Iwa Moto on past issue with Jodi Sta. Maria: “Eventually… ‘eto lang ‘yan, e, walang sikretong hindi nabubunyag. Lalo na sa akin, in due time, malalaman n’yo ang buong detalye ng buhay ko.  Pero sa ngayon, may mga taong pinuprotektahan din ako. May mga taong kailangan kong pagtakpan muna at saka may mga bagay na kailangang hindi muna malaman ng lahat para matapos ko ang ginagawa ko.”

Photo: Noel Orsal

Kung totoo ngang may bago nang girlfriend si Leandro Muñoz, si Iwa Moto naman ay tila may bago na ring karelasyon. 

Ito ay sa katauhan ni Pampi Lacson, ang anak ni Senator Panfilo Lacson. 

Sabi ni Iwa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, si Pampi kasi, two years ago, nagkakausap kami ng matagal. As in, palagi kaming nagkakausap dati.”

Paano sila naging parte ng buhay ng isa’t isa dalawang taon na ang nakararaan?

Kuwento ni Iwa, “Basta nagkaroon ng trouble before na nagkagulo na konektado siya [Pampi].

“’Tapos ang ending namin, kami na ang naging close. 

“Dati, kung mag-usap kami no’n, inaabot kami ng three hours sa telepono. As in, parang phonepal ito.

“Eventually, noong nasa States si Lee [Leandro], lumalabas kami ni Pampi as friends. 

“’Tapos, noong nag-break kami ni Lee, we broke up, we started dating. 

“Sabi ko, sige, wala rin namang masama if I started dating, di ba?

“So, noong time na yun, lumalabas din kami ni Pampi. 

“Eventually, yung friendship namin, nauwi sa dating.

“’Tapos noong bumalik nga si Lee, medyo naguluhan ako sa feelings ko. Siyempre, mahal ko si Lee. 

“Sa akin naman, lumalabas-labas lang. Tinray [sinubukan] namin pero hindi nag-work. 

“Hanggang sa umalis si Lee. Nandiyan si Pampi.