news

Pauleen Luna says she's not threatened by Solenn Heussaff joining Eat Bulaga: "Magkaibigan kami ni Solenn."

by Gorgy Rula posted on June 2, 2012  STATS: 15953 Views | 20 Comments

Pauleen Luna refuses to comment on the status of her relationship with Eat Bulaga! co-host Vic Sotto. Now that Solenn Heussaff is joining Dabarkads next week, there are rumors that Vic may pursue the new girl. Pauleen comments: “Kung ili-link man siya, I mean, anyone can like anyone. Hindi ko naman control kung sino ang magustuhan kanino. It’s out of my control, it’s out of anyone’s control."

Photo By: Gorgy Rula

Pinasyalan kahapon ng PEP ang bagong bahay na ipinapatayo ni Pauleen Luna sa Tierra Pura Subdivision.

Proud ang aktres dahil ang laki raw ng pinaghirapan nilang buong pamilya sa bahay na iyun.

 
Tantiya ni Pauleen, isang buwan pa bago nila malilipatan ang naturang bahay.
 
 
Halos isang taon daw nilang ipinagawa ang bahay, at ang laki raw ang hirap nila rito dahil ito raw ang  kanilang dream house.
 
 
Nang napabalita ang pagpapatayo ni Pauleen ng bahay, kaagad nabalitang si Vic Sotto daw ang gumastos nito.
 
 
Napagbintangan tuloy si Paulenn na gold digger dahil malaki na raw ang nabibigay sa kanya ng main host ng Eat Bulaga!
 
 
“Nakakalungkot lang kasi hindi yata nila alam kung gaano ako kasipag magtrabaho, at gaano ako kasinop sa pera,” pakli ng 24- anyos na aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
 
 
“I really keep my money intact. Tingnan niyo naman everyday, nagtatrabaho ako, tapos tumanggap pa ako ng soap.
 
 
“I really work hard, lahat na ginagastos ko sa pagpapatayo ng bahay is really from me and my family,” patuloy niyang pahayag.
 
 
Ipinagmamalaki pa nito na konti lang nga raw ang naiambag niya sa mga gastusin sa pagpapatayo ng bahay dahil karamihan doon ay mula sa magulang niya.
 
 
“I can proudly say na lahat na ginastos dito sa bahay—it came from my Mom and my Dad, with the little bit of my help na pinilit ko pa na tumulong ako.
 
 
“Sila talaga, and I can proudly say na walang ibang tumulong sa amin dito aside from kami-kaming pamilya lang talaga," aniya.
 
 
Ang buong third floor ng bahay ay nilaan sa kuwarto niya at sa walk-in closet lang daw napunta ang pera niya.
 
 
Malaki nga raw ang pasasalamat niya dahil niregaluhan pa siya ng Renew Placenta (na ini-endorse niya) ng bagong kama. Kaya nagtataka siya bakit pinipilit daw ng ibang tao na si Bossing Vic ang gumastos nito gayung wala raw talaga itong naibigay kahit singko.
 
 
“I really don’t know, like what I’ve said before, as long as alam ko naman na wala naman akong ginagawang masama. Hindi naman totoo ang ibinibintang sa akin, e di okay lang ako,” pahayag pa nito.
 
 
ONLY A TV SET. Sa pagkaalala raw niya ay isang television set ang naibigay ni Vic para sa bagong bahay niya, na regalo sa kanya nuong nakaraan niyang kaarawan.
 
 
Pagdating kay Vic, tipid na ang mga sagot ni Pauleen. Wala pa rin siyang sagot sa tunay na relasyon nila ngayon.
 
 
Ayaw rin niyang pag-usapan ang isyung tutol daw ang mga magulang niya sa relasyon nilang dalawa.
 
 
“Sila naman, they just leave everything up to me,” sagot nito.
 
 
“Kung saan ako masaya dun din sila. Pero sometimes, merong mga below the belt. Of course, they talk to me about it. I try to ease whatever is bothering them.
 
 
“Mawawala konti, tapos balik na naman. They’re quite bothered, but again, alam naman nila kung ano ang totoo. So we stick to that,” dagdag pa niyang pahayag.
 
 
Tinitiyak naman daw niyang hindi madi-disappoint ang magulang niya sa kung ano ang desisyon nito pagdating sa kanyang love life.
 
 
“I will not disappoint them. I really think of the decisions  I make in life. Hindi katulad nung dati kung anu-ano na lang ang napagdesisyunan.  
 
 
“I think nagma-mature na rin ako na marami na rin naman akong natutunan. Kung ano ang napagdesisyunan ko napag-isipan ng matagal.
 
 
“Ang parents ko naman kung saan ako masaya, dun din sila as long as wala naman akong ginagawang masama,” saad pa nito.
 
