng boyfriend niya sa kasamahan nito sa Banana Split, ang SexBomb dancer na si Sunsine Garcia.

Subalit itinanggi ito ni Bianca sa kanyang panayam sa telepono sa Bandila. Si John daw ang nakipaghiwalay sa kanya.

Sa hiwalay na interbyu kay Sunshine ng Bandila, walang ideya ang dancer kung bakit nadadawit ang pangalan niya sa hiwalayang Bianca at John.

Nagtataka niyang sabi, “Hindi ko alam kung paano lumabas ang balitang ito. Wala akong ideya kung sino… bakit ako?”

Tungkol naman sa lumalabas na balita tungkol sa “sweet photos” nila ni John, ito ang reaksiyon ni Sunshine:

“Sa natatandaan ko, wala kaming pictures ni John Prats, na sasabihin mong sweet na hindi kaugnay sa trabaho. Kung may picture man kami, siguro iyon yung mga scenes.”

Nakiusap din ang dancer na tigilan na ang pagdawit ng pangalan niya sa isyu nina Bianca at John.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

65 Comments

  • nugget

    05/31/2012 | 10:00 PM
    exchanging partners ang uso sa kanila, sino kaya ang karigodon nila...hmmmm...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • usyuseroNumeroUno

    05/31/2012 | 09:59 PM
    I think John has to be careful in commiting in a relationship. Kasi, he's hurting so many women with all his tricks... I feel bad for all these women who got involved with him.. they invested a lot of feelings... pero in the end, di naman sure si John Pratts... hayyss..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    05/31/2012 | 09:56 PM
    andito na naman c braindead. ano naman ang kinalaman ng breakup nila sa network war? anyway, bumalik rin ky bianca ang ginawa niya kay rachelle ann.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BambooChut

    05/31/2012 | 09:39 PM
    Karma!!! Style ni John pag sawa na bye bye na, Parang yung ginawa Niya Kay Rachelle Ann, Di Niya Alan break na sila ang dahilan si Bianca beauty queen, o Ayan Di ba? Ganti Ganti Lang yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    05/31/2012 | 09:33 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About