news

Carla Abellana on “hot scenes” with Richard Gutierrez in Makapiling Kang Muli: “Konti pa lang 'yan, later on mas marami pa.”  

by Rommel Gonzales posted on June 2, 2012  STATS: 15021 Views | 8 Comments

Carla Abellana dreams of portraying a character who's obsessed: "E, kasi Psych [psychology] major ako so parang ang sarap lang mag-research. So, iba-iba. Not necessarily obsessed sa lalaki, puwede sa babae na gustong gayahin, gusto ko yun.”

Photo By: Noel Orsal

Sa trailer pa lang ng Makapiling Kang Muli, ang bagong soap opera ng GMA-7, matindi na ang kissing scenes nina Carla Abellana at Richard Gutierrez.

“Konti pa lang yan, later on mas marami pa,” ang natatawang sinabi ni Carla.

PERMISSION. May paalaman bang naganap sa boyfriend niyang si Geoff Eigenmann?

“Wala, hindi naman kailangang ipaalam.

“Kapag may soap opera naman, siyempre kasama yun, that’s part of your work, that’s part of the whole soap opera.

“Hindi maiiwasan na may kissing scenes at kung anu-ano pa.

“Normal lang iyon, hindi kailangang ipaalam.

Maganda ang leading lady ni Geoff sa afternoon soap na Kasalanan Bang Ibigin Ka.

“Si Jackie Rice! Oo at ang payat-payat.”

Hindi ba siya nagseselos?

“Hindi naman. Magkakilala kami ni Jackie, she seems like a pleasant person, so wala naman, hindi naman ako kinakabahan.”

PATIENT AND SERIOUS ACTOR. Kumustang leading man si Richard Gutierrez?

“Okay, in all fairness. Napakahaba ng pasensiya niya, napaka- serious niya.

“Pasensiya, kasi siyempre with the shots of Direk Ricky [Davao], like our big scenes, ilang takes inaabot e, ilang oras inaabot para lang sa isang eksena.

“Wala. Hindi mo makikitang umaalma si Richard or nagrereklamo siya.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • tatoyadik

    06/03/2012 | 01:38 PM
    bagay sila ni RG...good luck...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Lieutenantcaine

    06/03/2012 | 10:20 AM
    Ganda ni carla ah.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • soy_tu_duena

    06/03/2012 | 09:03 AM
    i love carla... i love richard... ayy, bisexual ata aketch
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dustmyeat

    06/02/2012 | 09:36 PM
    pag hindi makaungos ito sa ratings sa walang hanggan ipalipat ito ni congresswoman anabil after 24 oras.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jdcamz

    06/02/2012 | 08:36 PM
    sana may movie si richard and carla.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kikay75

    06/02/2012 | 01:47 PM
    i like Carla she is so intelligent and beautiful....pero yung pagpopose sa mens magazine hmmm...e bakit pumapayag ka sa mga hot scenes at bikini sa mga movies mo e bakit sa mens magazines parang may pagka conservative ka? e ba parang parehu lang yun eh, pinakita muna rin eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    06/02/2012 | 12:13 PM
    Sana kayong tatlo ni MARIAN at SARAH L. ay hindi talaga magpoPOSE nang FHM...para palaging maganda ang image nyo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    06/02/2012 | 12:07 PM
    maganda talaga sya pero sana huwag palakihin ang ulo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About