news

Barbie Forteza says she will miss bonding with Tween Hearts cast and director Gina Alajar as the series comes to an end 

by Rose Garcia posted on June 3, 2012  STATS: 2693 Views | 11 Comments

Barbie Forteza on working with Tween Hearts director Gina Alajar: "Si Direk Gina, parang nanay ko na siya sa showbiz.  Kasi talagang ang dami na niyang naitulong sa akin. Alam niya kung may nararamdaman kaming lahat. Yung parang nasa-ulo na niya kaming lahat.”

 
 
Photo By: Noel Orsal

Dalawang taon mahigit daw silang magkakasama at linggo-linggo ay nagkikita-kita para sa taping ng Tween Hearts.  Kaya naman noong thanksgiving/farewell press conference ng show, hindi pa rin daw makapaniwala si Barbie Forteza na magtatapos na nga sila.

 
“Hindi ko ma-imagine.  Kasi, sa isang linggo po talaga, hindi po mawawala na may taping ang Tween Hearts, every Thursday.  So, nakakalungkot  po talaga.
 
 
“So, ngayon, sa Party Pilipinas na lang po kami maku-kumpleto.  Minsan, hindi pa. E, parang sila na rin ang mga naging barkada ko talaga. 
 
 
"Kasi, kahit noong hindi pa ako artista, never ko talagang na-experience na magkaroon ng barkada.  Dito lang talaga.”
 
 
Noong nakaraang buwan daw silang nasabihan na magtatapos na sila.
 
 
Sabi nga ni Barbie, “Nalungkot kaming lahat. Pero kasi, nakakahiyang umiyak. Pero feeling ko, lahat kami gustong umiyak.”
               
 
LUCKY TWO. Pero sa buong cast, sila ni Bea Binene ang puwedeng sabihing secure na kung sa pagkakaroon ng bagong show ang pag-uusapan.  In fact, kasama sila sa primetime series na Luna Blanca.
 
 
Ayon naman kay Barbie, “Hindi naman porke’t magkakaroon kami ng ibang projects ni Bea, hindi naman ibig sabihin no’n, hindi na kami malulungkot. 
 
 
 
"Kasi, talagang aaminin ko, ‘eto talaga, sobrang laking part ng career ko ang Tween Hearts.
 
 
“Dito talaga nag-start at halos lahat kami, dito kami nakilala at mas maraming sumusuporta sa amin ngayon.
 
 
"Kaya hindi porke’t may mga susunod na kami [na show] ni Bea, hindi na kami malulungkot.  Siyempre, iba pa rin ang samahan ng  Tweens.
 
 
“Kasi, kapag kulang kami, parang kulang din ang energy kaya kailangan kumpleto.”
 
 
FRIENDS OR NOT? Yung isyu na hindi sila okay, hindi sila friends, at hindi sila close ni Bea, mas maingay na ito ngayon at hindi talaga nawawala. Bakit kaya?
 
 
“Hindi ko rin alam.  Hindi ko nga rin po alam bakit kami pinag-aaway ni Bea.”
 
 
Hindi ba nila napag-uusapan ni Bea ang isyu sa kanila?
 
 
“Hindi. Kasi, okay naman kami kaya never naming naitanong sa sarili namin yan.  Tapos noong nagkaroon ng isyu na mga ganyan-ganyan, sabi namin, bakit may ganoon?
 
 
“Pero ako po, aaminin ko po talaga, hindi po talaga ako close kay Bea.”
 
 
Kung tutuusin, sila sa mga cast ng Tween Hearts ni Bea ang magkasama sa mga shows noon pa man, pero ano ang dahilan at hindi sila naging close friends?
 
 
"Hindi ko rin po alam, e."
 
 
“Siguro po kasi, sa Tweens kasi, hindi na namin alam kung ano ang nangyayari sa mga buhay-buhay namin.
 
 
"Pero hindi naman po porke’t hindi kami close ni Bea e, magkaaway kami.  Actually, feeling ko, doon nagsimula ang isyu.
 
 
“Noong sinabi ko na hindi kami close.  Ang laking diprensiya naman ng hindi close sa magka-away. 
 
 
"Hindi ko naman sinasabing magka-away kami.  Okay na okay po kami ni Bea.”
 
 
Yung kumpetisyon nilang dalawa pagdating sa career, posible bang dahilan yun ng hindi nila pagiging malapit sa isa’t-isa?
 
 
“Para sa akin po ha, hindi naman po talaga big deal kung close kami ni Bea as long as okay kami. 
 
 
"At saka, looking forward talaga ko na gawin yung Luna Blanca kasi, kaming dalawa na lang po yun, e.  Gusto ko talagang maging close sa kanya.”
               
 
DIREK GINA ALAJAR. Tinanong naman namin si Barbie kung ano ang mamimiss niya sa show nila?
 
 
“Yung bonding ng lahat. 
 
 
“At saka si Direk Gina [Alajar].  Si Direk Gina, parang nanay ko na siya sa showbiz.  Kasi talagang ang dami na niyang naitulong sa akin. 
 
 
"Alam niya kung may nararamdaman kaming lahat.  Yung parang nasa-ulo na niya kaming lahat.”
 
 
Nagulat naman daw siya at natuwa nang marinig ang mga naging komento sa kanya ng direktor.
 
