news

Bernadette Allyson hints at entering politics just like husband Gary Estrada

by Rose Garcia posted on June 2, 2012  STATS: 8512 Views | 4 Comments

Bernadette Allyson keeps an open mind as far as going into politics is concerned. Being married to Gary Estrada, who belongs to a political family, she feels she has no choice but to follow Gary's inclinations. She says: “Siya ang napangasawa ko. Mahilig siya sa politics. Ang pamilya niya, dugo niya, pulitiko."

Photo By: Noel Orsal

Mahigit sa isang dekada na rin na ang pagsasama bilang mag-asawa nina Gary Estrada at Bernadette Allyson.

Biniyayaan sila ng tatlong anak na babae at masasabing sa kabila ng pagiging mga artista, naging matatag ang kanilang kasal.

         

Magkasamang dumating sina Gary at Bernadette sa Café Romulo noong May 26 ng gabi at nakakuwentuhan sila ng ilan sa entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

         

ROLLER COASTER RIDE. Kauuwi lang din nila mula sa isang buwang bakasyon sa Amerika.

“Masaya. But like any other marriages siguro, parang ano kami, roller coaster ride. 

“Pero very thankful ako dahil si Gary, siya yung type of husband na naniniwala talaga siya sa sacredness of marriage.

         

“Sinasabi niya sa akin na yung paghihiwalay is not an option anymore kasi kinasal na kami.

“Parang exert talaga all effort to make it work. Parang hindi yung kada mag-aaway, aalis na ako. Ayaw niya ng ganoon.

“Kaya kahit may argument kayo to the point na gusto mong umalis or maglayas, ayaw niya ng ganoon. 

         

“Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na, ‘Hindi tayo sa option na hiwalay… Wala na dapat yung option na yun.’”

PETTY DISCUSSIONS. Although wala pa naman daw silang matinding pinag-awayan. 

         

“Naalala ko lang yung pinag-awayan namin before, I think it was the third time siyang tatakbo ulit sa politics.

“Ayoko na siyang patakbuhin. Pero siya, stubborn yan, e—Taurus. 

         

“At the same time, nasa dugo niya ang politics and may goal siya in mind…

“Na kahit na sabihin ko o ng ibang tao na huwag ka nang tumuloy—pangatlo na yan—kasi mayor pa rin noon…

“Itutuloy pa rin niya kahit na sabihin ko pa noon na, ‘Tatakbo ka ulit, bawal kang tumanggap ng work.’

“Ilang buwang hindi puwede mag-showbiz, e. Siya rin naman, there was a time na may mga frustration siya sa showbiz. 

         

“He wants a certain role o gusto niya ng malaking comeback ulit sa showbiz, hindi mangyari kasi sabi ko nga sa kanya, ‘Paudlot-udlot.’ 

“Every three years, whoever it is at that time, napa-para rin. Kapag election, hindi na puwedeng tumanggap. 

“E, tukso pa naman, kung kailan hindi puwede, saka may pumapasok. 

“Tinatanggihan niyang talaga kasi, ipa-prioritize niyang talaga ang campaign.

         

“I think, that was the major thing na napag-diskusyunan namin ng paulit-ulit. The rest of our arguments, mga petty.”

         

WHIRLWIND MARRIAGE. Naging sila ng isang taon, nag-break at nang muling manuyo si Gary sa kanya, nag-propose na ito agad, at sila'y kinasal.

         

“Akala nga nila noon, buntis ako kaya ako nagpakasal. Pero ang nangyari sa akin, si Icee, talagang honeymoon baby. 

“June kami kinasal, July ako nabuntis. So, it really depends on the people getting married.

         

“Kasi, na-prove ko naman na si Gary, seryoso."

         

Kilala si Gary noong binata na lapitin din ng mga babae at na-link na rin na ito sa iba’t ibang aktres. May pagkakataon ba na bumigay si Gary?  

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • septembersapphire

    06/05/2012 | 10:47 PM
    ay sus! magbantay ka na lang ng anak mo! bata mga kids mo kelangan nila ng nanay! mga gahaman naman tong mag asawang to.. si gary hisband nya gusto mag senado at eto gusto rin mag pulitika.... greedy! amnbisyon na wala sa lugar...hoy! unahin mo nalang ang pamilya mo oi!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mccec65

    06/03/2012 | 10:45 PM
    this is not a hint...do not do it Bernadette!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    06/03/2012 | 09:39 AM
    pag walang career ang isang artista they turned into politics. kase once they won, it is easy money. hanapbuhay na rin nila ito. kaya maraming artistang no longer active ang politicians na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    06/02/2012 | 12:51 PM
    isa ka pa. anak ng puto bongbong
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About