 
Nahihiya lang daw siya sa mga magulang niya dahil nga sa pambibintang sa kanya na hindi naman totoo.
 
 
“Sa totoo lang, nahihiya na talaga ako sa magulang ko kasi sila talaga ang affected.
 
 
“Ako, hindi naman naapektuhan because maybe nasanay na rin siguro. Pero nakakahiya kasi I know and we know for a fact kung ano ang totoo.
 
 
 
"Tapos kung anu-ano pa ang naririnig namin, tapos minsan the way people say it with conviction pa, na alam nila what’s going on.
 
 
“But I guess it’s really an unfair business [because] you get judged easily, sana naman maging bukas ang mga mata ng mga tao.”
 
 
ON SOLENN. Dagdag pang intriga kay Pauleen ay ang nalalapit na pagpasok ni Solenn Heussaff sa Eat Bulaga!
 
 
Sa Lunes na ito magsisimula bilang bagong Dabarkads ng naturang noontime variety show, pero kay Pauleen agad ito nagkaisyu.
 
 
Naiintriga agad na baka magustuhan din daw ito ni Bossing Vic at baka maging threat ito kay Pauleen na ika-insecure ng huli.
 
 
Nagulat din si Solenn sa intrigang iyan dahil magkaibigan daw sila ni Pauleen at malabong maintriga raw siya kay Bossing Vic, dahil may boyfriend na nga raw siya.
 
 
Pahayag ni Pauleen: “First of all, magkaibigan kami ni Solenn.
 
 
"Nung sa party ni Kuya Bong [Revilla] for Lakas-CMD, magkasama kami sa dressing room.
 
 
“Of course kaming magka-Dabarkads one addition to the family is good. Masaya kami, sobrang nagkakasundo kami lahat.
 
 
"We’re very happy every time na may sumasama sa amin. Not because may sumama sa amin, nagkakaintriga. Especially Solenn, she is a very nice girl.
 
 
“Kung ili-link man siya, I mean, anyone can like anyone. Hindi ko naman control kung sino ang magustuhan kanino. It’s out of my control, it’s out of anyone’s control,” ang ligtas niyang sagot.
 
 
Bukod sa Eat Bulaga! ay excited si Pauleen sa role na ginagampanan nito sa bagong telefantasya ng GMA-7 na My Daddy Dearest.
 
 
Nagsimula na rin siyang mag-aral ng Culinary Arts sa Cuisinier Bistro and Culinary Studio dahil gusto raw niyang matutong magluto para sa dinesign niyang kitchen sa kanyang bagong bahay.
                                                
 
 
 
 
 
1  

more on this story

Show/Hide Comments

20 Comments

  • 20  tearhere

    06/06/2012 | 10:10 AM
    In fairness sa parents ni Pauleen, may kaya tlga sila, gaya ko taga-Valenzuela rin sila, maraming apartment ang parents nya tapos may gas station pa sila, ewan ko nga lng kung kanila pa rin yun, pero galing tlga sya sa may kayang pamilya, bago mag-artista nag-aaral pa yan c Pauleen sa Miriam College. Nataon lng cguro na mayayaman ang nagiging BF nya, eh sa yun ang lumiligaw sa knya eh, wala nman nanliligaw sa knya na ka-edad nya, c Mark Herras lng yata tapos un iba puro mas matanda s knya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  tennisgirl123

    06/04/2012 | 01:18 PM
    i remember may nabasa ako ng tweet nya hehe wrong grammar pa si pauleen kasi pinipilit magng sosyal! pauleen attention, iba ang meaning ng WERE AT WE'RE hehehe titignan mo muna kasi bago mo ipost saka pinoy ka naman maging totoo ka kasi sa sarili mo masyado kang trying hard eh.sana respeto nalng sa kasama mo at dabarkads mo na si pia parang wala kayong delicadeza ni vic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  tennisgirl123

    06/04/2012 | 01:12 PM
    ano ba tlaga pauleen?sbi mo sobrang sipag mo kaya kya mong ipatayo ang bahay tpos sa later part ng interview bigla mong sinabi na magulang mo halos ang gumastos at konti lang ang naiambag mo sa bahy,hehe di ka consistent sa mga sinasabi mo.and besides gaano ba kayaman magulang mo pra sabihin mong sila halos ang gumastos sa bahay?hehe just wondering.pano mo nagawang pumatol sa ex ng kasama mo sa work?prang awkward ata ah parang ang sagwa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  milomilo123

    06/04/2012 | 03:28 AM
    naubos daw ang kwarta nya sa kanya pinapatyong bahay....Say it again parang nabingi ako. Ayaw ni Dina, Oyo-Danica-conney-vico-paula-pia at solenn ng ganyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  RoseVille

    06/04/2012 | 02:12 AM
    nice one
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  coolet_06