 
“Na-touch nga ako kasi, ngayon lang sinabi ni Direk Gina sa amin yun.
 
 
"Kapag po sa set, nagpapasalamat po siya, pero, parang iba po yung dating noong sinabi niya kanina.
 
 
"Mas nakaka-inspire mag-trabaho kapag may direktor na ganoon ang turing sa ‘yo.”
 
 
Ang ka-loveteam niya ay si Joshua Dionisio; mamimiss niya ito?
 
 
“Ay, opo naman.  Siyempre, sobra.”
 
 
JOSHBIE NO MORE. Hindi dumating si Joshua sa thanksgiving/dinner nila.
 
 
Sabi naman ni Barbie, “Marami rin naman pong wala rito.  Actually, kahit kami, akala po namin hindi kami makakarating kasi traffic.
 
 
"Pero parehas po kami ng pinanggalingan. Galing po kami ng Subic, nag-taping kami.”
 
 
Paghihiwalayin na raw ang loveteam nila, ang JoshBie?
 
 
“Sa ngayon, wala pa po akong balita. Pero, hindi naman po ako nagsasalita ng tapos. 
 
 
"Ayoko rin naman pong pangunahan ang network.  Kaya, nasa sa kanila na rin po yun.”
 
 
Balik-eskuwela raw si Joshua ngayon habang wala pang bagong project.  Hindi naman itinanggi ni Barbie na nalungkot din daw siya na hindi nga sila magkakasama muna.
 
 
“Opo…kasi, first time ko rin maka-experience ng lalaking best friend talaga.
 
 
"Yung iba, iisipin nila, medyo imposible kasi, magkaiba talaga.  Pero kami ni Joshua, sa sobrang tagal na naming magkasama, naiintindihan na namin ang isa’t-isa.”
 
              
Ngayong hindi na niya kasama si Joshua sa mga bago niyang shows tulad ng Tweets for My Sweet at Luna Blanca, posible pa rin kayang magkasama pa sila kahit off-cam? Dati kasi ay madalas silang lumalabas at nanonood ng sine na magkasama.
 
 
Sabi naman ni Barbie, “Opo naman.
 
 
“At saka, maraming beses ko na rin pong sinasabi na hiwalay po talaga ang personal na buhay sa showbiz life. 
 
 
"Talagang kahit sabihin na natin na medyo magkakahiwalay kami ni Joshua for a while, hindi naman mawawala yung friendship namin, nandoon pa rin.
 
 
"Kapag  may free time, siyempre, kung anuman yung dati naming ginagawa, bakit naman kailangang magbago? 
 
 
"Hindi naman porke’t pinaghiwalay kami, hindi na namin magagawa yung mga ginawa namin dati.”
1  

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  kaepalmilya

    06/04/2012 | 12:19 PM
    brainless panong di ka mag sasawa wala kang ginawa kundi bantayan ang article nila sa pep. pwede mo namang hindi basahin binabasa mo pa. grabe talaga tong mga kapamilya hindi ko alam kung may mga utak ba o bao lang talaga ang laman ng ulo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  Einstein_1

    06/03/2012 | 11:45 PM
    grabe ang ganda naman ng pwearl.. muka at tunog pweat lang. haha!! lakas ng loob ng bakilitang itetch.. palibhasa kamukha nya c kiray.. kaya feeling artistahin yan. idol nya tlaga un. kanina pa niya pinagmamalaki. go gurl.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    06/03/2012 | 10:56 PM
    nagiilusyon nanaman ang mga kapamilyaks na to.. mas kilala na lang ang mga to kesa sa mga kasabayan nilang mga da who at wala kaich ichura sanyo. sorry ha! un lang obserbasyon ko. wala tlagang dating ang mga kasabayan nila sanyo at itong dina da who nu e nakapag hollywood na kahit ano pang sbihin nu e tlaga namang sikat ang tweens at laging talo ang ratings nyo. mga starlet at mga da who na abs.. ni hindi ko alam bt naging artista.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/03/2012 | 09:20 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • nugget

    06/03/2012 | 09:00 PM
    Si Brainfool parang may palipad hangin hahaha pero loves subaybayan ang GMA artist.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    06/03/2012 | 08:38 PM
    iam_brainful 06/03/2012 | 06:50 PM My God, halos everyweek may report sa nalalapit na ending nitong unknown show nato. Kala ko ba wala nato. Ilan po ba ang ending? ------------------ unang-una, hindi ka naman magsasawa kung d mo papansinin... sawang sawa ka na ala pero lagi ka namang nandito sa mga articles ng mga batang to... hahahahahahahah... baliw...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • p4n4lo

    06/03/2012 | 08:12 PM
    affected yata si brainfool kasi lagi sya nanonood ng tween hearts...chipipay kasi yung katapat na show ng mga unknown at ngetpa na mga eybies starlets...pang probinsya lang talaga...boom!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sapulasaputi

    06/03/2012 | 07:43 PM
    bawasan ang kaartehan at pagka OA iha, nakakairita eh.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • hellotweety_87

    06/03/2012 | 07:40 PM
    at ikaw iam_brainful lagi mo inaabangan article about kay barbie...hahaha... di mo napapansin ikaw lagi nauuna mag comment... bitter ka kc...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/03/2012 | 06:55 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/03/2012 | 06:50 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About