news

Sarah Lahbati on posing sexy for a magazine cover: “There are other ways para rin mapaganda yung career aside from posing for men’s magazine.”

by Rose Garcia posted on June 1, 2012  STATS: 9222 Views | 17 Comments

Sarah Lahbati possesses a beautiful face and attractive body so it's not surprising that she gets pictorial offers from men's magazines. Lately, she has turned down all of these. She reasons: “Ayoko lang, wala talaga sa list o goal ko.”

Photo By: Noel Orsal

Parang hindi maiwasan na magkaroon ng sunud-sunod na projects ang StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati mula sa GMA-7.

Habang tumatagal kasi ay marami nang nakakapansin, hindi lamang ang kanyang magandang rehistro sa screen, kundi maging ang kakayahan niya sa pag-arte.

Pagkatapos ng launching afternoon soap niyang Kokak, si Sarah ay isa sa dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Makapiling Kang Muli.      

Ayon kay Sarah, nang makausap ng PEP.ph  (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Makapiling Kang Muli noong May 29, isa na namang bagong opportunity ang ibinigay sa kanya ng Kapuso network.

“Ibang-iba po talaga ang mga nagawa ko o gagawin ko ngayon sa Makapiling Kang Muli.  

“Talagang hindi ko pa po nagagawa sa mga dati kong mga roles,” sabi niya.

         

Paano ba siya mag-motivate ng sarili, lalo na sa mga eksenang halos puro iyakan?

Ayon kay Sarah, “May mga eksena po na nire-require talaga akong umiyak.

“Yung tipong wala akong maisip na experience ko para i-konek doon sa scene. 

“Of course, ang ginagawa ko, e, I prepare for the scene. I try to connect with my character and co-actors doon sa eksenang yun.  

“At saka yung director, kung anuman po ang utos niya sa akin.”

RICHARD & MARK ANTHONY. Kumusta si Richard bilang una nilang pagtatambal ang Makapiling Kang Muli?

         

“He’s a gentleman. He’s very professional at walang arte. At saka, yung mata niya, yun ang una kong napansin sa kanya.”

         

May mga kissing scenes sila ni Richard sa Makapiling Kang Muli, pero si Mark Anthony Fernandez ang talagang karelasyon ni Sarah sa teleseryeng ito.

“Hindi pa po namin nakukuhanan ang mga kissing scenes, daring scenes. Ayoko munang isipin. 

“Kasi, kapag inisip, pangungunahan ko na o gagawa na ako ng dapat ganito, dapat ganyan. 

         

“Mas maganda yung maging spontaneous sa moment.

“Siyempre, kapag nasa moment na yun na, sa utos ng director, kung ano ba yung dapat gawin.”

         

Kina Richard at Mark, kanino siya mas may nararamdamang pagka-ilang pa?

         

“Kasi po si Kuya Mark Anthony, nakatrabaho ko na siya before sa Little Star, leading man siya ni Ate Jennylyn [Mercado].

“Si Chard naman po, first time kong makatrabaho, pero nawala rin naman agad ang ilangan factor and yung kaba dahil he’s very friendly," sabi ni Sarah.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  ison

    07/09/2012 | 10:48 PM
    you're right SARAH!!! Just keep it up at malayo ang mararating mo! Next big thing of showbiz industry!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  mskeane_11

    06/02/2012 | 11:41 AM
    Over rated...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  luvpinas4ever

    06/02/2012 | 10:14 AM
    I saw the transformation of this girl from a naive winner of start struck to a full grown developed actress with full of talents -singing,dancing and now acting and hosting. compare to kim chu di hamak na mas talented ang batang ito . i really like GMA how they mold their reality contest winners to be on their own and NOT to depend on LOVETEAMS .these young actors are making names on their own and again hind umiikot ang mundo sa lovelife kaya pag hindi nag work ang mga pretentions na loveteam ng abs eh isasacrifice ang personal feelings and choices ng artista nila.ngayon ipinipilit na namn si Kim kay xian na halatang hindi gusto ni Kim.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  alexangel

    06/02/2012 | 09:08 AM
    love this girl!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  msTrue

    06/01/2012 | 11:13 PM
    maganda,matangkap,marunong kumanta,marunong umarte at marunong magsalita ng ilang language...sarah ikaw na nga!!!!!!!!!!!!!! panahon at tamang proyekto lng kailangan mo at sisikat kapa ng husto.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  shellphone

    06/01/2012 | 11:06 PM
    tama yan girl.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  lovelike

    06/01/2012 | 09:40 PM
    MARIAN, CARLA, SARAH L. and BIANCA KING...sila ang gusto ko sa KAPUSO!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  sk8r_boi

    06/01/2012 | 09:04 PM
    beautiful and talented. pareho kayo ni carla. andaming ganito sa kapuso station. goodluck sarah. watch din ako ng makapiling kang muli sa monday.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    06/01/2012 | 08:10 PM
    the next GMA7's big star - Sarah Lahbati. Excited na kami for Makapiling Kang Muli.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Lieutenantcaine

    06/01/2012 | 07:55 PM
    correction...and instead of ang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Lieutenantcaine

    06/01/2012 | 07:27 PM
    sana alagaan to ng gma7. Maganda, matalino, may ibubuga din acting wise. Good luck sarah ang wag lumaki ang ulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • trinoma_rat

    06/01/2012 | 05:36 PM
    good answer! don't ever let mens mags use you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    06/01/2012 | 04:57 PM
    parang awa mo na sarah mag pose ka naaaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    06/01/2012 | 04:49 PM
    Ano ba ang pagkakaiba ng nakahubad ka sa halos lahat ng magazine or nakahubad ka sa mens magazine?! dahil ba ang mga lalaki hindi tumitingin ng hubad na katawan kung hindi rin lang sa magazine na panglalake?! wake up and smell the coffee people. ang hubad ay hubad, period!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • madam01

    06/01/2012 | 04:17 PM
    She's pretty and sensible...mabibilang mo sa kapuso ang ganito...sana dumami pa ang lahi nyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    06/01/2012 | 04:00 PM
    MAG POSE KA kong mayroon kang ipopose, pero parang wala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • krenda

    06/01/2012 | 03:55 PM
    tama lang yan wag kana muna mag pose sa mens magazin.. gayahin u si Marian.. kahit nanalo hindi pa nagpopose dun..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About