    06/03/2012 | 08:54 PM
    congrats pauline for achieving your goal to have your own house... and to live with your family is a good sign that you and your family hava a strong bond with each other... let the hatred and bitterness of other people come your way... just ignore them, for in the end, they will end up losing.,... good luck on your new series...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  alimango21

    06/03/2012 | 11:40 AM
    hoy mga pipol, mgsitigil nga kau, mkahusga nman kau jan, wagazzzz!!! yaan nio c poleng, matanda n yan... ano man ang consequence ng mga action nia, cia ang mgdadala nun, affected much kau. pera nio b un ginogold dig nia? kamag anak b kau ni vic n hindi naambunan ng grasya at inggit n inggit kau jan at kung mkpanglait kau jan eh akala mo wla nang bukas, hahaha. Poleng, malaki ka na. bsta dpat alam mo na pinapasok mo, at ano man kahihinatnan nyan, wala k sna pagsisihan s huli. enjoy d moment, while it lasts hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  xxxjmb2

    06/03/2012 | 07:47 AM
    Sobra nmn kayo kung laitin c pauline..tao lg xa, naiinlove ..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kapus0_ako

    06/03/2012 | 07:33 AM
    Nga naman hindi ka na nahiya ksama mo sa EB yng ex nya then nakuha mong pumatol!? I wonder ano cnsb syo ng maglang or deadma lang din cla kc pti sila NAKIKINABANG.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  swanlakegirl

    06/03/2012 | 06:50 AM
    Ay ganda babae solen ingat ka paulene di hamak na mas malakas ang appeal ni solen sa yo at please wala ka bang hiya sa katawan halos sobra pa sa tatay ang dating ni vic sa yo kaya wag kang magalit pag tinawag kang goldigger
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  lanalang08

    06/03/2012 | 05:29 AM
    eh ano naman kung bagong dabarkads si solenn at para mainsecure si pauleen sa kanya. di naman ganoon kagarapal si bossing na lahat na lang nang co host ay natitipuhan. tama na si pauleen para kay bossing dahil mukhang inspired naman siya talaga ngayon. si solenn ay masyadong socialite para pumatol sa isang katulad ni bossing kung si bossing ay malaya pa at walang pauleen luna. pang international ang beauty ni solenn and di siya kukuha nang hindi isang banyaga. di ba ex siya ni derek ramsay. di ba si derek ay half british half pinoy and now ang bf niya ay isang foreigner ulit. kaya why si pauleen maiinsecure.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    06/03/2012 | 05:12 AM
    nako may mabibiyaan na naman ng house and lot, car etc., diba pia, dina, coney, danica, oyo, pauleen, paula ,vico ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sapulasaputi

    06/03/2012 | 03:39 AM
    may pera ka naman pala for delicadeza sana di na lang sya pumatol kay vic... di lang kau magkakilala ni pia,im sure magkaibigan pa kau kahit na sabihin mong wala na sina vic at pia.Sana naman isa sa inyo nila pia ang umalis ng eb. Di ka rin maging masaya kasi lahat ng galaw at salita nyo may limitasyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • baybrook

    06/03/2012 | 01:55 AM
    naku poleng,be afraid ,be very afraid! bwahahahaha for sure insecure na insecure ka kay solenn!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • slickchick02

    06/02/2012 | 09:35 PM
    next thing she knows, wala ng binibigay sa kanya si vic kasi dun nya na binibigay kay solenn LOL! pinapaabot ni vic sa mga galamay nya. he's gonna do it behind gold digga's back... just watch and see
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • daiguro01

    06/02/2012 | 08:39 PM
    mangamba ka na day, isang araw magugulat ka na lang, yung mga gamit mo nasa labas na ng bahay ni bossing habang nakamasid sayo si solenn na nasa terrace at nakataas ang kilay. bwahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapus0_ako

    06/02/2012 | 08:25 PM
    Di magtatagal si Solenn nman ang magiging girlfriend ni bossing... Mga ganyan kya ang tipo nyang girl, look at his past GF puro mapuputi makikinis xcept PIA G. So dpat lang talagang kabahan ka Poleng hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/02/2012 | 06:40 PM
    Polen, naniniwala kc mga tao 'kung may usok may apoy! nasa edad ka na naman, whats wrong? ganoon talaga ang pag ibig neng, mahiwaga at sadyang nakakabaliw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • juris

    06/02/2012 | 05:00 PM
    Oo na lola poleng.Teka naka face to face mo na ba ang mga ninyo ni lolo vic na sina micmic,caela kiel at ondrea at ang mga stepdaughters mong sina danica at paulina na myx vj finalist at stepsons na sina vico at oyo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    06/02/2012 | 04:32 PM
    wag na pabalikin si Pia G.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About